Chapter 8

10 0 0
                                    

CONTENT WARNING! This chapter contains scene that is not suitable for ages 18 and below. Read at your own risk.

Midterms, means hell week.

Ikatatlong beses ko nang mag m-midterm exam pero lumulutang pa rin ang isip ko sa tuwing papalapit na ang linggong iyon. Pakiramdam ko ay anytime, malalagutan ako ng hininga.

Noong Lunes ay nagpa-alam ako sa trabaho ko na hindi muna ako makakapasok ng isang linggo, bawas iyon sa sweldo ko pero may naitabi naman ako kung sakaling magkulang ang budget ko this month. Kailangan ko kasing mag-focus sa pagr-review dahil nasa isang hukay ang paa ko sa tuwing mag e-exam kami.

Sakto ring nagsabay pa ang schedule ng midterms namin ni Ethan. Tinawanan ko nga s’ya noong una dahil nakadalawa na s’yang exams simula nang magkakilala kami pero agad kong narealize na mas marami pala ang need kong reviewhin dahil dumaretso kami ng midterms.

Instant karma ako roon.

Bali every after class ay hindi na ako aalis pa ng apartment dahil magkakaron ako ng intensive reviewing gabi-gabi. Magtutuos kami ng mga notes ko, modules ko na pinaprint ko, mga powerpoint na sinend sa amin at syempre ng pinakamatindi kong alas na bahala na si batman phrase. Minsan kasi ay dapat mong ipaubaya na lang kay Batman ang lahat.

Biro lang, syempre dapat may review ka rin. 50% stock knowledge, 30% review tapos 20% bahala na si batman. Components ito ng sandata ko every exam.

“You alright?” Napakurap na lang ako habang dahan-dahang nginunguya iyong fishball na kinakain ko. Vacant time ko pa kasi kaya naisipan kong kumain ng fishball sa labas, sakto namang nakita ko ’tong si Ethan sa labas kasama ng motor n’ya. Lunes pa lang at hindi coding ng kotse n’ya, nakakapanibago na hindi s’ya nag kotse ngayon.

Ngiti-ngiti pa s’yang lumapit sa akin na akala mo ay walang midterms next week. Nagawa pang bumyahe nang tatlong kilometro mula sa school n’ya papunta rito sa pamantasan. Hindi ba ’to nasasayangan sa gas? Or para sa kanya, parang nawasa lang ang gas at todo gastos s’ya?

“Okay lang naman.” Sagot ko, ibinaba ko muna iyong kinakain ko sa gilid ng inuupuan namin tska inayos ang mga libro ko. Dala-dala ko kasi ang tatlong libro ko ngayon, isang minor sub at dalawang major subs. Balak ko mag review kung sakaling hindi kami pasukan ng mga instructors namin or hindi kaya kung may vacant pa.

“You’re spacing out earlier, are you sure you’re really okay?” Ethan asked. Inilapag n’ya rin sa gilid namin ang kinakain n’yang kwek-kwek at bahagyang iniharap ang katawan n’ya sakin. Para akong nasisilaw sa all white n’yang uniform. Kinukuha na ata ako ni satanas— San Pedro rather.

“Okay nga lang, natural lang sakin mag space out lalo na before midterms. Iniisip ko kasi anong una kong re-reviewhin.” sa siyam na kursong meron ako ngayon, 26 units pa, para na akong nauulol sa dapat kong unahing i-review. Wala pa namang dina-drop na schedule ang college of business and management, gusto ata nila mabaliw muna kami bago sila mag drop eh.

What if ako na lang mag drop? Joke. I don’t claim this negative energy.

“You should probably start with minor subs.” He said.

“Pero what if unahin nila major subs?” Lumalabas na naman pagiging overthinker ko, hay nakong utak ’to! Papatanggal ko na ito next time.

“You are able to answer your exams if nakikinig ka during lectures. Unless...” Tinaasan ko s’ya ng kilay, anong gusto nitong iparating? Na kaya ako na i-istress sa kung anong dapat kong unahin kasi hindi ako nakikinig sa instructors ko? Ha! Baka gusto n’yang ipakita ko sa kanya ikatatlo kong tenga!

“Unless what?” Everytime I am with Ethan, I can be myself. Kaya kong magtaray, kaya ko maging sweet, kaya ko maging batang nae-excite sa bagay-bagay. I can be who I want to be. Pakiramdam ko kasi he will not judge me, he understands where I am coming from even though he barely knows anything about me.

MarahuyoWhere stories live. Discover now