"Ewan ko sa'yo Adei. Ikaw yata ang lasing eh." At sabay kaming natawa. "CR muna ako. Balik ako agad." Sabi ko sabay dahan-dahang naglakad sa harap ni Adei. Hindi naman masikip dito sa table kaya okay lang.

Dahan-dahang lakad lang dahil baka pum-lakda ako sa harapan nilang lahat dahil sa pagka-hilo. Tsh.

At habang dahan-dahan akong huma-hakbang ay magkatitigan kaming dalawa ni Adei. Naaamoy ko tuloy ang pabango niyang panlalaki. Hindi naman matapang ang pabango niyang iyon, sakto lang. Ang sarap tuloy amuyin ng pabangong iyon. Dahil sa pabango niyang iyon ay hindi siya amoy alak. Eh yong akin kaya? Naamoy niya kaya ang pabango ko? Pagkatapos kong pansinin ang mga pabango namin ay umangat naman ang paningin ko sa pinkish niyang mga labi.

Naiinggit tuloy ako dahil walang nilalagay na kahit ano si Adei pero pinkish la rin ang labi niya. Ako kasi ay kapag walang nilagay na tint sa labi ay sobrang putla ko. Idagdag mo pa na ang puti ng kulay ng kutis ko. Kaya ang ending ay nagmukha akong may sakit.

Pagkatapos kong i-describe si Adei ay kaagad akong dumiretso sa CR. Pero sa laki ba naman nitong Restobar ay malabong mahanap ko agad iyon. Kakalinga ko ay tila ba nawala na lang ang pagka-hilo ko.

Kaya napapatingin tuloy ako sa dance floor na iba't-iba ang kulay at mga taong nagta-tawanan habang nagsa-sayawan. Gustong-gusto ko ng dumiretso sa dance floor para sumayaw. Pero parang isang kembot na lang ay maiihi ako. Kaya magsi-cr na lang muna ako bago pumunta sa gitna. Pero nasaan na nga ba kasi ang CR? Dapat pala ay pinasama ko na lang si Adei dahil siya ang nakakaalam n'on dito.

Naputol ang pagtatanong ko sa aking isipan nang may humawak bigka ng kanang braso ko kaya kahit patay-sindi ang ilaw ay tiningnan ko ang taong iyon.

"Oh hi." Sabi ko sabay ngiti kahit parang hindi niya makita dahil sa ilaw na patay-sindi. For short sa ilaw ng disco ball.

Siya iyong waiter na lumapit sa amin kanina para ibigay ang menu. Iyong guwapong waiter. Siya itong nasa harapan ko ngayon at kinakausap ako.

"Bakit mag-isa ka? Nasaan yong boyfriend mo?", at napalitan ng kunot-noo ang tawa ko.

"Boyfriend? Wala akong boyfriend." Sagot ko.

Counted pa bang boyfriend si Noel?

Tss. Noel na naman. Nasa Restobar ka para magsaya. Hindi para alalahanin ang lalaking iyon.

"Ows? Sa ganda mong yan wala? Mas maniniwala pa ako na may puting uwak." At sabay kaming natawa sa joke niyang iyon.

"I'm telling the truth. Wala talaga akong boyfriend." Sabi ko.

"Oo na. Naniniwala na ako. So kaibigan mo lang ang kasama mo doon sa table?"

"Yeah. My new found friend." Sagot ko.

"Lucas." Sabay lahad niya ng kamay niya.

"LA." ngiting sagot ko sabay shake hands sa kaniya.

"So nasaan pala ang CR niyo dito sa loob?", tanong ko kay Lucas. Humarap naman siya sa likuran namin at saka niya tinuro ang daan. Nagpaalam naman kaagad ako dahil may tray pa siyang hawak-hawak na may lamang pagkain at baka naghi-hintay na ang mga tao sa order nilang pagkain.

Ako naman ay sinunod ang directions na sinabi ni Lucas, the waiter kanina. At nang makarating ako sa CR ay kaagad na akong nag-tungo sa isang cubicle. At tila ba nakahinga na ako ng maluwag dahil nakaihi na rin ako sa wakas.

But before I finish peeing, I suddenly heard some loud moan coming from the other cubicle. Dali-dali kong tinapos ang pag-ihi ko dahil ayaw kong mag-ring ang mga ungol sa kabilang cubicle.

They're doing something! Like yak! Get a room guys! At hindi dito sa CR ng restobar. Gosh! My innocent ears.

Dali-dali akong lumabas ng CR dahil hindi kaya ng sistema ko na marinig ang pesteng ungol no'ng babae at lalaki. Hindi tuloy ako nakapag-retouch. Tapos dahil sa mga ungol na iyon ay parang nawala na tuloy ang pagka-hilo ko. Tila ba nagising ang diwa ko. Dapat na ba akong mag-pasalamat doon?

Nang dumating ako sa table namin ay ganoon pa din sila. Masayang nagta-tawanan. Bakit? May malungkot bang natatawa?

"LA oh, shot mo na." Sabay abot ni Calvin sa akin ng shot glass. Tinanggap ko iyon at dahan-dahang ininom iyon. Pagkatapos ay tumayo si Calvin at humarap sa akin.

"You want to dance?", tanong ni Calvin at lumaki ang ngiti ko.

"Yes. Let's dance." Sagot ko sabay lapag ng baso ko sa mesa.

"Guys sayaw tayo! Ang ganda ng music oh!", sigaw ni Calvin.

"Maya na kami. Kayo na muna." Sagot naman ni Leo.

"Okay sige. Tara na LA. Ang KJ ng mga kasama natin eh."

"Baka hindi nila trip ang sumayaw." Sabay kaming natawa ni Calvin doon sa sinabi ko at napatingin ako kay Adei.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin kaya siya nakangiti o dahil sa binulong ni Lyra sa kaniya. Magkatabi na kasi sila ngayon ni Lyra. Iyong inupuan ko kasi kanina na katabi ni Adei ay doon na umupo si Lyra kaya magkatabi na sila ngayon.

Hinila na ako ni Calvin patungong dance floor kaya natawa ako dahil parang ang taas ng energy niya dahil agad-agad siyang sumayaw. Ayoko namang ma-left out kaya sumasabay ako sa indak niya.

If you love me right
We fuck for life
On and on and on

Tama si Calvin, ang ganda ng song. Maybe this is my next favorite song. Ano kayang title ng song na ito? I need to know. Ang ganda ng beat eh. Bagay na bagay bilang party song. Tipong mawawala ang lungkot mo dahil sa ganda ng beat niya.

Day drunk into the night
Wanna keep you here
'Cause you dry my tears

At natawa na lang ako bigla nang hawakan ni Calvin ang bewang ko. Napatingin naman ako sa kaniya at sabay kaming dalawa na tumawa at sumayaw.

Summer loving and fights
How it is for us
And it's all because

Habang nagtatawanan kaming dalawa ni Calvin ay bigla akong napatingin sa puwesto nila Adei. Pero naka-kunot ang noo niya sa amin.

Is he mad or something?

Why would he be?

Ah alam ko na. Kasayawan ko kasi ang ka-bromance niya. Akala ba ni Adei hindi ko malalaman ang bagay na iyon?

Sorry Adei... Nasabi ko na lang sa isip ko habang nakangiting nakatingin kay Adei habang siya ay patuloy sa pagka-kunot ng noo.



You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now