Chapter 5

94 8 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at ni anino ng babaeng nang iwan sa kanya ay wala parin. Mag iisang linggo na ngunit hindi parin ito bumabalik. Ang paalam lamang nito ay may importante na kailangan puntahan at babalik lang kapag tapos na iyon. May mga iilan rin na nagtanong sa kanya kung nag away ba sila nito dahil bigla na lamang umalis ngunit itinanggi niya iyon. Alangan naman sabihin niya na 'nagsarili kasi ako sa harap niya kaya nagwalk out'. Like duh, she won't say a word about that. Kainin na lang siya ng lupa wag lang lumabas ang ginawa niya.





Nagsimula na rin ang excavation. Halip na sa iisang lugar lamang sila maghuhukay ay hinati niya sa tatlo ang site kung saan potential na naroon nakailalim o nakatago ang hinahanap. After all, they have to do it fast. Nakapwesto siya sa ikatlong site kung saan ang dating Malkala nakatayo. Where pharaohs live and rule. Inilipat narin ang tent nila kasama ang mga kagamitan doon. May mga kasama siya sa site na kasamahan ngunit mas marami ang tauhan ng babaeng iyon. Parang mas dumami pa sila kaysa noong nakaraan at bawat galaw niya ay ramdam niya ang pagmamasid ng mga ito.




Malayo ang quarters niya mula sa mga kasamahan. Gusto niyang ipalapit ito ngunit mahigpit siyang pinagbawalan ng mga tauhan ni Ms. Akhil. Pinag uutos daw nito na bigyan siya ng privacy.




"Cuevas!"




Malakas tawag sa kanya ni Alan, isang junior archaeologist na kasama niya sa site. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya ngunit mas marami na siyang achievement kaysa sa lalaki. Moreno ito at may boyish na ngiti na kinakikilig niya sa tuwing nginingitian siya nito.




"Bakit?"




Lumapit siya rito at tinignan ang itinuturo sa isang mataas na slope kung saan sila naghuhukay. Napasinghap siya nang makita ang isang makapal na pinto gawa sa clay at bato. Mayroong mga disenyo ito at iba't ibang kulay. They found a tomb or maybe a room. Nilapitan niya ito at hinawakan. Namamangha rin na nakatingin ang mga kasama nila rito. The smooth plains of the stone door felt ancient. She smiled and she didn't know but a tear escaped her eye.





Sinuri niya itong mabuti at nahihiwagaan na mabilis kinuha ang brush para alisin ang lupa na nakadikit sa gitnang bahagi ng pinto. Nilinis niya ito at napaawang kanyang mga bibig nang makita ang isang kulay pulang diamante. Mayroon ding isang bakat ng kamay rito na may kulay pulang kulay. Mas mapula kaysa sa mga nakapinta. Lumingon siya sa lahat nang naroon at ngumiti.




"We may have found the secret room."





Loud cheers filled the whole place. Nagpasya sila na hintayin ang pagdating ni Ms. Akhil bago nila ipakita ang natuklasan. Hindi lamang iyon dahil mayroon ding nahanap na tomb ang mga kasamahan nila sa ibang site. But unlike the others, ang nahanap lamang nila ang hindi mabuksan buksan. They tried everything and yet, it remained locked. The heavy clay door doesn't seem to budge. Parang may nakabara o kung ano na pumipigil sa kanila sa pagbukas nito.





May kalayuan ito sa kanilang quarters kaya hindi siya nababahala na puntahan ito ng kasamahan lalo na sa gabi. May mga tauhan babae na iyon na nagroronda tuwing gabi sa kanilang nahukay at todo ang pagprotekta ng mga ito sa kanya. Halos lahat yata ng hilingin at iutos niya sa mga ito ay ginagawa at ibinibigay sa kanya. They are acting weird towards her.





Gabi na at magtatatlong linggo na sila rito. Nakaupo siya sa isang cleopatra bench sa labas ng tent niya. Feeling the warm yet chilly wind on her skin, she just finished taking a bath. Tuyo narin ang buhok niya dahil kanina pa niya ito tinuyo. Nakasuot lamang siya ng simpleng tee shirt at light brown shorts. Malamig ang gabi ngunit may dumadaloy na init sa kaibuturan niya.




She gazes at the night sky, it's dark but that what makes it wonderful, because of it, the stars can have their time to shine. The beautiful starry night is what she needs right now. To help her relax. Sumulyap siya sa paligid. Her team is already resting. Sabagay, malalim narin ang gabi. Napakasarap matulog dahil tahimik ang paligid at ang nakakarelax lamang na pagaspas ng hangin ang naririnig nila.




Tulala siyang nakatingin sa kawalan nang biglang sumagi sa kanyang isip ang nangyari tatlong linggo na rin ang nakakaraan. Gumapang ang init papunta sa kanyang mga pisngi at patikhim na iniling ang ulo. She just can't believe that she could do that. Let alone in front of someone.




That time.. she felt hypnotized like she had been bound by a spell or made to drink an aphrodisiac. Halos hindi niya makilala ang sarili. Langong lango sa kung anong bagay. Iwinaksi niya ang isipan at inalala ang mukha ng babaeng iyon. She can't deny that there's an attraction between them or that's what she thought. Hindi narin siya natatakot rito at sa mga tauhan nito. She knows that all of them are vampires but the difference is.. she's more powerful than them. Their eyes vary from power. The red ones are the most powerful, maybe they are full blooded or what.





She takes a deep breath and close her eyes. There are more things to be afraid of. She knows now that there are entities far more powerful than she thinks. Her bestfriend, Hestia, is with a fae, based on the picture she has. Those pointed ears, a fae or an elf, either way, they are the same. Now, her, with a vampire.




"You should sleep."





She shrieks and held her chest. Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa gilid kung saan nakaupo at nakapahalumbaba ang babaeng iniisip. Shuta! Hindi niya naramdaman ang oagtabi nito sa kanya. At kailan pa ito dumating?!




A mischievous glint dance in Kamilah's eyes. Nakatingin ito sa kanya at mayroon sinusupil na ngiti sa labi. Nakasuot ng simpleng tshirt na nakatucked in sa faded jeans nito. Nakaboots din at nakalugay ang buhok nito sumasabay sa hangin.




"Kamilah!"





She voiced out, surprised by her presence. Kung dati rati ay lagi itong seryoso at nakasimangot sa kanya ngunit ngayon ay hindi nito itinatago ang ngisi sa mga labi. Mukhang nasa mood ito.




"Missed me?"





Maang siyang napatingin rito at maya maya pa ay inirapan ito. Miss? Utot niya. Muli siyang tumingin sa kalawakan, hindi iniinda ang matiim na titig ng babaeng nasa gilid lamang niya.





"I've been away doing research and meeting oracles."





Oracles?! Totoo rin iyon? Ha! Hindi na niya alam kung ano pang totoo. Marami pa siyang gustong malaman at tanungin rito ngunit isang tamgo lang ang kanyang isinagot. Hindi na rin ito nagsalita pa tahimik silang nakatanaw sa kung saan umaabot ang kanilang paningin.




Ilang minuto ang nilagi nilang nakatanaw sa paligid nang tumayo ito. She glance at her side when Kamilah did not move. Sinalakay siya ng pag aalala nang makita na nakahawak ito sa isang bakal ng tent. Nakapikit ng mariin at parang nanghihina. Dinaluhan niya ito at hinawakan sa pulso.




"Kamilah. What's wrong?"





She couldn't hide the worry in her voice. Something is definitely wrong with this woman. Ngayon lamag niya ito nakita na nanghihina. Her pulse is weak. Akmang magtatawag siya ng tulong nang umiling ito sa kanya at tinignan siya sa mata.





"I haven't fed for three weeks."





Tigalgal siyang napatitig rito. Umiwas ito ng tingin at nakakapit na oumasok sa loob ng tent. Three weeks? That's too long. Mabilis niya itong sinundan sa loob at nakita na nakahiga ito patihaya sa kama na dinala pa ng mga tauhan nito rito. Nakatakip ang isang braso sa mga mata at mahina ang paghinga.





"Kamilah, why didn't you drink blood?"





Napansin niya na natigilan ito at napakagat labi. Contemplating on whether to answer her or not. Bumuka ang bibig nito at nagimbal siya sa mga sumunod na sinabi.





"I can't drink other blood. I'm craving yours, Erin. Your blood is the only one that can satiate my hunger. I'm craving.. for my mate's blood."





Blood and TemptationsWhere stories live. Discover now