Habang kumakain ako ay napapa-tap ako ng mga paa ko, I don’t know what he puts in his mushroom soup pero sarap na sarap ako. Para akong sasayaw sa saya, nababaliw na siguro ako. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko tska naglibot sa buong unit n’ya. Sabi nya eh, I can enjoy his abode. Wala naman akong papakielaman, ie-enjoy ko lang iyong time na makakatapak ako sa ganitong lugar. Hindi ko pa kasi afford ang ganitong place, but manifesting! Kapag naka graduate ako, I will buy a place like this also.

Gusto kong makita kung ano bang meron sa mga kwarto rito sa mahabang hallway n’ya. So I decided to take a look, but since I still respect his privacy, hindi ko papasukin ang kwarto n’ya. Iyong ibang kwarto na lang. Inuna ko iyong katabi n’yang kwarto at it was a plain bedroom, may kama, shelves, cabinet tapos malaking kurtina na tinatakpan iyong glass window. Wala s’yang banyo so it looks like a guest’s room. Sinunod ko naman iyong katabing kwarto ng guestroom and I was amazed that it is huge and full of gym equipments.

Kaya pala may kalakihan ang biceps ni Ethan, sayang hindi ko nahawakan kagabi. Ay ano ba ’yan! Erase-erase! Napakalandi mo, Sevrianah. Hindi ka pinalaking ganito ng mama mo. Maghunos dili ka!

Agad akong umalis sa kwartong iyon, baka kasi kung ano pang maisip kong kalandian. Siguro kung andito lang si mama at naririnig n’ya ang nasa isip ko, kukurutin ako nun sa singit. Syempre ayoko nun! Masakit kaya ang mga kuko ni mama.

Pero matigas iyong muscles sa bandang lap ni Ethan—

AY AMBOT!

***

Natapos ko nang libutin ang buong unit n’ya. Bukod sa minimalist na design, wala nang ibang entertaining sa lugar n’ya. I can consider the gym room but puro kalandian ang naiisip ko roon. I think I need to visit church for quite sometime dahil masyadong nadudumihan na ako sa utak ko. I need to refresh my soul.

It looks like he’s just living in this place para hindi s’ya mahirapang bumyahe papunta sa school n’ya. Honestly, halos 20 minutes drive lang iyong house n’ya to UE. Not bad na rin kahit may traffic pa. Napaisip tuloy ako sandali, if he can afford this place, ano kayang itsura ng bahay nila?

I mean, he said kasi when he asked me this favor na he have lots of investment, may share stocks with restaurants, may savings sa bank tapos he can afford this place, may sarili pang kotse at motor. For the record, he’s just a 3rd year Medical Technology student. Oh! Idagdag mo pa ’yang program n’yang napakamahal at university n’ya ring nakakalula ang tuition. I bet they are rich, super rich. Mas mayaman kaya sila sa father ko? Ewan ko. Wala rin naman kasi akong ibang information about sa kanya maliban sa pangalan n’ya at taong pinanganak s’ya.

Von Marcus Ferrer, 1970.

Para tuloy akong basahan kung itatabi kay Ethan. Well, it doesn't matter naman diba? As if there is something going on between the two of us. Tska, I am not the main character in a story where in aawayin ng mga nagkakagusto kay Ethan because we are not bagay. Kung gusto nila s’ya, edi go. Saksak pa nila sa baga nila eh, baka gusto nila ako pa gumawa nun.

Joke, aga aga kung anu-ano pinag-iisip ko.

Napatayo ako sa mula pagkakaupo sa sofa nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Sumilip ako kung sino iyon and it was just Ethan, inayos ko ang pagkakatayo ko ay kinawayan s’ya as if we didn’t saw each other for a long time.

Teka anong oras na ba?

I checked the time from my phone and 11am pa lang. Akala ko ba tanghali pa s’ya uuwi?

MarahuyoWhere stories live. Discover now