Chapter 1: Ang Pagpasok Sa Basketball Association, Sakuhako Vs Kaite

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko pala nabanggit sayo, dati akong manlalaro sa national team, Mayrong dalawang klaseng basketball player dito sa ating bansa, yung isa Pro Basketball Player at yung isa nman hindi, yung Pro Player, Sila yung mga representative ng bansa natin naglalaro sila sa labas ng bansa, at yung mga hindi nman, sila yung mga basketball players na naglalaro lang sa local games kagaya ng Interhigh, Winter Tournament, College Matches at iba pang competition, subalit may pagkakataon din na may magagaling na basketball players na hindi miyebro ng National Team, Hinihikayat sila para sumali, kagaya ko, hindi nman talaga ako nag training sa basketball association, hinikayat lang ako at isa ako sa pinakamagaling wahahaha" mayabang na paliwanag ni Mr Saurai

"Ano yun? Wala nman akong naintindihan" sabi ni Sakuhako

"Ganito na lang para maintindihan mo, Mayrong dalawang klase ng Basketball Player, yung isa lisensyado yung isa nman hindi, Yung mga may lisensya sila yung nakapaglalaro sa labas ng bansa at yung walang lisensya dito lang sa bansa natin sila naglalaro, para maging lisensyado kang basketball player kaylangan mo munang kumuha ng lisensya sa basketball association, naintindihan mona ba?" Tanong ni Mr Saurai

"Ehhhhhh?" Lutang na si Sakuhako

"Dibali na nga, Gusto mo bang maging basketball player?" Tanong ni Mr Saurai

"Oo nman syempre" sagot ni Sakuhako

Nakita ni Mr Saurai ang seryosong mukha ni Sakuhako

"Hhhmmm sige, Bago ka nila tanggapin, kaylangan may ipakita ka pruweba na may kakayahan ka ngang maging Pro Player, kaya sige tuturuan kita ng basics ng basketball, pagkatapos mayron akong ibibigay sayo para makapag enrole ka" sagot ni Mr Saurai

"Basics ano nman basics?" Tanong ni Sakuhako

"Ang pangunahing kailangang matutunan ng gusto maging basketball player ay ang Dribbling, Passing, Shooting, Rebounding at iba pa" sagot ni Mr Saurai

Simula non, walang tigil sa basics ng basketball si Sakuhako

Habang nag dridribble ng bola si Sakuhako naisip nyang tanungin rin si Mr Saurai

"Manong napansin ko lang, matagal na akong nandito, Wala ba kayong pamilya?" Tanong ni Sakuhako

"Meron nasa malayong lugar sila, yung asawa ko kasama yung mga anak namin, mayron kaming anim na anak" sagot ni Mr Saurai

"Ahhh naiintindihan kona kaya pala minsan wala kayo, umuuwi sa inyo, Ano ba trabaho ninyo?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi pwedeng sabihin" sagot ni Mr Saurai

"Ang labo nyo nman, Teka manong hanggang kailan nman ako mag aaral basics?" Tanong ni Sakuhako

"Kapag kontento na ako" sagot ni Mr Saurai pakape kape pa

"At kaylangan ka nman makokontento?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi ko alam" sagot ni Mr Saurai

"Gaahhhkk nakakainis kahhhh" sigaw ni Sakuhako mabilis na nadribble ang bola

Umabot ng Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima

Liman taon na sumama si Sakuhako kay Mr Saurai, si Mr Saurai narin nagpaaral kay Sakuhako, simula Middle School hanggang 2nd year Junior high

Nang oras na para tuparin ni Sakuhako ang pangako nyang pumasok sa basketball association, mayron binigay sa kanya si Mr Saurai

"Ano toh manong?" Tanong ni Sakuhako

"Gate Pass yan, hindi ka basta basta nila papa-pasukin kung wala kang ganyan, ipakita mo sa kanila yan" sagot ni Mr Saurai

"Ano? Ibig sabihin hindi nyo ko sasamahan?" Tanong ni Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now