Chapter 3

19 1 0
                                    

“Accept mo na lang ’yung bulaklak oh!”

Isinukbit ko ang tote bag ko bago naglakad papalabas ng lecture room namin for Managerial Economics na course ko, sa sobrang hiya ko ay mas gugustuhin ko na lang magpalamon sa lupa.

“Bakit ba ang kulit mo, Charles? Ayoko nga.”

Hindi ko alam kung saan nakuha ni Charles ang kasipagan at pera n’ya para bumili ng isang bouquet ng sunflower at bumyahe ng halos tatlong kilometro galing Central Escolar University papunta sa Pamantasan ng Lungsod ng Manila? Tapos nagawa pa n’yang makapasok dito eh hindi naman s’ya estudyante rito!

Suot-suot ang puting-puti n’yang uniform bilang isang Pharmacy student, hawak-hawak ni Charles ang isang bouquet ng bulaklak na gusto n’yang ibigay sakin matapos n’yang maghintay nang mahigit kalahating oras sa labas ng lecture room ko. Hiyang-hiya ako lalo na’t nang mapansin ng instructor namin na nasa labas s’ya and obviously waiting someone from our room.

Charles Benedict Ynarez, 4th year Pharmacy Student from Central Escolar University, anak ni Aling Criselda na landlady nung inuupahan kong apartment ay andito sa university ko ngayon para magbigay ng bulaklak. Andami nang nakatingin samin at hiyang hiya na ako.

I won’t deny the fact that Charles is handsome, maputi, appealing, pantay ang ngipin, matangkad, charming pero ang kaso, hindi ko s’ya type. Hindi ko iniisip ang makipagrelasyon ngayon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko iyon mapapanindigan. I have other priorities at hindi kasama roon ang makipag-relasyon.

At isa pa, baka manggalaiti sa galit si aling Criselda kapag nalaman pumayag akong magpaligaw sa anak nya.

“Bakit ayaw mo ba magpaligaw? You don’t have boyfriend naman diba? I asked you multiple times about that, wala ka rin namang recent ex na di ka pa nakaka-move on. So what’s the problem?” Inosente n’yang tanong. Sometimes, I felt bad. He looks so genuine upon liking me kaso wala e, hindi ko s’ya type.

“Magagalit mama mo.” I told him.

“Don’t mind mama kasi, matatanggap n’ya ring ikaw yung gusto ko hindi ’yung mukhang sugpong anak ng kaibigan n’ya.”

“Don’t say that, wala naman ginagawang masama sa’yo ’yung tao tapos lalaitin mo.” Ani ko. Wala na akong klase after my two hours in Managerial Economics class, sa hapon naman next at another two hours naman iyon.

“Sorry boss, di na mauulit.” He chuckled, “I will prove to you na deserving talaga ako maging boyfriend mo kung sakaling papayagan mo ako manligaw at kung sasagutin mo ako. Promise!” Tinaas n’ya ang kanang kamay n’ya at parang nanunumpa pa sa akin.

“Look, Charles. I appreciate your efforts for me, mga bulaklak, mga iniiwan mong pizza sa labas ng unit ko, pagwawalis mo sa tapat ng unit ko and everything you do for me but I don’t want to raise your hope. Hindi ako handa sa isang relationship and kung magiging handa man ako, I don’t see you as my partner. Bata pa rin kasi ako and I only have one goal in life, ang makatapos ng pag-aaral na walang sagabal. Sa iba mo na lang ibaling iyang efforts and affection mo, masasayang lang ’yan if sa akin.” Pagpapaliwanag ko sa kanya, hindi labag sa loob kong ireject sya dahil ito ang tamang desisyon. “Para hindi ka malungkot, kukunin ko ’tong bulaklak pero walang meaning ah? Last na ’to and hanap ka na lang ng iba. I’m really sorry, Charles.” Kinuha ko sa kanya ang bouquet ng Sunflower. Balak ko s’yang ilagay sa vase ko at idisplay sa sala ko. Para naman magkaroon ng kaunting buhay ang maliit kong place.

“Kainis ka naman, Sevrianah. Papaano kita i-uunlike kung ganyan kabait pag reject mo sakin. Hayst, bakit kasi hindi na lang ako? Huwag mo na sagutin, nagd-drama lang ako.” Mahina akong tumawa dahil sa sinabi n’ya. Should I reject him in harsh way para hindi s’ya mahirapan i-unlike ako?

MarahuyoWhere stories live. Discover now