One: Keep Your Head Low

68 7 5
                                    


𓋹

Putangina ka! Nasaan ka na?!” Sigaw mula sa kabilang linya ng nakatatandang kapatid ni Donny.

“Papunta na! Nasiraan kasi ako ng motor!” Sagot niya, habang tinatakbo ang kahabaan ng kalsada, walang-abalang mag-pampublikong sakay sa tagal ng paghihintay.

Halos kalahating oras na siyang huli sa atas na schedule ng pasok sa kanyang pinaka-unang araw sa trabaho sa House of Cairo, isang Dubai-based prestigious magazine house na kasalukuyang nakakontrata at malaking kabahagi sa mga unang labas ng Bonita Magz. Philippines.

Ang kahit katiting man lamang na ugnay sa kompanya ay tiyak na ang kinabukasan sa industriya, kung 'di lang sana siya masibak bago pa nga man siya makaapak sa baldosa nito nang dahil sa likas niyang kamalasan.

Bilisan mo! Kanina pa kami dito pinag-iinitan dahil wala siyang mautusan!” Iyak ng kanyang Ate Leanne, pagtukoy sa among diktador habang rinig sa linya nito ang pagkakagulo't sigawan na pinangingibabawan ng mga de Inglés na mura ng nasabing amo.

Isang huling iritadong pagsang-ayon na lamang ang kanyang tugon bago ito babaan at matapos ay saka lalong binilisan ang takbo.

Nang sa wakas ay makarating sa gusali ng House of Cairo ay agad niyang tinungo ang papasarang elevator at isiningit ang sarili sa pagitan ng mga nabubuwisit na kapwa emplayado. Ngingising “Sorry.. sorry..” na lamang ang tugon niya habang lalong idinudoldol ang sarili.

Nangangalahati pa lamang ang bukas ng elevator ay agad na niyang tinakbo ang pasilyo ng ika-sampung palapag, tangkang tunguhin ang opisina ng nagmamay-ari.

“Donny!” Tawag ng kakilalang tauhan sa Human Resources na si Beline. “Nasa studio sila sa 6th floor! Bilisan mo!” Pagpapa-alam nito, batid ang kanyang haharaping galit sa ilan pang minutong 'di siya mamataan.

Napamura na lamang siya sa ilalim ng hingal at saka muling tinakbo ang elevator. Limot nang pasalamatan ang dating nobya ng ate sa pagkaaligaga.

Nakabubulag na kislap ng kalakihang kamera ang bumungad sa kanyang pawis at naghahangos na first impression.

Ang nanlalata niyang tawag sa kung sinong nagsisigawan at aligagang nagtatakbuhan sa studio ay halos walang ingay hambing sa isa ritong kaliit na abala na lamang ay magwawala na— kung 'di pa man nangyari.

Bint Farah Al-Sharqam.

In the flesh..” tili niya sa kaloob-looban.

'Di malaman ni Donny kung pawis sa kalahating kilometrong takbo o ihi sa nerbyos ang mamasang nanlalagkit sa pagitan ng hita, gayon man ay linapitan niya na lamang ang sana'y magtatagal niyang amo.

“Ma'am..” hiya niyang kalabit.

Abala pa ito sa pagpulot ng kung anong mahablot na itatapon sa Lighting Technician na 'di masunod ang kanyang mando, “Ma'am Farah..” kalabit niyang muli habang kapit ang kanyang papeles at kailanganing notepad.

Kumibit ang balikat nito sa kanyang pangangalabit, muling walang pagpansin at saka yumuko sa kamera na nakakawit sa tayong tripod.

Napabuntong hininga na lamang siya sa kaunting pagkairita't hiya. ”Ma'am-” akmang muli siyang kakalabit nang mambigwas ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

House of CairoWhere stories live. Discover now