11

17.1K 545 251
                                    


"Wow, this cave is so beautiful." eto ang manghang komento ko habang nasa loob kami ng kweba ni Eden. Ito ang last destination ng island hopping namin, ang pumasok sa Tayangban Cave Pool.

"I told you it's worth the visit." aliw na sabi niya habang hawak ang isang kamay ko para hindi ako madulas.

"What Island are we again?" tanong ko habang hindi inalis ang mata sa paligid.

"We're in Siargao Island this time." she answered.

"Grabe noh? Very blessed ang region na'to sa mga natural resources. I've been into a lot of island hopping with my friends, but I never seen something like this before." masayang itinuro ko sa kanya ang kabuoan ng kweba, it was very astonishing. "Thank you for bringing me here, Ed. Sobra akong nag eenjoy."

"You're welcome, hon. Actually sa kabilang dako, matatagpuan doon ang Britania Group of Islands. I wanted to bring you there as our last stop, pero mukhang hindi na kakayanin ng sikmura mo yung biyahe."

Napangiwi ako sa huling sinabi niya. She's right, nahihilo na nga ako sa biyahe namin. Bago paman kami nakadaong dito sa Siargao, sumuka nako kanina sa yacht. Not surprising kasi sa loob ng apat na oras ay halos nalibot namin ang mga karatig na Isla malapit sa Sanctuary Island. Luckily, she was there to take good care of me. Hindi kami bumaba ng yate hanggat hindi ako totally nakaka-recover.

"I would love to go there, but my motion sickness can't take it anymore. Baka tuluyan nakong mawawalan ng malay kapag pinipilit ko pa."

Eden chuckled. "I know, hon. That's why this is our last stop. Sa susunod na ulit kita yayain kapag nasa maayos ka ng condition."

A soft smile appeared my lips. Inalis ko ang mata sa coral reefs at ibinaling yun sa kanya. This woman is so soft spoken and it's making my heart melt.

"I'm looking forward for that." i said.

Gumanti ng ngiti si Eden bago malambing na inayos ang medyo magulo kong buhok. I felt my cheeks reddened because of her sweet gesture. Parang bigla ko gustong magpalambing sa kanya ng wala sa oras. Consistent talaga ang sweetness ng isang 'to sakin mula pa kanina, and I loved the attention she was giving to me. I felt special.

"Gusto mo na bang bumalik sa Sanctuary Island?" tanong niya maya't-maya, still combing my hair.

"Hmm, let's stay for a while. Doon muna tayo sa dalampasigan. I want to enjoy the scenery there."

"Alright, let's go." muling hinawakan ni Eden ang kamay ko upang alalayang makalabas ng kweba. Hindi masyado ma-tao ang dalampasigan dahil karaniwan sa mga ito ay nasa kabilang dako tumatambay. Tamang-tama dahil mas na eenjoy kong panoorin ang alon kapag walang masyadong tao.

Hinubad ni Eden ang suot niyang polo shirt at inilapag ito sa puting buhangin. Naka sando nalang siya ngayon at hindi ko maiwasang mapahanga sa physical niyang katangian. The woman had broad shoulders and lean muscles, bakat sa sando niya ang kanyang abs. She's like a work of art that came into life. Tapos dumagdag pa yung mukha niyang sobrang pogi at dimples niyang agaw pansin. Ang attractive, diyos ko!

Pareho kaming nakaharap ni Eden sa dagat habang nakaupo sa ibabaw ng polo niyang nakalapag sa buhangin. Mula sa di kalayuan ay natanaw namin ang grupo ng mga surfers na masayang nagsusurfing sa alon. Marahil napansin ni Eden nagenjoy ako sa pinanood ko dahil amused siyang tumingin sakin.

"It seems like you are fond watching people surf, huh?"

Inalis ko ang mata sa mga surfers at itinuon 'yon sa kanya. "Yeah, actually kanina pa habang kumakain ako sa restaurant. Nakakaaliw kasi silang tignan."

Eden gave the surfers a quick glance, before gazing back at me. "Do you want to try it?"

"Ang alin, ang mag surfing?"

Sanctuary Island  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Kde žijí příběhy. Začni objevovat