Maraming mga railway enthusiasts at trainspotters ang nagtatanong: ano ang buhay ng train driver? Masaya ba maging train driver? Mahirap bang maging train driver? Ano ang mapapala ko doon? Hindi gaano kasikat ang train operations and railway transportation industry sa Pilipinas, at bibihira lang maipakita sa media ang railway operations. Pero gumawa ako ng isang kuwento na magfe-feature sa mga train drivers bilang mga bida. Ang story ko ay ang "Signals and Collisions of Hearts". Nakahati ito sa dalawang kwento: ang una ay tungkol sa dalawag train driver ng LRT-2 na magkababata noon na nagtagpo muli pagkatapos ang muntikan na banggaan, at ang pangalawa ay tungkol sa dalawang train driver ng LRT-1 na nagtagpo sa isang estasyon at ang paghahanap sa isa't isa pagkatapos nun. Ngunit magkaiba man ang kwento ng dalawang pareha na ito, iisa lang ang kanilang kapalaran. Ano kaya ang kapalaran nila? Tunghayan sa kwento... Bago kong simulan ang aking kwento, nais ko lang din pong magpasalamat sa ating masisipag na train drivers sa LRT-1 at LRT-2 na araw-araw nagpapakapagod para mabigyan ng maganda, maayos at ligtas na serbisyo at biyahe ang ating mga pasahero. Gusto ko rin pong magpasalamat sa Light Rail Transit Authority (LRTA) at sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) dahil sa maayos at sistematikong pamamahala at operasyon sa Manila Light Rail Transit System. Nagpapasalamat din po ako sa Department of Transportation (DOTr) sa pamamahala, pagsasaayos at pagpapayabong sa rail infrastructure ng Pilipinas, at salamat din sa Japan sa pagtulong sa mga proyekto at pagsu-supply ng mga bago at sopistikadong mga bagon at tren. Sa mga railfans, trainspotters, mga commuters, mga tauhan ng LRTA & LRMC, at mga Railway Eng'g students na makababasa nito, sana magustuhan nyo ang mga kuwento na ginawa ko. Alam kong makakarelate kayo dito sa kwento ko, lalo na sa mga commuters, dahil sumasakay kayo madalas ng tren. Kaya kumapit na kayo para sa dalawang nakakakilig na biyaheng ito!...
4 parts