KABANATA 14

0 0 0
                                    

CHAPTER 14
KHENT’S POV
Akala ko may chance pa kaming maka survive dito ngunit sa pagdaan ng mga araw ay mas lalo lamang lumalala. Noong una, isa pa hanggang sa nagsunod-sunod na. Ngayon, hindi na kami aabot pa ng sampu at ibig sabihin noon nasa amin lang ang killer. History repeats itself. Kung pwede lang sanang tumakas ginawa ko na kaso mas magiging delikado pag ganun dahil sa mga kahoy na nakapalibot at alam kung walang makakarinig kapag manghihingi ako ng tulong. Isa isa kong tinignan ang aking mga kasama. Ano ang motibo ng killer? Bakit nangyari ulit ito? Bakit ngayon lang na may transferee? Ngunit ang nangyaring pagpatay noon kay Anne ay isa pa ring misteryo. Nanatili itong unsolved case sa paaralan at wala na ni isang naglakas loob ungkatin ito.
Mariin kong tinitigan lahat ng andito at wala ni isa akong makitang ebidensya na isa sa amin ang killer. Isa lang ang alam ko kaming lahat ay natatakot sa nangyayari.
“Guys, ngayong gabi iisa na lang tayo ng tutulugan. Mas magiging delikado pag naghiwa-hiwalay tayo” suhestyon ni Sir Yoshi sa amin na para bang ang brilliant ng idea niya.
“Gago! Edi isang patayan lang ang magaganap. Bobo to ih” sambit ko sa aking isipan habang binibigyan ito ng matalim na tingin. Ngunit ang hangal ay tila manhid hindi man lang nakakaramdam!
“Hindiiii!!Ayoko pang mamatay! Mas madali tayong mapapatay pag nagsasama sama. Please lang” naiiyak na sambit ni Mary Jean kaya agad agad naman itong niyakap ni April at inalo. Isa din ito ih, napaka inosente nga namang tignan. Sa dinami rami ng pagkakataon bakit ngayon lang naulit ito matapos nyang magtransfer dito. Wala pa rin akong ginawang imik at mas minabuting obserbahan ang lahat.
“Isa sa atin ang killer! Ikaw ba Sir? Ba’t nais mong magsama sama tayong lahat? Para diretsahan ba ganun?” nanggigil na sabi ni Kit na parang anumang oras ay handa nang salubungin ng suntok ang mukha ng kausap.
“Ha! Ako pa? Tingin mo magagawa kong patayin sila lalo na si Zyra? Baka nakakalimutan nyo andyan din si Khent. Tahimik pero ewan kung ano nga bang laman ng isip nyan. Baka nag-iisip nay an ng paraan kung paano tayo patayin” namimintang nitong saad. Duh, magtutulakan lang tayo dito at sino namang tanga ang aamin. Bobo talaga. Nanatili lang akong walang imik.
“O baka naman ikaw MJ? Ika nga nila, “looks can be deceiving” minsan kung sino pa yung inosente siya pa yung demonyo. Malay mo ang galing mo palang magpanggap diba?”
“Ikaw Sir nu ang galing mong mamintang eh wala ka ngang ebidensya! Tingin mo magagawa nya yun? Di nga nito magawang patayin ang lamok tao pa kaya? Nahihibang ka na ba? Alam mo Sir ang bobo mo!” nangangalaiting sagot nito habang akap akap pa rin si MJ na pilit pinapatahan. Tsk, ba’t ang defensive yata nito? Hindi naman sya si MJ ah?
“Baka ikaw ang killer. Mula ng dumating ka nagsunod sunod na ang mga pagpatay. Malas ka eh, ba’t mo nga ba napiling mag transfer dito sa dinami ng paaralan? Bakit akala mo ba hindi ko alam ang sekreto mo at pinakatagong dahilan kung ba’t ka andito?” saad ko rito at kitang kita sa reaksyon nito ang pagkagulat, tila hindi inaasahan ang aking sinabi.
“Ano..anong ibig mong sabihan?” tumaas ang tono ng boses nito, nauutal at halatang kinakabahan.
“Your dad is a murderer right? Hmm, top secret of your family. He killed he’s bestfriend diba? Pero ewan at tila hindi na nagpatuloy ang hearing. Malay mo binayaran ng malaking halaga. That’s what wealthy people usually do. Baka sumusunod ka rin sa yapak niya” dagdag ko pa rito at agad na nag-unahan sa pagtulo ang butil ng luha sa mata nito.
“He was framed up! And my conscience is clean, I’m not the killer” hindi na nito napigilan ang umiyak ng todo kung kaya’t dali-dali itong tumakbo papalayo.
“Don’t you dare accused April!She never did anything wrong!” sigaw naman sa amin ni Kit at dali daling sinundan ang babae. Tsk. Bobo din to. Habol ng habol kahit halata namang wala itong pake sa kaniya.   

APRIL’S POV
Papalubog na naman ang araw, unti unti ng kinakain ng kadiliman ang natitirang liwanag. Maagang kaming naghapunan at nagkanya kanya na ng punta sa sariling tent.
“April, kunin mo na mga gamit mo at doon ka na sa tent ko. Babantayan kita” nakagiting sambit ni Kit kahit bahid ang takot sa mga mata nito. Hindi ko alam kung bakit araw-araw nitong pinaparamdam sa akin na napakahalaga ko. Tinitigan ko ang mukha nito na wari ba’y kinakabisado ang mukha nito. Pinaka gusto ko sa lahat ay ang mga mata nitong napakaraming sinasabi ngunit nararamdaman ko ang sinseridad nito. Di ko tuloy maiwasang kiligin dahil sa sandaling ito mayroong isa na nag-aalala sa akin maliban kay MJ.
“Sige, hintayin mo lang ako dito sa labas at kukunin ko lang gamit ko. Teka, paano na si MJ?”
“Mukhang close naman sila ni Sir kaya siya na bahala”
“Okaysabimoeh” dali dali kong sambit at saka agad na tumalikod upang mapigilan ang sariling mapangiti sa harap nito. Di na ako nag-abalang tignan pa sya at agad na pumasok sa tent ngunit laking gulat ko ng Makita ko si MJ na nakatali at may duct tape ang bibig.
“hhmmmmmmmm” nagmamakaawa nitong sambit. Di ko tuloy maiwasang hindi na naman umiyak sapagkat awing-awa ako sa itsura nito. Gusot ang damit at may pasa sa bandang mukha. Mayroon ding sugat sa kamay nito.
“Kit! Tulungan mo kami rito! Tuuuuuuuuuuulooooooongg!!” naiiyak kung sigaw. Mabilis namang nakapasok si Kit at agad akong tinulungang tanggalin ang tali. Ilang minute ang nagdaan, hinihingal na pumunta sa amin si Sir Yoshi.
“A—ano ang.. nang..nangyari dito? MJ, ayos ka lang?” nag-alalang sambit nito at agad itong bingyan ng tubig.
“S—sir”
“Sinong may gawa nito sa iyo? Sabihin mo sa akin!”
“Hindi ko nakita ang kaniyang mukha ngunit alam kong hindi sya babae” nanginginig na wika nya siguro dahil na rin sa trauma na naramdaman niya. Muntik na syang mamatay! 
“Asan si Khent?!” galit na wika ni Sir. Noon ko lang napagtanto na sya lang wala rito. Jusq. AGad akong kinabahan dahil dito, kaya ba ang talim ng titig niya sa amin? Paano kung ako na ang papatayin niya?
“Hahanapin ko siya. Dito lang kayo” mariing sambit nito at saka tinitigan si MJ.

The Secret of Cassanova SectionWhere stories live. Discover now