Chapter 9

11 0 0
                                    

Nagising ako na wala nang tao, maliban sa akin, sa condominium unit ni Ethan. He probably went to his university na dahil may morning class pa s’ya. I immediately checked my phone kung may iniwan ba s’yang message but wala.

Obvious na disappointed ako but I don’t know for what reason. Dahil ba I expected something after what happened? Nah, it’s not part of the plan.

Pumasok na lang ako sa banyo na nasa loob ng kwarto nitong pinahiram sa akin ni Ethan. Naghilamos ako at chineck ko ang sarili ko sa salamin. The marks he left last night are already visible. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, I touched my lips with my thumb and gently pressed it. Up until now, I can feel the touch of his lips on mine. Pati na rin sa lugar na kung saan n’ya ako iniwanan ng marka.

I shake my head, wake-up, Sevrianah! Wala lang iyon, kiss lang iyon, momol lang iyon and walang meaning iyon. Both of your bodies asked for it and satisfied na kayo.

I decided to take a bath na lang para ma-applyan ko na ng concealer itong mga chikinini sa leeg at dibdib ko. It doesn't take me too long to have a bath dahil simpleng pagsasabon, pags-shampoo at toothbrush lang naman ang routine ko. Nagsuot muna ako ng damit before ako humarap muli sa salamin at mag-apply ng pagtapal sa dapat kong tapalan.

Isang purple polo blouse crop-top ang sinuot ko at beige trouser. Dahil wala akong dalang hair dryer ay sinuklay ko na lang ang buhok ko at pinusod iyon. For one last time, I checked myself on the mirror. Okay, hindi halatang may tinatapalan ako.

Lumabas ako sa kwarto na may dala-dalang mga re-reviewhin ulit. 9 am pa lang naman, siguro brunch na lang iyong kakainin ko. Nahihiya kasi akong i-text si Ethan if pwede ko bang galawin ang stocks n’ya rito sa bahay n’ya.

Inilapag ko sa coffee table n’ya ang mga gamit ko, uupo na sana ako sa sofa nang maalala ko ulit ang ginawa namin kagabi. Agad akong lumayo roon at kinagat ang ibabang labi ko. Ah, tangina. Pwede bang tantanan muna ako ng mga memoryang iyon? I know they were all fresh but it unnecessary to remember them!

I need to refresh myself! Tama, refresh. I need water.

I went to his kitchen and about to open his refrigerator when my eyes catched a glimpse on a paper na naka magnet sa pinto. Kinuha ko iyon at walang kamalay-malay na napangiti.

Good Morning, Chase.

You’re still asleep so I don’t want to bother you by waking you up just to say I’m going to school na so I just wrote a letter hoping you’ll see this once you get up from the bed. I cooked breakfast pala, para hindi mo na need magluto. I stored it inside the refrigerator, nasa tupperware na disposable. Fried egg, bacons and mushroom soup. Uuwi ako nang tanghali mamaya and I’ll prepare a delicious meal for you. For now, habang wala ako, you can enjoy my abode. Study tayo together later 。⁠◕⁠‿⁠◕⁠ 。

- Ethan

Natawa ako sa nag-iisang emoticon sa huling parte ng sulat. Ang cute tapos mukhang excited. Muli kong sinampal ang sarili ko nang maramdaman ko na namang umuunat ang mga labi ko. Shet naman, huwag kang ma flutter! Baka mamis-interpret mo ’yang nararamdaman mo. Bahala ka, ikaw din ang kawawa.

Just like what he said in the letter, kinuha ko iyong niluto n’ya sa loob ng ref. Medyo malamig na iyon so I am planning to re-heat it. He won’t mind naman siguro if I use his microwave ’no? I checked kung microwavable ba iyong tupperware n’ya and it is naman so inilagay ko na loob ng microwave at pinainit iyon for a minute.

I prepare my rice na rin, naging mabilis lang ang pagpapa-init ko sa breakfast ko. Hindi ko na s’ya sinalin sa mangkok kasi huhugasan ko rin naman ang mga tupperware then itatanong ko na lang kay Ethan if he wanted to dispose them or use them for one last time. Ganun kasi ako, mga tatlong gamit muna bago ko itapon, haha.

MarahuyoWhere stories live. Discover now