Prologue

87 4 0
                                    













Inside the elegant mansion—there's always been a chandelier which constantly caught my attention as it swings from left to right na parang may maamong buhawi ang umaatake rito. Madaling gumunaw, pero matibay kung humiyaw. I mean, who will dare to make a crunchy bite on a black toasted burnt bread kung busog ka naman, diba? And that's how I get connected to an extraneous family, nanggamit ako, inalipusta ko ang pera, tinake advantage ko ang kapangyarihan ng pag-ibig para mapa sa akin ang dapat na nasa akin.






Adrion Zonu A. Parriño.

My boy. My flourishing boy.

My husband. My gentle husband.






Ilang beses nang may nangyari sa amin, pero hindi ako nabubuntis. I promised them that I will get them a new healthy heir, pero sinasadya kong mag-intake ng pills para hindi mangyari 'yon. Iisa lang naman ang dahilan ko kung bakit ko ginagawa 'to.






Mahal ko si Adrion—tama 'yon. Mahal na mahal ko hanggang sa punto na muntik ko pang mapatay ang nanay niya dahil sa pangingielam sa relasyon namin.

Mahal ko si Adrion—pero kasalanan ng mga magulang niya kung bakit hindi ko na nakita ang mga magulang ko. Mga lapastangan.






Pero mahal ko si Adrion. Mahal na mahal ko si Adrion.





.

.

.





"Yes, definitely. I know how gullible they can be. Pero... hindi naman din siguro ako tanga na kahit sobra pa sa langgam ang pagkatanga nila, may mailalabas pa rin yang mga yan. That's my goal, Fer. That's my fucking goal." I whispered in an empty space, dito sa kusina nila habang nag-bobonding silang magkakamag-anak sa sala. I had my ear pads worn, playing through my ears as it vibrates the voice of Fer.






"Alam ko, Cassandra. Alam na alam ko yan, ikaw pa. Saka haha, I already had them prepared para sa orientation nila sa sabado sa kumpanya nila. I promise you, Cass. Asintado pumutok ang baril ng assistant ko, and in that way, babalik ka sa akin. Malulustay yang petsay mo, babalik ka sa akin. Gagamitin kita, aangkinin, lahat gagawin ko... You know how long I've been craving you, right?" Fer flirtatiously added. I could hear how he rub his whiskers on the speaker of his phone, excited na excited.






"Oo, magpapalamutak ako sa'yo basta gawin mo ang pinapagawa ko." I commanded in which he replied a strong yes, genuinely feeling the dedication he's been having lately. At saka ko ibinaba ang telepono.






Saktong pagkalingon ko, bumungad sa akin si Adrion sa doorway papunta rito while my peripheral vision sees the laughs and ballistic conversation of his blood mates. Blood mates talaga.






"Adrion! My gosh, you're here!" kumapit ako sa braso niya na may ngiti sa labi ko, nginitian niya rin naman ako pabalik.






"I feel so lonely just staring at this minimalist kitchen, you know. E, hindi ko naman ka-close mga kamag-anak mo. You seem to be enjoying your little time, tama ba?" sunod kong tanong na itinawa niya. Alam ko kasi kung gaano kasangsang ang ugali ng iba niyang mga kamag-anak kaya hindi sila magkalapit. Ni isang kusing ng tulong, walang ibinigay sa kanila nung naghihirap pa sila—pero ngayong dumadadakdak na ang ginto ng bulsa nila, naging mga asong gala bigla. Hahaha, mga tao talaga. Bukod sa walang pakundangan, grinabehan talaga ang kakapalan ng mukha.






Acrimonious Heart: The Last Bullet 🔞Where stories live. Discover now