KABANATA 7

0 0 0
                                    

Chapter 7

April's P. O. V

*NEXT DAY*

Pumasok ako sa classroom. Nanahimik nalang ako, sadya kasing nakakagulat lahat ng pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang susunod na pangyayari. Pero isa lang ang alam ko. Unti unti na kaming nababawasan sa section na ito. Umupo ako sa upuan ko nang biglang may sumugod sakin.

"April!" sigaw ni Kirsten habang papalapit sakin.

"Yes? Kristine?" sagot ko.

"May gana ka pa talagang mag 'yes Kristine jan ah'" at sinampal niya ako

"Ano bang problema mo ha!" sagot ko sakanya

"Ikaw! Hayop ka! Simula nung dumating ka dito, ganito na ang nangyayari, andami dami nang namamatay! Malas ka dito!" sigaw nito sa akin.

"So anong gusto mong sabihin ngayon?" sabi ko sakanya.

"Hindi pa ba halata! Kelangan mo pa bang mag tanga tangah-" sagot niya

"Kristine! Stop it!" sigaw ni Karl habang nasa pintuan siya. "Ako na ang bahala sakanya April, I'm sorry!" dagdag pa nito.

After nun, lahat sila suspicious ang tingin sa akin. Lalo na si Mhara. Lumapit si Mhara sakin at may binulong "well, napatunayan ko na bang malas ka HAHAAHA" at umalis

Pero hindi ako nagpa epekto. Una sa lahat, hindi naman kasi ako guilty noh, tss! Lumabas muna ako para kahit papaano makapagpahangin.
"April, ayos ka lang?" tumabi si Mary Jean sakin

"Ahh oo, nagppahangin lang" sagot ko

"Nabalitaan ko yung nangyari kanina, ayos ka lang ba talaga?" tanong niya

"Oo sure na sure ako, sige pasok muna tayo sa classroom"

KRISTINE'S P. O. V.

"Kristine! Stop it!" sigaw ni Karl habang inaawat at kinakaladkas ako palabas

"Why? Huh? Totoo naman ah, simula nung dumating siya ganto na ang nangyayari" sagot ko

"Alam kong masakit sayo yung nangyari kay Hannah, but it doesn't mean na maninisi ka nalang ng ibang tao!" sagot niya

"Oo! At yun yung pinupunto ko dito. She's my friend, at kaibigan ka din naman niya eh diba? Kung hindi siya dumating walang patayang nagaganap! Buhay pa sana ang kaibigan ko!" sagot ko

"Tama ka, she is also my friend. Pero hindi nga natin alam ang nangyayari eh. Hindi nga natin alam kung may killer ba. Tapos maninigaw at maninisi ka lang? Tingin mo gugustuhin din ni Hannah yang ginagwa mo ha? Hindi lang naman siya ang biktima dito ah. Nawala na din sina Judelyn at Step. Kaya kumalma ka na! Baka mas dumami pa ang nawawala pag may nag aaway"

Sinabi niya yun at umalis. Tama siya. Hindi ko na dapat ginawa yun. Wala din namang mababago. Masakit lang talaga para sakin yung nangyari. Hindi ko lang talaga tanggap. Pero sinasabi ko sa sarili ko. Babawi ako! Hahanapin ko ang hustisiya para sa kaibigan ko at sa mga kaklase kong namatay.

"Nice One, Kristine" bulong ni Mhara sakin

"Ano nanaman? Ha?" sagot ko

"Napakagaling, akala ko kasi ako lang ang nakakapansin na andami nang patayan nung dumating si April eh." sabi niya

"Oh tapos?" sagot ko

"Oh? So wala kang pake alam ngayon? After mamatay ng kaibigan mo? Wala kang pake ngayon?" sabi nito. Alam kong sinusubukan ako ng babaeng to

"HAHAHAHAHA, baliw ka ba? Wala akong time makipag usap sayo" umalis na ako.

"Hmm, mag iingat ka Kristine, nasa paligid lang ang patalim" pahabol nito.

Bigla akong kinabahan pero siyempre wala na akong pake dun. Pumasok na ako sa classroom namin. At lahat ng upuan nung mga namatay kong kaklase ay may bulaklak, at kada isa doon at may sulat. Hindi ko alam kung para saan yung mga yun. Pero napaka creepy. Nung tinignan ko yung tatlong upuan, magkaka konekta ung words. "I", "Am", "Here". Binasa ko ng malakas at lahat sa classroom natulala. Kahit ako. Lahat kami kabado. Hindi namin alam ang gagawin namin. Pero nanahimik nalang kami. Natakot na rin kaming galawin yung mga bulaklak dahil baka kung ano pa ang mangyari.

"HAHAHAHAHH, bakit ganyan mukha niyo? Pati simoleng sulat lang eh" sigaw ni Laurence

"Ikaw ba naglagay ng mga yan?" Tanong ni Rhona kay Laurence.

"Of course not, bat ko gagawin yun" sagot nito

"Sino ang naglagay nito?" sigaw ko. Walang sumagot. Tila lahat talaga kami hindi makagalaw. Pinaka natakot samin ay si Mary Jean. Kaya nahimatay siya at dinala na namin sa clinic. Sino ang may pakana nito? Sino? Anong balak niya!

The Secret of Cassanova SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon