Sunday

9 0 0
                                    

BRIANNE

12:24

Instinctive na sakin yung tumingin agad sa orasan pagkagising

*Sniff*

My room was filled with Yumi's sent, that faint smell of sakura blossoms mixed with sweet citrus. Mukhang naglinis siya ng kwarto ko saka may iniwan ding gamot at tubig sa bedside table.

For your hangover xoxo

Wow, hahaha good mood siya ngayon ah.

"My PA is back to service hahaha"

I went out of bed and notice that I'm already wearing a t-shirt kaya di ko mapigilang mapangiti

"Thoughtful naman, binihisan pa ako"

Una kong tinungo yung cabinet para manguha ng mga isusuot kong damit. A white BUM t-shirt, black pants, navy green jacket at matte brown high-cut ankle boots.

I took off my clothes, don't worry upper body ko lang makikita mo *wink*. Ibabato ko na sana tong pinagbihisan ko kaso wala yung laundry basket sa lagayan nito.

*Smile*

Mukhang ipaglalaba din ata niya ako hahaha

Since natuto akong uminom which is just a year ago, Yumi usually takes care of me whenever I'm intoxicated with alcohol pero hindi siya madalas mag-ayos ng mga basyo ng alak at maglinis ng kwarto, much less maghandle ng labahan ko.

Hahaha pinagbilin ako ni mama sa kanya pero di ko naman akalain na magpapaka-nanay siya sakin. Yun lang at natigil ang pagseserbisyo niya nang umalis si Jacob.

I actually know why and where he went, pero nagmakaawa siyang huwag kong ipaalam kay Yumi. Kaya kahit sobrang nasaktan si Yumi at nagmukhang tanga kahahanap sa maling lugar wala akong sinabi.

Syempre, bilang best friend niya sobra akong naawa sa kanya pero anong magagawa ko? Boys code eh. Magi-isang taon na din ata na walang paramdam si Jacob kaya siguro mukhang move on na si Yumi.

Ibig sabihin hindi nasayang lahat ng distractions na ginawa ko hahahaha yun nga lang na-stress naman siya sa mga ginawa kong kalokohan.

*Shivers*

"Lamiiig!"

Pagkatapos maligo, syempre bihis na alangan naman magsasayaw pa ako dito.

[Pogi sige na your always on my mind...]

*Door slams*

Makalabas na nga lang ng kwarto at baka mabaliw pa ako.

*Sniffs*

"Ahh adobo" mukhang nakapagluto na din sila ng tanghalian

At tama ako, nakahain na din ang pagkain sa lamesa.

"Sinong nagluto?" Tanong ko dun sa kambal na naglalapag ng plato at kutsara

"King, mukhang may sapi si Queen" bulong ni Ian, na hindi naman niya kailangang gawin kasi wala naman si Yumi dito sa dining area

"Naglinis si Yumi ng bahay saka nagluto, tapos kanina naghanda pa siya ng kape at tinapay para sa mga underlings natin bago sila umuwi" bulong din ni Kurt na parang tuwang-tuwa sa nangyayari

*Smile*

"The old queen is back, I guess. Nasaan nga pala siya?" I asked while checking the kitchen

"Sa gym ata" sagot ni Kurt

"Kasama naman niya si Xy tapos pati din yung bagong recruit na babae" tuloy ni Ian bago sila mag-usap ng kambal niya patungkol kay Gabby, nagkakapustahan pa nga kung sino daw makakauna sa kanila

She's Kinda Hot (The Remake)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora