KABANATA 9

0 0 0
                                    

CHAPTER 9

KRISTINE’S POV
Our section isn’t the same anymore. Blood, dead bodies, investigation’s still on-going, everything is a mess. Sa bawat araw na nagdaan, imbis na maging payapa ay mas lalo pang naging magulo. Isang araw matatagpuan nalang na patay ang isa sa kaklase namin, ganun din sa mga susunod pang mga araw, at lahat nang iyon ay inaasahan na. Nakakapangamba, oo, pero wala kaming magawa dahil maski ang mga pulis ay hindi man lang makausad sa ginagawang imbestigasyon.
Maaliwalas ang panahon at napakaaga ko ngayong naglalakad papunta sa silid-aralan namin. Bubuksan ko n asana ang pintuan ng marinig ko ang mumunting bulungan galing sa loob kung kaya’t mas pinili kong manahimik.
“Babe, tell me what’s bothering you? You’ve been like this since last week. Everything okay?” nababahalang usal ng lalaki. Geez, akala ko pa naman kung ano it’s just a stupid love problem of some couple. Tsk.
“N—no… As much as I want to tell you but I’m afraid. Araw araw akong dinadalaw ng konsensya ko at ni minsan ay hindi pa ako nakatulog ng payapa. Nagigising nalang ako sa kalagitnaan ng gabi” naiiyak na saad ng babae. There! I recognize that voice, it’s Zyra and sht the man she’s talking to is Sir Yoshi! I can’t believe this.
I’m about to leave to value their privacy but then my world stopped when I heard her confess something really unbelievable.
“I..I k—killed Step. I know I did a heinous crime but believe me I’m not the killer. I want her out of my sight because I got jealous. She’s a slut!” I gasped and immediately cover my mouth to stop myself from making any noise. Natutulala kong tinignan ang pintuan at saka dahan dahang napabitaw ang kamay ko rito. My hand is trembling uncontrollably.
“Yoshi, you believe me right?” naiiyak pa rin nitong saad  sa kausap.
“Of course, I do. I promise I won’t tell anyone about this. Hayaan nating isipin nila na ang totoong killer nga ang pumatay kay Step”
Napagdesisyonan ko nang umalis sapagkat naririndi ako dahil sa mga mumunting ingay na ginagawa ng dalawa sa loob ng silid. For pete’s sake they’re doing it at school! Disgusting! Ngunit di ko namalayan ang isang flower pot sa tabi at nasagi ko ito. Namayani ang ingay sa buong paligid at ito’y nagpagulong gulong.
“Sino ‘yan?” Sir Yoshi’s voice echoed inside the classroom followed by his loud footsteps enough to make me nervous and tremble so bad. I couldn’t move even a bit. Pero nagulat ako ng biglang may humawak sa akin at kinaladkad papunta sa gilid sapat na upang hindi ako mabisto ni Sir Yoshi. My heart is beating rapidly and I don’t know how to calm down. It was Karl who saved me.
“Salamat nga pala. I need to tell you this Karl. Zyra murdered Step, I heard it. Isa pa, she’s in a relationship with Sir Yoshi” naghahabol ang hiningang sabi ko rito. Tinatantya ko ang magiging reaksyon nito at gaya ko ay gulat na gulat din ito sa nangyari.
“Pero di niya inaaming siya ang pumatay sa iba”
“Paano kung nagsisinungaling lang sya? Lahat tayo may tinatagong sekreto, maski ikaw. Kaya wag kang magtitiwala Tine kahit pa sa akin. Stay out of it. Kalimutan mo lahat ng narinig mo, please don’t be involved” ngayon ko pa lang nakikitaan ng pagkaseryoso si Karl at binabantaan akong h’wag makialam.
“What are you hiding, Karl?” gusto ko sanang isatinig ngunit mas pinili na lamang na manahimik.
“Ba’t ka nga pala napaaga ngayon? Himala ah” sambit ko ditto ngunit hindi man lang ako matignan sa mata. Something’s off.
“Wala may hinahanap lang. It’s none of your business” sabi nito at dali daling umalis.

MHARA’S POV
Kakapasok ko lang sa room at agad akong hinila ni Gleziel at dinala sa labas. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin sapagkat kay aga aga at ganun agad ang eksena.
“Alam kong hindi mo pa alam pero si Zyra ang pumatay kay Step at malaki rin ang posibilidad na sya nga ang killer! Haven’t you noticed? She’s acting weird since last week” sabi nito sa akin sabay irap habang nakapameywang.
“Saan mo naman narinig yan? Baka sinisiraan mo lang yun, alam kong malaki ang galit mo doon” tugon ko sabay irap din. Aba! Ako kaya ang leader dito kaya ba’t ako papatalo. Ma attitude din ito ih.
“Well, narinig ko kay Kristine okay? Maaga ako kanina at hindi ata nila namalayan na andun din ako. Who wouldn’t believe that nerd, she’s not good at lying you know?” sambit nito sabay lakad papasok.

APRIL’S POV
Napakaingay ng room! Nagsisigawan ang mga ito, akala ko gaya lang ng dati na normal na kulitan o pambu-bully pero hindi. Nanatili akong nakatayo nang pumasok si Zyra at mas lalong lumakas ang ingay na para bang anlaki ng galit nila dito. Ngunit di ko inaasahan ang biglaang pagtayo ni Rhona at sinabunutan si Zyra.
“Gaga ka! Ikaw pala ang pumatay kay Step ah! Ano? Masaya kana? Sino ang isusunod mo ha?” nangangalaiting tanong nito. Walang humpay sa pagmumura si Rhona sabay kalmot sa babae.
“Putang*na kaaaaaaaaaa!!!”
Ni isa ay walang naglakas loob na umawat dito at yun nga ang naging usap-usapan sa loob ng aming room. Ang mas nakakagulat pa doon ay may relasyon sila ni Sir Yoshi. Hindi kaya magkasabwat sila? Patuloy pa rin nila kaming tinuturuan ngunit lahat kami ay tila wala sa sarili. Lutang na lutang at wala namang magagawa ang aming mga gurong wala ding pakialam. After what happened, from the beginning until now, sinong hindi mababaliw kakaisip sa lahat ng ito?
Umabot na ang hapon at hindi na pumasok si Zyra. Siguro nga’y nagtatago na sya sino pang maglalakas loob na magpakita after sa lahat ng ginawa niya. Ngunit ang mas nakakadagdag sa akin ng isipin ay wala rin si Sir Yoshi.

ZYRA’S POV
Matapos ang sabunutang nangyari at pagmumura sa akin ni Rhona ay dali dali na akong umuwi. Oo, nakokonsensya ako at pinagsisihan ko yon. Pero nagawa ko na at hindi ko na maibabalik pa. Anytime, pwede akong hulihin ng mga pulis at gagawin ko ang tama this time. Aaminin ko ang krimeng aking nagawa. Napabangon ako sa aking kama ng may matanggap akong text galing kay Yoshi.
“Are you okay? I heard what happened. Let’s have a date. Gusto kong kalimutan mo muna lahat ng bumabagabag sa iyong isipan kahit ngayon lang. Cassa Verde @ 7 pm. I’ll wait for you” napangiti naman ako nang mabasa ko ito at agad ni replyan na pupunta ako. I’ll let myself enjoy the night and right after this I’ll confess my crime.
Maaga akong naghanda para hindi maghintay sa akin ng matagal si Yoshi. Twenty five minutes before the said time ay ipinagmaneho ko na aking sarili papunta sa nasabing hotel. Kalauna’y nahanap ko rin ito, ngiting ngiti sa akin si Yoshi but I got this feeling that everything around me is weird. I’m being paranoid for what I did thinking that the killer will come find me. Nilapitan ko ito at agad hinalikan sa labi. Nang makaupo ako ay sya namang pagtayo nito.
“Wait, babe. I got something for you but first blindfold muna” nae-excite nitong saad habang ako naman ay pinipigilan ang sariling magngiti-ngiti.
“Ayan, it’s done! Kukunin ko muna sa 3rd floor babe. Naiwan ko kanina. I’ll be right back”
Maghalos dalawampung minuto na akong nakaupo dito at di ko maiwasang kabahan kung ano ng nagyari dito. Ako lang mag-isa dito sa mismong rooftop ng hotel akmang tatayo na sana ako ng biglang may humampas sa aking likod. Hindi ko alam kung sino at ang tanging nasa isip ko lang ay ang killer. Bago pa man ako makasigaw ay agad na akong nawalan ng malay.
Nagising akong sumasakit ang batok at ang mga mata ko’y pagod na pagod. Nasan ako? Bakit ako andito? Saan si Yoshi? Pero lahat ng mga tanong kong iyon ay agad nasagot ng lumabas ang isang bulto ng katawan. Pinilit kong makawala sa pagkakatali ngunit napakahigpit at mas lalo lamang na humahapdi ang aking kamay.
“Ikaw? Grabi, f*ck you, nalinlang mo kaming lahat! Akala ko inosente ka rito!” di ko na mapigilan ang mga emosyong nararamdaman ko para rito. Halo halong kaba, pagkagulat at takot ang namayani sa aking sarili.
Wala itong ibang ginawa kundi ang ngumisi at kinuha ang isang camera at vinideo ako.
“Say Hi! It’s gonna be your last day sweetie” sabay haplos sa aking pisngi at wala akong ibang maramdaman kundi pandidiri.
“Wag mo akong hawakan leche!!”
Hindi naman ako pinansin nito at agad nilapitan ang mga nakahilerang garapon sa gilid at huli na ng mapagtanto ko kung ano ang mga ito.
“Wag kang mag-alala mas mag i-enjoy ka sa mga alaga kong ito” nadedemonyong wika nito sa akin at pinilit niya akong ibuka ang aking mga bibig. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Isa-isa niyang ipinasok ang mga ipis at tuluyan ng bumaliktad ang aking sikmura ngunit hindi niya ako hinayaang maisuka ito kundi tinalian niya ako. Ramdam na ramdam ko ang maingay na paggalaw ng mga ipis sa loob at ngayon pa lang gusto ko nalang mamatay. Kinuha niya ang isang bote ng tubig at pilit niya akong pinainom rito dahilan para mapunta ang mga insekto sa aking tiyan. Akala ko yun na ngunit paulit-ulit niyang ginawa ang mga ito hanggang sa wala na akong lakas para kumawala.
“Bakit mo ba ito ginagawa? Sa lahat ng tao ikaw pa?” naluluhang kong sambit.
“Hindi mo na pwedeng malaman since mamamatay ka rin naman, simulan na natin”
Inilagay niya ako sa gitna at tinantya na kung gaano ako kalayo saka niya kinuha ang mga kutsilyo sa tabi. Isa isa niyang binato sa akin ito.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!TAMAAAA NAAAA!!” nagmamakaawa kong sigaw dahil sa sakit. Sabay ng pag-agos ng aking mga luha ay siya ding tuloy tuloy na pagdaloy ng dugo galing sa aking katawan. Isa isa niyang pinutol ang aking mga daliri at hindi ko na alam kung ano ang sunod niyang ginawa sapagkat hindi ko na maibuka ang aking mga mata.
“S--si Yo…yo---shi”

The Secret of Cassanova SectionWhere stories live. Discover now