Enchantment 1.1

5.7K 159 31
                                    

Enchantment 1 – The Six: Part 1



VALERIE ISLA—


Magkakasama kaming naglalakad ng mga kapatid ko patungong school. Sampung minuto papunta roon at dahil sa hindi naman kami mayaman ay naglalakad nalang kami. Sa katotohanan, maswerte nga kami ngayon dahil lahat kami ay nakakapasok pa sa eskwela.


Di bale, isang taon nalang ang igugugol at dalawa na kaming makakatapos ng high school. Magt-trabaho na agad para makatulong sa pag-papaaral ng natira kong mga kapatid.


Ako ang tumayong panganay sa amin. Ang kwento nila mama at papa sa amin ay pito kami kaso namatay na daw siya. Pero kahit na wala na siya, kasama pa rin siya sa bilang. Siya ang first-born at ako ang second.


"Val!" Tawag sa akin ng kapatid ko. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.


"Bakit Aaliyah?" tanong ko sa third-born ng pamilya. Siya si Aaliyah Jade, kilala bilang Aaliyah, ang pinaka-matapang sa aming anim. Palaban pero alam naman niya ang mga limitasyon niya pati na rin kung kalian siya lalaban.


"Teka, masama nanaman ang pakiramdam ni Shannon."


"Ha?" Kumunot ang noo ko at agad na pumunta sa kanila at nilapitan si Shannon. Hinawakan ko ang noo niya at naramdamang nilalagnat na naman siya.


"Okay lang ako." Sabi niya. Si Shannon, siya ang pinaka-masakitin sa aming lahat. Ang fourth-born.


"Shannon." Wika ni Mio. "Pang-ilang beses na 'yang lagnat mo na pabalik-balik a." Siya si Mionette, kilala sa amin bilang Mio. Siya ang pinaka-maaalalahanin sa aming lahat at parang nanay na rin, bukod sa Mama Shayna namin. Ang fifth-born.


"Okay lang ako." Sabi ni Shannon. "Parang hindi na kayo nasanay sa akin." Ngumiti siya ng matipid.


"Sigurado ka ba?" tanong ni Jaira. Siya si Jaira Elisse, ang sixth-born. Tumango si Shannon.


Narinig namin ang malakas na pagtunog ng bell ng school namin. Hudyat ito na magsisimula na ang unang araw ng taon. Natunog ang bell na iyon 30 minutes bago ang unang klase. Para ba itong warning bell para sa mga nagbabadya ng ma-late.


"Tara na!" Pagpapaalala ni Preya.


Nabigyan kami ng pagkakataon na makapag-aral sa isang eskwela na may kilalang pangalan. Hindi lang kasi ang mga pasilidad nila ang maganda bagkus pati ang edukasyon na binibigay nila sa aming mga estudyante. Kaya nga lang medyo mahirap ang pag-aaral.


"Mas mabuti nga." Sabi ko. Tinulungan ko na si Aaliyah na alalayan ang kapatid namin na si Shannon.


Mabilis kaming naglakad kahit na sumasakit na ang mga paa namin dahil sa mga pinaglumaang sapatos. Pasasalamat nalang namin at nakarating agad kami sa gate ng paaralan sa loob lamang ng limang minuto.

Seven Daughters: Athanatos Academy [Under Rennovation]Where stories live. Discover now