25

377 6 0
                                    

Kaya ko 'to.


Hawak ko ang aking wallet habang kakalabas lang ng bangko. Nangako ako kay Clay na babayaran ko siya kapag nakapag-ipon na ulit ako. Pero sa ngayon, kailangan ko ng malaking halaga na pera para sa pagbubuntis ko.


Saka ko na iisipin kung saan ulit ako makakakuha ng pera kapag nandito na ang bata.


But despite all the financial problems I have right now, I try to be optimistic about it and build a stronger foundation for my child. I want to have clear plans for my baby.


Hinigpitan ko ang kapit sa aking bag kung saan dala nito ang pera na inilabas ko sa aking bank account. Nakahinga ako ng maluwag nang marating ko na ang lumang bahay.


Wasak ang pinto, basag ang mga bintana, habang nanatiling makalat ang buong bahay mula sa mga sira at pagkawasak na para bang may nagdaang giyera dito.


Dito ko nadatnan si Mama na naglalaba. Bakas pa rin ang pasa sa kaniyang mga braso at mukha habang ang may bandage pa ang kaniyang siko at namumula pa rin ang ibang sugat niya. Unti-unti nang naghihilom ang kaniyang katawan pero paniguradong lahat ng ito ay magmamarka.


"Aalis na ako," bungad ko sa kaniya.


Nakaupo kami ngayon sa magulong kusina kung saan madalas kami ni Jamie na kumakain dalawa. Dito ako lumaki at hindi mabura sa aking isipan ang pinta ng aking alaala kung papaano ko pinilit na kumain sa maliit na espasyo ng kuwarto habang naaamoy ang alak sa buong bahay.


"Ha? Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?"


Hindi ko magawang sabihin sa kaniya na buntis ako, na magiging lola na siya, at higit sa lahat, ang pagiging ina ko. Isa lang ang dahilan nito, ayokong sabihin niya sa akin na, "Janella, magagaya ka sa akin na ina mo."


"Kunin mo itong pera," iniabot ko ang maliit na bag na naglalaman ng pera, sapat para buhayin siya ng ilang taon kung gagamitin niya ito sa tama, "umuwi ka sa probinsiya ni lolo o ni lola, magpakalayo-layo ka na dito para hindi ka niya mahanap, magbagong buhay ka na Ma,"


Bumagsak ang kaniyang mukha at tumulo na ang kaniyang mga luha, "Janella, saan mo kinuha itong pera— saka saan ka ba pupunta?"


"Nandiyan na ang number ni kuya, tatawagan ka niya sa tuwing oras niya," dagdag na paliwanag ko, "nasabi ko na kay kuya lahat," pagsisinungaling ko.


"Aalis ka, paano yung law school?" sinubukan niyang abutin ang aking kamay.


"Huwag mo na akong alalahanin pa,"


Tumayo na ako at tinapangan ang paghakbang palayo sa kaniya. Muli kong narinig ang pagtawag niya sa aking pangalan. Huli na bago ko pa siya malingon nang maramdaman ko ang kaniyang pagyakap sa akin likuran.


Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa gulat. It's like an instinct to protect my baby inside me from sudden danger. But it wasn't a danger, it was a hug from my mother.

Lawful Hearts (Law School Series 1)Where stories live. Discover now