Pinatay ko ang cellphone ko at natulog ulit. Nagising ako sa isang ingay na bumubulabog sa aking tainga. Lumabas ako sa kwarto at tiningnan kung ano ba ang nangyayari.

"Nay, Tay, Anong ingay no'n? Napakamot pa ako sa buhok. Nabigla ako ng may yumapos sa likuran ko. Agad naman akong tumaliwa at tinulak ito. Laking gulat ko ng matumba ito at ang mukha pa ay na punta sa sahig namin.Natawa ako ng malaman si Adhara pala ito.

"Ano ka ba bes, nangtutulak ha" dismayadong usal nito. Lumapit ako dito at tinulongan siyang tumayo.

"Ikaw kasi, nanggugulat ka. Ayan tuloy sorry" Napakamot nalang ako sa batok dahil sa ginawa kong 'yon.

"Oh bakit ka nandito?" tanong ko. Ngumiti naman ito ng napakalapad lapad at niyakap ulit ako.

"Eh kasi, miss na miss na kita, Hmp! Kukurotin kita" Natatawang sabi nito. Natawa nalang ako sa kalokokan ni Adhara.

"Nasaan ba sila Nanay?" Tanong ko ng bumitaw kami sa yakapan. Bumuntong hininga ito at tinuro ang labas.

"Nandoon sila, bes maligo kana may pupuntahan tayo. Bilis" Sabi nito at tinulak tulak pa ang aking likod papunta sa taas. Hindi na ako tumanggi at tuluyang naligo na ako. Sinuot ko lang ay simple dress.

Pagkababa ko ng hagdan hinanap ko si Adhara na sa sala abala sa kakapindot ng cellphone nito. Pinuntahan ko naman iyon.

"Uyy! Adhara saan naman tayo pupunta ha?" Ngunot noong tanong ko. Tumawa lang ito. "Alam mo bes, punta tayo sa mall. Shopping tayo!" Hagikhik na sabi nito at kinikilig pa.

Tumanggi naman kaagad ako. "Ayoko Adhara ikaw nalang mag-isa mo" anya ko dito. Pumangit ang timpla ng mukha nito at lumapit saakin at tinadyakan ang paa ko. "A--aray naman, Adhara" Pasigaw na sabi ko. Ang sakit kaya...

Ngumisi lang ito at tumalikod. "Alam mo Kayne, may mga bagay na kailangan mong sumunod"Lumapit ulit ito saakin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na, ngayon na nga lang tayo lalabas eh" Natawa nalang ako ng magpabebe pa ito.

Pumunta kami sa mall. Todo pili naman itong si Adhara ng damit. Ako taga oo at hindi kung bagay nga sakanya. "Bes, oh ito maganda ba"Pakita niya saakin ang isang damit. Tumango na lamang ako."Bibilhin ko na ito ha" Hagikhik nito at pumunta sa counter. Sa dami ng pinamili nito ay tinulungan ko na siyang magbuhat. Umabot ng limang libo ang kanyang naggastos. Haysss...

"Grabe ka naman Adhara ang daming pera ha" Natatawang anya ko dito. Binatukan lang ako nito at ngumisi. "Eh ikaw wala ka manlang binili. Oh ito sa'yo na" Bigay niya saakin ng isang supot.

Go to Hell Mr. PrincipalWhere stories live. Discover now