"Ako si Steven..." Nag-shake hands kami. "Matagal ka na naggigitara?"

Tumango siya. "Tinuruan ako ng lolo ko. Magaling kasi siya, e. Ngayon nandito kami kasi bakasyon. Ikaw, taga probinsya ka ba talaga?"

I nodded at him. "Dito ako pinanganak..." I eyed his guitar. "Pwede pahiram?"

Mabilis niya namang ipinasa sa akin ang gitara niya. Muling bumalik ang ngiti sa labi ko nang magsimula akong tumugtog.

Araw-araw akong halos nasa hacienda nila Cameron para roon humiram ng gitara. Mabuti pa sa kanila pwedeng-pwede tumugtog, sa amin hindi.

Mayroon din siyang kaibigan na Iñigo ang pangalan kaya minsan ay sinasama ko ang pinsan kong si Josiah para apat kaming maglaro.

Nagpa-transfer si Cameron sa probinsya para maging kaklase namin siya matapos ang bakasyon. Grade 5 na kaming apat at iisa lang ang section namin.

Unfortunately, the three of them moved to Manila when we reached the 7th grade. Ako na lang ang natira sa Pangasinan hanggang sa matapos ang junior high.

Tuwing bakasyon ay pumupunta sila rito at magpa-practice kaming tumugtog para mag-perform sa plaza. Magsusuot lang ako ng mask para hindi ako makilala ng mga kaibigan ni mama.

Doon nagsimula ang pangarap naming maging isang banda. I asked my mom to let me transfer to Manila when I reached 11th grade. She still doesn't know about the band and I planned to keep it that way until I graduated high school—as a valedictorian.

"Sino bang top 1 niyo rito, tol? Mas magaling pa kay Steven?" Tanong ni Cameron nang magkita-kita kami sa gate ng school. First day of school kaya gusto nila na magkakasama raw kami.

Both Josiah and Iñigo studied here in JHS. Kaming dalawa lang ni Cameron ang hindi.

"She's smart. Magaling sa debate tapos journalism. Lagi ring napipili ang piece niya sa news writing kasi magaling siya magsulat." Si Josiah ang sumagot. "Classmate ko nung grade 8. I'm not sure pero sabi HUMSS daw ang strand niya."

Tumango-tango lang ako. Same strand pala kami nung top one rito nung JHS. Hindi ako kinakabahan kasi top one rin naman ako sa school namin.

Nang maghwa-hiwalay kami ay hinanap ko ang room ng HUMSS A. Pagpasok ko pa lang ay salubong na ang kilay ko dahil sa ingay ng isang circle of friends.

Fuck it. Pinakaayaw ko pa naman sa maingay.

"Aray!" Sigaw ng isang babae na kaya napalingon ako sa gawi niya.

Hindi ba pwedeng umaray nang hindi sumisigaw?

Hanggang sa magsimula ang first subject ay inis na inis ako sa grupo nila. Sobrang lalakas mag-usap akala mo sobrang layo ng mga space ng upuan nila.

Naunang tawagin ang grupo nila sa debate at siya ang unang nagsalita.

Hindi ko napakinggan ang stand niya dahil nanatili akong nakatulala.

I was fucking starstrucked by her.

She looked so neat with her ironed clothes. Her short hair was secured by bobby pins on the side of her temple. She also looked sophisticated with her round glasses.

She was my definition of pretty.

She looked smart as well. Definitely my type.

But, my admiration vanished when our debate was finished. Hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo na siyang pinakaayaw ko sa isang tao.

Ayan tama 'yan. Steven. Ma-turn off ka sa kanya para ka magdalawang isip na kalabanin siya sa acads. Lalo pa nang malaman kong siya 'yung Añasco na tinutukoy ni Josiah.

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now