KABANATA 12

0 0 0
                                    

Chapter 12
Karl's P. O. V.

Nakakatakot padin talaga. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko for sure, lahat kami ganun. Nakatingin ako kay Kristine ngayon. Since marami nang patayan, mas maiging ipagtapat ko na sakanya yung feelings ko. Matagal ko na siyang gusto pero hindi ko maamin dahil naduduwag ako. Baka mamatay na din ako kaya magtatapat na ako.

"Ahh, Kristine? Nag iisa ka yata ah" sabi ko
"Oh... Ikaw pala Karl" sabi  niya, napayuko ako at kinabahan
"May sasabihin ka ba?" dagdag niya
"Ano kasi eh, Ahh.. Ang totoo..."
"May sasabihin din ako sayo." sagot ni Kristine
"Ah? Mauna ka na" sabi ko
"Mauna ka na lang" sabi niya
"Sabay nalang tayo" sabi ko
"Gusto kita", "Gusto kita" sabay naming sinabi.
"G-Gusto moko?" tanong ko
"Matagal na, actually. Pero ngayon ko lang sinabi dahil nahihiya ako". Sabi niya
"So, pwede bang maging tayo?" tanong ko
"HAHAHAH sige" sagot niya.

Niyakap ko siya. Ang saya saya ko. Grabe, eto na yata ang pinaka magandang nangyari sa boong buhay ko.

"Halika na?" tanong ko
"Sige ba" sabi niya habang nakangiti.

RHONA'S POV

Ang boring naman dito. Tss. Wala nanaman akong maasar, mag gagabi pa naman na. Tignan mo nga naman, may nerds na naghaharutan. HAHAHAHAHAH. Hay naku. Malapitan nga.

"Ay wow, iba din talaga magharutan tong dalawang to eh. Imagine kayang magharutan ng nerds HAHAHAHAHA" sabi ko
"Pwede ba Rhona, nananahimik na nga kami eh." sagot nung mayabang na Kristine. Ang yabang nung babaeng yun.
"Aba aba sumasagot ka?" sabi ko dito.
"Let's go Kristine, wala tayong mapapala jan" sabi ni Karl. Akala mo naman kung sino tong mga toh. Tss!

"Guys, halina kayo at magagabi na" sigaw ni Ma'am Karis. Pumunta naman na kami dahil yun nga, gabi na. At nakakatakot na din, baka may magsulputan pa eh. Ang dami dami nang nanguayari, pero nakakatiis padin sila dito. Pumasok na ako sa tent ko para magpahinga.

Ang dami dami namang lamok dito. Nakakainis. Nasa labas ng tent ko si Mhara. Narinig ko siyang sumisgaw "AHHHHHH!" sigaw nito. Agaran naman akong lumabas dahil baka kung ano nanamang nangyari. Pero nagulat ako na ang sinigaw niya ay "May daga! Jusko may Daga!" ay anak ng. Akala ko naman kung napano na tong siang toh. Bumalik nalang ako sa tent ko.

Hating gabi na at bigla akong nainitan. Kaya bumangon ako at Lumabas. Nagpapahangin lang ako, lumayo ako mg onti para mas mahanginan pa ako. Nang medyo may naramdaman akong kakaiba, agad na akong bumalik. Pero bago pa ako makabalik, may nangharang pa sakin.

"At san ka pupunta" sabi nung taong yun
"Teka? Ikaw? Ikaw yung killer? Wag mo akong isunod, please maawa ka!" sigaw ko, pero amsyadong malayo yung pinagtutulugan namin.
"HAHAHAH, sorry, but it's your end" sabi nito.
Tumutulo ang dugo ko mula sa aking dibdib at nawalan na ako ng malay.

MHARA'S P.O.V

"Guys!help!si Rhona!" sigaw ko. Gulat na gulat ako nang makita ko sa di kalayuan si Rhona, duguan at nakahilata. Umaga na kasi nun. Ano ba tong nangyayari sa amin

"Guys, kumalma lang kayo. Ahm, sumama kayo kay sir Yoshi. Maghanap kayo ng bagong lugar para ilipat yung tent. Ako na bahala dito"

Tumawag si Ma'am Karis ng police, inalis nila yung bangkay ni Rhona dun.

"Wait? That's it? I co continue niyo padin tong camping? Seryoso? Andami nang namatay?" sabi ko
"Oo Mhara" yun lang ang sinabi nila at nakahanap na agad sila ng bagong lugar para ilipat ung mga tents.

Grabe naman to? Wala silang pakealam? Madami nang namatay eh. Gusto ba nilang ipag diinan ko sakanila yun. Pero siyempre. Parang di pa ako nasanay. Ang dami nang krimen dito. Lunch na nung nakahanap kami ng bagong place. At hapon  na kami nakapag ayos. Mag gagabi nanaman. Ano? May mamatay nanaman. Tss! Lagi naman eh

KRISTINE'S P. O. V

Grabe naman to, hindi na natapos ang patayan. Sana pala nagbasa nalang ako ng libro instead of sumama dito. Gabi na. Nakita ko si Karl sa di kalayuan na mag isa.
"Karl, bat ka nag iisa jan, baka mapano ka" sabi ko sakanya.
"Wala, hindi ko kasi alam mararamdaman ko. What if mamatay na ako?" sabi niya
"Ano ka ba. Hindi ka pa mamamatay, makakasama pa kita. Ano ba naman kung ano anong iniisip mo." sabi ko
Tumingin ako sakanya at gusto ko sana siyang halikan. Nang biglang may lumabas na dugo sa labi niya.
"Karl! Karl!" may patalim sa likod niya.
"Mahal kita Kristine" pahabol nito
Hindi ito maaari, siya nalang ang meron ako. Hindi ako papayag na mawala pa siya. Sumigaw ako para humingi ng saklolo. Pero huli na nung may nakarinig sakin. Wala na siyang hininga. Habang pinagkakaguluhan siya. Dumistansya ako at dun ko nilabas ang sama ng loob ko. Lahat nalang namamatay. Hawak hawak ko ngayon ang patalim na nakita ko sa lupa. Ayoko na. Sawa na ako. Hindi ko na kaya. Namatay na ang bestfriend ko, pati na rin ang boyfriend ko. Susundan ko nalang sila. Nakatapat na ang patalim sa leeg ko. Hindi! Hindi pwede, hindi ako pwedeng mamatay, ipaghihiganti ko ka sina Hannah at Karl, bibugyang hustisya ko pa yun. Nilalabanan ko ang kalungkutan ko. Nang may bumulong sakin. "Magsama nalang kayong nerds para mas masaya" at nasugatan ko ang leeg ko. Unti unti akong nalagutan ng hininga. Niallabanan ko siya. Pero napagtanto kong huli na.

The Secret of Cassanova SectionWhere stories live. Discover now