Thirty Six: Cold Stares

Start from the beginning
                                    

"Are you two dating?" Natigilan ako sa tanong na iyon ni Sebastian, napatingin ako sa kanya, there's a smirk on his lips. "You look good together." Patuloy niya pa, nakita ko pa ang pagsulyap niya sa 'kin pero kay Arthur ulit siya tumingin.

"Well actually we are. I am still courting her, I am still waiting for her to make us official." Masayang anunsiyo ni Arthur na ngumiti sa 'kin, pero pakiramdam ko'y imbis na kiligin ay nanlamig ako. Nailang ako.

"That's nice to hear, I hope Miss Eunice make her decision real soon." I don't know pero parang may narinig akong sarcasm? Or talagang sarcastic ang pakakasabi niya nun. "You make a good couple." ngumiti siya pero hind 'yon umabot sa mata niya, because his gaze was looking at me, as if we was peeling me off.

"Oh it was nice to meet you, we're heading first. I'm looking forward to our good partnership Arthur." Paalam ni Sebastian na nakipagkamay kay Arthur, tumango nalang ako.

Pagkaalis nila ay pinakuha na rin ni Arthur ang sasakyan niya.

TAHIMIK ako buong biyahe, gusto ko na ayaw kong ipaalam kay Arthur ang tungkol sa 'min ni Sebastian. Sa huli mas pinili kong manahimik at ilihim nalang 'yon. Baka mas maging kumplikado pa kasi ang lahat kapag nagkataon.

"Mabait si Sebastian ano?" Nagulat ako sa pagbasag ni Arthur sa katahikan, he was still driving. Hindi ako sumagot, kaya napatingin siya sa akin. Tumango naman ako. "You know what? At first hindi ko expected na papansinin ang company natin ng mga Collins, they are the most famous shipping line in the world. At ang pagkakaroon natin ng kuneksyon sa kanila ay makakatulong sa pag-angat ng kumpanya." Masayang kwento niya, pinilit kong ngumiti, kahit wala sa kinukwento niya ang atensyon ko.

My daughter, I was thinking of my Era.

"Are you still listening?"

"Huh?" Parang nagulat na tanong ko. "I'm sorry, pagod ka na siguro, if you're not feeling well you can sleep while I drive. "I'm sorry." I think magandang excuse na rin 'yon para sa hindi magandang mood ko. He smiled at me understandingly.

Alam ko may karapatan din naman si Sebastian kay Era, and Era has a right to know his father. Pero ayoko namang ipagpilitan ang anak ko. I know right now he was already okay with his family. Kay Piage ba iyon? At sa anak nila. Era was just nothing but an illegitimate child. When I was growing up, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi matutulad ang anak ko sa 'kin, na hindi mararanasan ng anak ko ang mga naranasan ko.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, magaling gumanti ang karma, I got my karma immediately. But that karma is something I wont exchamge with anything. Oo nasaktan ako, I felt betrayed, I fall for the wrong man pero dahil dun nakuha ang pinaka-magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Si Era, the love of my life.

Sabi ko noon, kami lang ni Era okay na, if it is God's plan na mamuhay akong mag-isa, it's enough as long as I have my daughter, ibibigay ko sa kanya ang lahat, even my life. Kaya hindi ko maatim isipin na malalaman ni Sebastian ang anak ko, dahil baka gumawa siya ng hakbang na kailan man ay hindi ko pinangarap.

GINISING ako ni Arthur, nang makarating kami sa harap ng bahay, humingi ako ng paumanhin, dahil sa tinulugan ko siya buong byahe pauwi, naunawaan niya naman ako.

"See you by Monday." Paalam niya sa 'kin bago ako bumaba ng kotse. "Salamat ulit sa trust mo sa 'kin for this project ha." He smiled and kissed my hands.

"You deserve it, and I think maganda ang naging first meeting natin, mukhang mababait ang mga Collins. Lalo na si Sebastian." Muntik na ako masamid sa sinabi niya.

"Mukha nga." Pagsakay ko nalang sa sinabi niya. "Okay baba na ako, I think inaantay na ako ni Era."paalam ko ulit at tuluyan nang bumaba ng sasakyan.

ERA is now on a peaceful sleep, hinawi ko ang buhok niya na humaharang sa mukha niya at hinalikan siya sa noo. Matagal ko siyang tinitigan, habang nakatingin ako sa kanya hindi ko maiwasang isipin si Sebastian. I think, may bagay na muling nabuhay sa 'kin, pero hindi ko iyon mapaliwanag at mas lalong ayaw kong kunpirmahin.

Half of me want to talk to him over our dinner, gusto ko siyang kamustahin, gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya sa nakalipas na mga taon. Gusto kong kumpirmahin kung talaga bang wala lang ako sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan, gusto ko ipamukha sa kanya ang mga pinagdaanan ko.

I wanted to know kung nagsuffer din siya kagaya ko, kung naisip niya ba ako. At biglang bumalik sa akin ang isang ala-ala.

"Good morning Ma'am, bumalik po kayo." Excited na bati sa 'kin ni Joy, ngumiti ako ng mapait. "Andyan ba ang Sir mo?" biglang nawala ang ngiti sa labi niya. "Naku Ma'am, pumunta po si Sir sa ibang bansa, tatlong buwan na po siya dun, hindi ko po alam kung kailan siya babalik." Napahawak ako sa puson ko sa narinig kong iyon.

I know I was too late, mag-aapat na buwan na ang dinadala ko, bago ko naisipan na bumalik at ipaalam ang sitwasyon ko sa kanya. "Ah, ganun ba? 'Pag bumalik siya, pakisabi na dumaan ako." Pagkasabi non ay nagpaalam na ako. Hindi ako nag-iwan ng number o kahit adres.

Hindi na ako bumalik dun. Inaasahan ko kasi na kung may pagpapahalaga siya sa akin, siya ang kusang gagawa ng paraan para hanapin ako.

Pero wala e, lumipas ang ilang buwan hanggang sa makapanganak ako, walang Sebastian na nagparamdam.

NABALIK ako sa kasalukuyan nang mag-ring ang phone ko. It was Arthur, mabilis ko iyong kinuha at sinagot.

"Yes?"

"What? A seminar held by the Collins' Shipments?" Nakinig ako sa sinabi niya.

"Ako lang mag-isa?" Pagkumpirma ko pa.

"Okay, as if I had a choice." Wala na akong nagawa dahil isa iyon sa trabaho ko for this project, wala namang kaso sa 'kin mag-isa, pero if that was a seminar held by the Collins' paniguradong nandoon si Sebastian.

---

Kilig ba? Thanks for reading? Anong feeling sa pagbabalik ni Sebastian? I want to hear from you guys! Ayie.. ang bilis mag rank ni Eunice sa Gen Fic di ako nagkamali! :)

Inspire me please para maka-update ulit ako... Votes will be appreciated and comments are higly encourage! bwahahaah <3

Lovelots

~Leyn

All About Her (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now