Pag-Ibig sa LRT-2/Megatren

102 1 2
                                    

Sa matrapik na Radial Road 6, na binubuo ng Marcos Highway, Aurora Boulevard, Magsaysay Boulevard, Legarda Street at Recto Avenue, matatagpuan ang isang linya ng tren na dumadaloy at dumadaan sa mga kalsadang iyun. Ito ay ang bagong LRT Line 2, o mas kilala sa tawag na Purple Line, Megatren, o MRT-2. Ito ang pinakabagong metro line sa Metro Manila, dahil mas bago ang mga tren na ginagamit nila. Ito ay pagmamay-ari ng Light Rail Transit Authority o LRTA. Binubuo ito ng mga 13 na estasyon: Antipolo, Marikina-Pasig, Santolan, Katipunan, Anonas, Araneta Center-Cubao, Betty-Go Belmonte, Gilmore, J. Ruiz, V. Mapa, Pureza, Legarda at Recto. Ang linyang ito ay nagbukas noong April 5, 2003.

Ang modelo ng mga tren na ginagamit ay ang Hyundai Rotem/Toshiba LRTA 2000 Class Megatrens, isang klase ng Electric Multiple Units (EMUs) na ginagamit sa LRT-2. Gawa ito ng Hyundai Rotem sa South Korea, na tinulungan ng Toshiba sa Japan sa paggawa ng mga electrical components tulad ng propulsion engines at safety systems ng mga ito. Kung ikukumpara ang mga ito sa mga tren ng LRT-1 at MRT-3, lubhang mas mabilis, mas bago at sopistikado ang teknolohiya, at mas malaki ang mga bagon ng mga tren na ito kaysa sa mga bagon ng mga tren sa dalawang linya na nabanggit. Ang isang unit ng Megatren ay kayang magsakay ng 1,628 na pasahero, ang pinakamalaking passenger capacity ng isang tren sa Pilipinas, at kayang tumakbo sa bilis na 80 km/h, ang pinakamabilis na naitala sa lahat ng mga tren sa Pilipinas. Ang LRT-2 ang namumukod-tanging linya sa Pilipinas na gumagamit ng "heavy-rail technology", at sila rin ay may pinakamataas na railway electrification voltage na aabot sa 1,500 volts, 2 beses na mas mataas kumpara sa 750 volts sa LRT-1 at MRT-3. Ang mga tren na ito ay awtomatikong tumatakbo o "driverless", dahil gumagamit sila ng pinaghalong automatic train operation/automatic train protection (ATO/ATP) systems, ngunit may driver parin para masiguro ang kaligtasan at para buksan ang pinto. 10 sets/units ang gumagana ngayon.

May dalawang train driver na may kakaibang ugnayan sa isa't isa. Sila ay sina Erwin at Lorraine, dalwang driver ng dalawang units ng Megatren. Sila ay ang itinuturing mga pinakadalubhasa at pinakamatalino sa mga tauhan ng LRT-2.

Si Erwin ay bago lang sa LRT-2. Bukod sa pagiging train driver, nagtatrabaho siya bilang Principal Engineer A (Field Engineer) ng LRT-2 Engineering Team sa LRT-2 depot sa Santolan. Nakapgtapos siya ng BS Mechanical Engineering at BS Electrical Engineering sa Technological Institute of the Philippines sa Cubao. Nagtrabaho siya dati sa LRT-1, at dati siyang driver ng isang Kinki Sharyo/Nippon Sharyo LRTA 1200 clas na tren, isang klase ng mga 3rd generation Light Rail Vehicles na tumatakbo sa LRT-1. Dati rin siyang Principal Engineer A ng LRT-1 Engineering Team sa LRT-1 depot sa Baclaran. Lumipat siya sa LRT-2 dahil sa matagal nyang nais na subukan ang bago at sopistikadong teknolohiya na taglay ng mga Megatren. Magaling siya sa physics at mathematics, at magaling din siyang gumamit ng mga tools. Magaling din siya sa robotics!

Si Lorraine ay matagal nang nagtatrabaho sa LRT-2. Bukod sa pagiging train driver, nagtatrabaho siya bilang Division Manager A ng Knowledge Management and Information Technology Division (KMITD) ng LRTA sa Santolan depot. Nakapagtapos siya ng MS Computer Science at MS Mathematics sa Polytechnic University of the Philippines o PUP sa Maynila. Magaling siya sa programming at mathematics. Bigyan mo siya ng mahirap na math problem, kahit calculus, kaya nya itong sagutan sa loob ng 5 minutes!

Mula 7:00AM hanggang 5:30PM, nagtatrabaho sila sa depot bilang mga kanya-kanyang propesyon ayon sa mga kursong tinapos nila. At mula 6:30PM hanggang 10:00PM, nagtatrabaho sila bilang mga train driver sa Evening-Night Shift (ENS). Si Lorraine ay piloto ni Trainset #1 (2001-2002-2003-2004), habang si Erwin ay piloto ni Trainset #4 (2013-2014-2015-2016). Hindi sila nagkakilala dahil sa masyadong busy na schedules at bihira silang magsalubong sa mga estasyon at sa Santolan depot, at bihira lang silang magsalubong habang nasa biyahe.

Isang maulan na gabi, sa mga riles sa pagitan ng mga estasyon ng Anonas at Katipunan, habang si Lorraine ay pa-Eastbound tungong Antipolo at si Erwin at pa-Westbound tungong Recto, nagkaroon ng glitch ang Westinghouse FS2550 signalling system, na siyang kumokontrol sa Westrace Mk1 interlocking system. In-activate ng naglolokong Westrace interlocking system ang junction rail papunta sa kaliwa, kaya napihit ito papunta sa kaliwa, at pumunta ang tren ni Erwin sa kaliwang lane. Kaya muntikan na sila magkasalpukan, head-on. Sa huling sandali, napaalalahanan nila ang kanilang mga pasahero na kumapit nang mahigpit sa handrails o anumang hawakan, at nakapag-preno sila gamit ang emergency brakes na sinabayan ng kanilang pag-activate ng Toshiba TBS100 ATO/ATP systems na nakakabit sa kanilang Megatren. Naiwasan nga ang malagim na aksidente, at napansin nila na malapit lang sila sa isa't isa nila. Ngunit hindi naiwasan ang mainit na bangayan sa radyo. Dito na nangyari ang tinataguriang "rail rage":

Signals and Collisions of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon