KABANATA 2

1 0 0
                                    

Kabanata 2

APRIL'S P.O.V

Minamasid ko lahat ng taong nasasakop ng mata ko. Bawat isa sa kanila ay tinitignan kong maigi. Hanggang sa nag break time na kami. Mag isa lang akong pumunta sa canteen. May mga babae sa gilid na tila masama ang tingin sakin. Pero hindi ko na sila pinansin. May babaeng lumapit sa akin.

"Ahm? Ikaw si April diba, ako pala si Mary Jean"
sabi nito, natutuwa naman ako na may lumapit sa akin para makipagkilala.

"Ahm yes, Nice meeting you" sagot ko.

"Bakit nag iisa ka?Ayos lang ba kung sasamahan kita?" tanong nito sakin.

Napangiti ako at sinabing "Siyempre naman". At kumain na kami.

Natutuwa naman akong may naging kaibigan na rin ako. Lalo na at napaka enthusiastic niyang tao. Pero sa kabila nun, may mali talaga akong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano yun pero pinabayaan ko nalang. Masaya naman siyang kasama eh.

Bumalik na kami ng classroom dahil time na. Habang nasa hallway kami. May mga babaeng dumaan sa amin. Sila yung nasa canteen, at talagang masama yung tingin nila sakin. This school is kinda weird, specially the students.

Napansin ko yung misteryosong lalakeng nakaupo sa pinaka likod. Napaka mapagmasid niya. Halos hindi din siya umiimik. Napaka weird niya.

Nung uwian na, sinamahan ako ni Mary Jean hanggang gate. "Oh anjan na yung taxi, sasabay ka ba?"
tanong nito sakin.
"Ay mauna ka na. Naiwan ko yung notebook ko sa classroom, babalikan ko lang". Sagot ko.
"Ah sige sige, mauna na ako" sabi niya.

Bumalik ako sa classroom para kunin yung notebook ko. Halos wala na ring tao sa time na yun. Nung nakita ko na yung notebook ko, sinilid ko na ito sa bag ko at umalis na. Paglabas ko, pakiramdam ko may nakasunod sakin. Pero hindi ko na pinansin. Baka kasi guni guni ko lang yun.

Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa akin. Sina Zyra at Gle. Hinila nila ako papunta sa isang classroom, bumungad sa akin sina Mary Joy at Judelyn.
"Anong problema niyo!" sigaw ko. Hawak nila ang kamay ko kaya hindi ako makagalaw.
"Wala naman silang problema, ako ang may problema" may babaeng nagsalita mula sa pintuan. At si Mhara yun.

"Ano?" patanong ko.

"Pwede ba? Wag kang patawa. Masyado ka kasing papansin eh, unang araw mo palang" sabi nito.

"Tss! AHAHHAHAHA, ikaw nga tong patawa. Hindi ako papansin. Sadyang may mga taong nakakapansin lang sakin, bakit naiinggit ka." sagot ko.

"ako naiinggit? Freak! Ako talaga! HAHAHAHAH" sagot nito.

"Oh yeah, hindi ka naiinggit. You're just scared, right? Natatakot lang hindi mapunta yung attention ng lahat sayo? Natatakot kang mas higitan kita, HAHAHAHAH" sagot ko.

"Shut up!" sagot nito at handa na ang kamay niya para sampalin ako.

Nang may lalake mula sa pintuan sumigaw(in a cold voice) ng "Ang i-ingay niyo".

It was Khent,

siya yung weird na lalake.

"it's none of your business!" sigaw pa ni Mhara.
"Tss! Umalis nalang kayo!" sabi nito.

Sumagot naman si Mhara ng "At bak-". *Sinuntok ni Khent malakas yung usang upuan*

"Basta umalis na kau!". Sigaw nito. Nagulat kaming lahat, at kahit pati si Mhara speechless.

"Fine!" sigaw nito at sabay umalis. Umalis na din si Ken. Tumakbo ako papunta sakanya para magpasalamat.

"Ah, Khent, salamat pala kanina, siguro kung-" diko natuloy ang sinabi ko dahil sinagot lang niya.

"Masyado lang kayong maingay".

Tumakbo nalang ako pabalik ng gate. Nakakapagtaka lang dahil ano nang oras nun at hindi pa umuuwi si Khent. At andun din siya sa classroom, sa section namin,at may dala dalang flashlight.

Pag uwi ko ng bahay, binagsak ko yung bag ko sa sahig dahil pagod na pagod na ako. At nahulog din yung notebook ko. Yun yung notebook na binalikan ko kanina. At nagbukas dun sa isang page na may nakasulat. "Some things were treat for the eye but be careful for appearances lies".

H-huh? Ano toh? Sinong nagsulat nito? Anong kalokohan to

The Secret of Cassanova SectionWhere stories live. Discover now