Chapter 2

19 0 0
                                    

"Yuck kadiri!"

Inirapan ko si Steve nang makita n'ya akong naglalakad habang may suka sa likod ko. Tawang tawa pa s'ya habang inaasar ako dahil sa ginawa ng isang customer namin sakin.

Nakita ako ng janitor naming si Phillip na hawak-hawak nung customer na sumuka sa akin. Agad n'yang inalalayan iyong customer at pinapunta na ako sa banyo para makapagpalit. Sabi n'ya ay s'ya na raw ang bahala magdala sa labas nung lalaking iyon.

"Uwi ka na lang, Sev. Kaya na namin dito." Although manager namin si Steve, para rin namin s'yang tropa. Magaan ang pakikisama n'ya sa amin at walang formalities. He let us to go home if we need it badly, or kaya kapag kaya naman na nila ihandle ang mga happenings inside the work.

"Di pa tapos shift ko, baka ibawas mo 'yan sa sweldo ko." saad ko.

"Syempre naman," He paused. "Syempre hindi! Ako nag insist na umuwi ka na. Tska may pasok ka diba bukas? Sige na uwi na roon, sawang-sawa na kasi ako sa mukha mo." Pero kahit papaano ay may respeto pa rin ako sa kanya, kasi kung wala ay kanina ko pa s'ya binatukan.

May suka na napunta sa kamay ko, likod ko tska jeans kaya I have to clean myself. Mabuti na nga lang at wala sa buhok dahil nakapusod ako that time. May nakatabi naman akong T-shirt at jeans dito sa locker kaya iyon muna ang sinuot ko samantalang nilagay ko sa plastic iyong damit ko dahil lalabhan ko iyon mamaya. Ayokong mangamoy suka ang dumper ko.

"Uwi na ako, bawi na lang ako sa Wednesday."

Tuwing Wednesday ng umaga ay tumutulong ako sa pag gawa ng inventory at sales record kay Steve, buti nga't na a-apply ko ang pagiging Accountancy student ko sa trabahong ito eh. Syempre may extra payment din iyon dahil di iyon sakop ng trabaho ko rito.

"Talagang babawi ka sa Wednesday, uuwi si Hannah sa Cotabato e, need ka namin." Ani Steve.

"Ay ganon? Mabuti naman at makakapagpahinga s'ya. Para na s'yang zombie sa lagay n'ya ngayon eh."

Dala-dala ang bagpack at itim na payong na pinahiram sakin ay lumabas na ako sa pinagt-trabahuan ko. There, I saw Phillip trying to talk with the customer na sumuka sa akin.

"Boss, sagot naman boss. Para akong kumakausap ng hangin dito." Saad n'ya, mukhang hindi sinasagot nung lalaki mga tanong n'ya.

"Phil, ako na d'yan. May naiwan ka pang trabaho roon."

"Baka sukahan ka ulit nito, ako na."

"Di 'yan, tampalin ko bunganga kapag sinubukan n'ya pang sumuka." at the end, napapayag ko rin si Phillip na ako na ang bahala umasikaso roon sa customer. Alam ko naman kung saan bahay nito, pero di ko lang alam anong floor at di ko rin alam kung papaano kami makakarating doon dahil nilalakad ko ang apartment ko papunta sa trabaho ko. Alangan naman maglakad kami, papahirapan ko sarili ko?

Oo pwede kami sumakay, pero ano s'ya gold para gastusan ko?

"Hoy, anong pangalan mo?" he just hummed, hay nako. Kaunti talaga pasensya ko sa mga lasing na tao. Inom nang inom pero di marunong alagaan sarili nila. "Hoy kuya, sasagot ka o bibigwasan kita?"

Marahan s'yang tumawa at kinuha ang wallet n'ya, he took an ID at binigay sakin. Driver's License iyon.

Lee, Ethan Quijano, Male, 2001/10/15
Trovit Homes, Metro Manila.

Punyeta, yayamanin. Taga Trovit, million bawat units doon.

"Cellphone mo nga, tawagan ko contacts mo." Para s'yang batang mabait na sumunod sa akin, di alintana if itong kausap n'ya ba ay may masamang intensyon sa kanya. Lucky him, mabait akong tao.

MarahuyoWhere stories live. Discover now