Chapter IX: Taguan

5 0 0
                                    

Matapos ang kanilang hindi malilimutang paglalakbay sa Bucari, nag-umpisa ang bagong yugto ng kwento nina Yanie at Ave. Isa na itong mas masalimuot at mas malalim na pag-ibig, isinusukli ang mga ngiti ng mga bituing nagbigay liwanag sa kanilang mga gabi. Nagsimula silang magtaglay ng mga sariwang kulay ng pagmamahal na umusbong sa pagkakaibigan at nangako ng pangakalahatang suporta.


Sa pagpasok nila sa mas seryosong yugto ng kanilang ugnayan, nagdesisyon ang dalawa na itago muna ang kanilang relasyon mula sa mata ng maraming mga tao. Ito'y isang lihim na pinaigting ang halaga ng bawat oras na sila'y magkasama simula ng kanilang sekretong relasyon.


"Alam mo, Ave," sabi ni Yanie habang magka-holding hands sa paanan ng malakas na ilaw ng kalsada pagkatapos ng isang mahabang araw sa klase, "Kagwapa bala simo"

(Translation: "Ang ganda mo pala no")



"Hipos da basi may makabati simo da karon," sagot ni Ave habang tumitingin sa bawat direksyon ng kalsada sa puno ng buhay.

(Translation: "Tumahimik ka baka may makarinig satin")



Makikita ang tuwa sa mga mata nilang dalawa habang naglalakad sa kalsada ng siudad sa gitna ng maliwanag na araw pauwi sa kanilang mga bahay. Sa paglalakad hindi mapigilan nilang dalawa maipakita ang kanilang mga pagmamahal.


Ilang buwan ang lumipas at ang lihim na pag-iibigan ng dalawa ay tila nagiging mas matibay pa sa bawat araw. Mga lihim na date, munting kasiyahan, at unti-unting pagdami ng mga sandaling nagsisilbing bakod ng kanilang pagmamahalan. Hindi ito laban sa kahit kaninong tao, kundi ay pribadong selebrasyon ng pagiging buo ng kanilang puso.


Sa pagtatago ng kanilang ugnayan, nakatulong ito na lalong pagtibayin ang kanilang pagsasama. Ang lihim na itinataglay ng dalawa ay nagbigay pabor sa kanilang pagnanasa na patunayan ang taglay na pagmamahal at pagpapahalaga sa isa't isa. Hindi ito sekreto na nangangahulugang itinatago, kundi lihim na ang ibig sabihin ay iniingatan at pinapahalagahan.


Isang gabi, habang naglalakad sila sa ilalim ng mga ilaw ng naglalakihang puno ng acacia sa kanilang eskwelahan, nagsimula silang mag-usap ukol sa hinaharap.


"Ave, gusto ko na sanang sabihin sa lahat ang tungkol sa atin," pagtatapat ni Yanie habang ang hangin ay nagdadala ng lamig na namumuo sa kanilang paligid.


"Yanie, alam mo bang gusto ko rin?" sagot ni Ave na puno ng saya. "Pero tara, 'wag muna ngayon. Bigyan natin ng oras ang ating mga pamilya na malaman ito."


Isa-isang inilahad ng magkaibigang nagturingan bilang pamilya ang kanilang lihim sa kanilang mga tunay na pamilya. Sa bahay ni Yanie, kasabay ng masigla at masaya, "Inay, ito po si Ave. Siya po ang..."


Ngunit hindi na kailangang tapusin pa ni Yanie, sapagkat ang mabilisang yakap mula sa kanyang ina ay nagpahayag ng pagtanggap.


"Anak, Hindi na pagtagua. Alam na namin at palangga ka namon dyapon" sabi ng ina ni Yanie na puno ng pagmamahal.
(Translation: "Anak, wag mo ng itago pa. Alam na namin at mahal ka pa rin namin,")


At ganun din ang nangyari sa bahay ni Ave. Ang pagtatapat ng mga puso ay sumubok na isama ang dalawa sa kanilang landas, at para sa kanilang kasiyahan, tinanggap at niyakap sila ng kanilang mga pamilya.


Sa kabila ng init ng pagtanggap ng kanilang mga pamilya, hindi maikakaila na may mga sagabal sa kanilang paligid. Ngunit sa bawat pagkakataon, ang mahigpit na pagsasama ng kanilang mga pamilya ang nagsisilbing kanlungan at nagsisilbing inspirasyon sa kanilang dalawa.


"Yanie, napansin mo ba? Tuwing nariyan ang pamilya natin, parang ang lakas-lakas ng loob natin. Hindi tayo nag-iisa," pahayag ni Ave habang nagmamasid sa paligid na puno ng tao at mga pribadong kwarto na napuno ng pagmamahalan.


"Oo nga, Ave. Siguro nga, kaya natin itong harapin ng magkasama."


Ang pagmamahalan nina Yanie at Ave ay unti-unting nagiging inspirasyon para sa mga nakaugalian na inipon sa bawat araw ng kanilang pagsasama. Sa kanilang mga munting laban at tagumpay, nakatuklas sila ng higit pang kabatiran sa isa't isa.


Ipinagtapat ng dalawa ang kanilang mga pangarap matapos ang kolehiyo. Nagsimula silang magtanim ng mga pangarap na hatid ng kanilang pagmamahalan. Hindi lamang sila nagtutulungan upang mapagtanto ang kanilang pangarap, kundi nagiging inspirasyon din sila sa isa't isa para magtagumpay.


"Yanie, paano kung ito na ang tamang oras na ilabas na natin ang ating lihim sa kanilang lahat?" sabi ni Ave habang naglalakad sila sa labas ng kanilang unibersidad, tila naglalaro ang hangin sa malayang buhok ni Yanie.


"Oo nga, Ave. Feeling ko ready na ta. Bisan hindi ta baton nila atleast baton ta sang pamilya diba?" sagot ni Yanie na puno ng ngiti mula sa kanyang muka.
(Translation: "Oo nga, Ave. Feeling ko ready na tayo, kung hindi tayo tanggap nila atleast tanggap tayo ng pamilya natin")

Ilang araw pagkatapos ng kanilang usapan nagsimula na silang magplano para sa pagtatapos ng kanilang kolehiyo sa susun of na mga buwan. Pinag-isipan rin nila masusing plano para sa kanilang pag-amin sa kanilang kaibigan ang umol sa kanila. Sa gabing iyon, nagdaos ng munting salo-salo sa munting kwarto ng kanilang dormitoryo, isinusumpa ang pangakalahatang tagumpay ng kanilang pag-iibigan.


"Ito na ang simula ng bagong kabanata sa ating buhay, Ave. Handa ka na bang isigaw sa mundo ang pag-ibig natin para sa isa't isa?" Sabi ni Yanie habang humihinga ng kasiyahan.

"Oo, Yanie. Dahil handa na akong itaguyod ang ating pag-ibig nang buong tapang."

To be continue...

Tagong Mensahe | by Anthony BuenoWhere stories live. Discover now