"I'm sorry. Akala ko kasi sagit lang. Hindi ko rin napansin na namatay na ang phone ko since I was preoccupied."

Hindi man lang pumasok sa isip niya na nag-aalala ako? Wala ba siyang will na i-update ako?

"I don't want to say it yet...but rest assured that I am not seeing another woman. Ikaw lang, hirang," he continued.

I sighed.

Ayaw kong pagtalunan ang maliit na bagay. Isa pa, kahit papaano ay nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Naniniwala naman ako sa sinasabi niya dahil kailan man ay hindi siya nag sinungaling sa akin. Ayoko na ring itanong ang mga tungkol sa babaeng kinita niya dahil hindi naman siya mahalaga.

The only thing that bothered me is the thought na hindi siya humanap ng paraan para ma-update ako.

"Okay..." I muttered softly. "Take a rest. Mukhang pagod na pagod ka."

"I am... so so tired." Huminga siyang muli nang malalim bago kinuha ang aking kamay at hinalikan ang palad nito. "Pero hindi ako pwede mapagod." Kahit binulong niya lang ang mga huling sinabi niya ay rinig ko ito.

I wanted to ask what it was about but I chose to stay silent. I know that he'll open up to me when he's ready.

"But please, tell me next time kapag mga ganyan, sabihin mo sa'kin. I was so worried earlier, love. Hindi ko alam kung anong isasagot sa mga ka-group mo kung nasaan ka kasi wala ka rin reply sa akin," I said calmly. "Do you understand where I'm coming from?"

I nodded. "I understand, hirang. Sorry for making you worry and I'm sorry for not updating you. I love you."

I kissed his cheeks. "I know. I love you always."

Kinabukasan, maaga siyang umalis. Nagpaalam naman siya sa akin na may aasikasuhin muna siya at susunod siya sa klase namin. Nangako rin siyang hindi niya na gagawin ang hindi pagpasok sa mga classes namin nang hindi ko alam.

Katulad ng mga normal na araw ay nag-lesson at quiz lang sa ibang subjects. May iilan ding teacher na nagsimula na namang magpagawa ng mga performance tasks.

"Break na ba kayo ni Steven?" Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin ang classmate ko na classmate ko rin nung grade 11. We're not really close since magkakausap lang kami kapag tungkol sa school works o kaya may kailangan kami sa isa't isa kaya naninibago akong kinakausap niya ako.

"Nope, bakit mo nasabi?" I answered casually.

She hummed. "Wala lang, simula kasi nitong grade 12, hindi na kayo nagtatabi sa upuan."

I chuckled. She's right. Simula kasi nung unang araw ng grade 12 ay hindi na kami nagtabi ni Steven ng upuan. It was my decision though, since I know hindi ako makakapag-focus kapag katabi ko siya. Less prone rin sa mga bintang ng ibang classmate ko kapag mataas ang score ko sa quizzes. Mostly kasi ng short quizzes ay seatmate ang nag-checheck kaya hindi nila masasabi na pwede naming dayain ni Steven dahil magkahiwalay naman kami ng upuan.

"Magkasama naman na kasi kami sa unit, baka magsawa kami sa isa't isa," I joked.

"Pero okay naman kayo, 'di ba?" She asked and then covered her mouth immediately when she realized her question. "Uy, hindi sa ano! Curious lang ako. Okay lang din kung hindi mo sagutin."

"It's okay... and okay rin kami ni Steven. Why?"

She shrugged. "Wala lang...napapansin ko kasi these past few weeks, parang ang lungkot niya. Hindi ko alam kung stress, lungkot, or pagod 'yung nakapaskil sa mukha niya. Napapansin mo rin ba?"

I glanced at my boyfriend. He was talking to his friends, yet his smile never reached his ears—unlike before. His eyes... they look exhausted.

How come I did not notice this?

Amidst The Vying PsychesWhere stories live. Discover now