Chapter X: Graduate na ta!

9 0 0
                                    

Sa pagtatapos ng kabanata ng kanilang buhay-kolehiyo, isang makulay na pahina ang nagbukas para kina Yanie at Ave. Tinutok ang mga mata sa hinaharap, nagsimula silang magtagumpay at magbahagi ng kasiyahan kasama ang kanilang mga pamilya.


"Graduation day na naton Yanie!"  sigaw ni Ave kay Yanie habang naglalakad sila patungo sa venue, tila kumikislap ang mga mata sa tuwa. "Sino ang mag-aakala na makakarating tayo sa puntong ito, Yanie?"



"Gani Ave. Daw sang ligad lang ta nagkilalahay lantawa bala subong. Graduate na gid ta sa college" sagot ni Yanie na puno ng pag-asa.

(Translation: "Kaya nga Ave. Parang dati lang tayo nagkakilalang dalawa, tignan mo ngayon; graduate na talaga tayo!")


Paglapag ng mga toga, nagtipon sina Ave at Yanie kasama ang kanilang mga pamilya para sa isang masiglang hapunan. Sa paglalakbay na ito, masayang nagbahagi ng kasiyahan ang dalawang pamilya, naglakbay.


Ang oras na sila naman ang tawagin mula sa entablado ay dumating na at binanggit ang kanilang mga pangalan ng tagapagsalita sabay sigaw sa kasiyahan ng pamilya habang nakikita ang mga pangalan ng kanilang bata sa screen.


"Dela Torre, Aveine - Summa cum Laude" at "Tan, Andreanna Yanie - Magna cum Laude" anunsyo ng tagapagsalita mula sa taas ng entablado 


"Yanie, kita mo na? Magna cum laude ka!" bulong ni Ave kay Yanie habang naglalakad. "Proud na proud ako sa'yo!"

Tumango si Yanie, ngunit ang kanyang mga mata ay nakatutok sa pamilya ni Ave. "At ikaw naman, Summa cum laude. Galing mo, Ave!"


Grabe ang pagsigaw ng bilog na venue habang naglalakad papunta sa entablado ang dalawang magkasintahan sabay sabit ng kanilang mga magulang ang kanilang medalya na nakuha. Sabay pagkuha nila ng litrato. 


Nang bumaba sila mula sa entablado, nagbigayan sina Yanie at Ave sa bawat isa at ito ay regalong hindi nila malimutang dalawa ngunit binigay ni Ave kay Yanie ay isang "Cook Book" upang matutu si Yanie ng iba pang potahe dahil favorite talaga ni Yanie magluto samantala naman natanggap ni Ave ay isang set ng charcoal pencil dahil mahilig naman ito sa paggawa ng mga sining.


Pagkatapos ng seremonya ng graduation, naghihintay ang mga magulang sa labas ng paaralan. Ngunit pinaunlakan muna ng dalawa ang kanilang mga kaibigan para sa ilang litrato, kung saan ang bawat ngiti at yakap ay puno ng pangungulila at pangako na mananatili silang kaibigan kahit saan man sila dalhin ng kanilang mga landas sa buhay.


"Yanie last moment ta ni as College students" ani Ave, habang naglalakad kasama si Yanie papunta sa mga kaibigan.

(Translation: "Yanie last moment na natin to as College students")


"Gani man mamiss ko gid storyahanay ta saton classroom kag magnaog saka sa l*nte nga third floor nana" sagot ni Yanie, na may halong pagtatawa

(Translation: "Kaya nga mamimiss ko talaga kwentuhan natin sa classroom at umakyat sa third floor kung saan classroom natin")


Pagtapos nilang kumuha ng litrato kumalas na sila sa mula kanilang mga kaibigan, ngunit sa bawat hakbang, tila mas bumibigat ang loob ng dalawang magkasintahan. Nang halos nasa harap na nila ang mga pintuan ng unibersidad, biglang huminto si Yanie at itinaas ang ulo ni Ave.


"Alam mo ba, Ave, may isa pa akong graduation gift na gusto ko ibigay sa'yo," bulong ni Yanie habang iniangat ang mga mata niya patungo kay Ave.


"Ano yun?" tanong ni Ave, na puno ng pagtataka.


Hinawakan ni Yanie ang baywang ni Ave at marahang hinalikan. Isang halik na puno ng pagmamahal na tumagal ng isang minuto. Ngumiti si Yanie pagkatapos ng halik, at ang dalawa ay naglakad nang magkasama palabas ng unibersidad.


Sa harap ng gate, kung saan naghihintay na ang mga magulang ni Ave, hindi mapigilan ni Yanie ang makita ang kanyang sariling ngiti. "Paalam muna, Ave. Sabay tayo sa susunod na yugto ng ating buhay."


"Paalam, Yanie," sagot ni Ave, na may halik sa pisngi ni Yanie. "Ingat ka palagi."


Sinamahan ni Yanie si Ave hanggang sa tabi ng kanyang mga magulang. "Ave, gusto rin sana kita imbitahan sa Singapore sa susunod na linggo. Trip namin yun, sana sumama ka."


"Wow, talaga? Oo naman, Yanie! Salamat sa imbitasyon," sagot ni Ave na puno ng tuwa.


Nag-akma ang mga magulang ni Ave ng masiglang ngiti. "Walang anuman, Ave. Lagi kang welcome sa aming pamilya."


Nang sagutin ni Ave ang masigla nilang "paalam," tila may kakaibang damdamin na nag-aalab sa kanyang dibdib. Si Yanie ay naglakad palayo, ngunit hindi maalis sa kanyang isipan ang mga nakaraang taon ng pagsasama at pagtatagumpay na kanilang pinagtagpo.


Sa mga hakbang na ito, hindi lang pagsasara ang mga pintuan ng unibersidad, kundi ang simula ng bagong yugto sa buhay ni Ave at Yanie. Ang hinaharap na puno ng pangakong pagsasamahan, tagumpay, at pag-ibig.


To be continued...



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tagong Mensahe | by Anthony BuenoWhere stories live. Discover now