"Sa hapon pa naman ba? Four pa yata uwian eh, sige ba," napatingin ako sa likod at lihim kong nakagat ang ibabang labi ko sa pagkindat nito. Ang pogi niyaaaa. Bahahaha.

"Daanan kita, gusto mo?"

Talaga? May ganun? Wag ganyan Aidan!

"Naku wag na, sige na, maya na lang. Ingat ka," paalam ko dito. Ginulo muna nito ang buhok ko bago ngiting-ngiting umalis.

Sinundan ko na lang siya ng tingin at pinagpatuloy ang paglalakad ng pangiti-ngiti. Hehehehehe.

Halos malapit na ako sa classroom ng marinig kong may nagbubulungan sa likod ko. Lumingon ako at nakita kong nakatingin ang mga estudyante sakin. May tinitignan sila sa likod ko? Tinignan ko sila ng masama at pinagpatuloy ang paglalakad. Epaloids. Medyo na-conscious na din tuloy ako. Mamaya na lang sa classroom.

May nakita akong batang babae sa labas na animo'y nagmumuni-muni. Pa-ihip ihip pa ng bangs. Malamang galing ng ibang school to. Hindi pamilyar ang mukha eh.

"Psst! Tignan mo nga kung ano tinitignan nila sa likod ko. Pinagtitinginan ako kanina eh. Tatalikod ako ha?" sabi ko dito.

"H-ha? Ah.. eh.." Alanganin itong tumango. Tss. Mahiyain pa yata. Inulit ko yung sinabi ko at tumalikod na.

"Eh, ano. Y-you h-ave... y-you have a s-stain," sabi nito.

"A what?! Nag-elementary ka ba? I can't understand you moron!" Hindi ko napigilang tumaas ang boses. Nakakairita kasi magsalita eh, ang hinhin. Badtrip pa naman ako sa mga ganun kasi naalala ko si Keira.

Bumulong ito. Hindi ko marinig. Pipi din ba to?

"Are you mute? Bilis! I don't have all day girl," hindi ko alam ba't ambilis kong ma-pissed off ngayon. Pft!

Tinignan niya ako ng masama. "Don't call me girl."

Halata namang nagtatapang-tapangan. Hahaha. Pinaikutan ko to ng mga mata.

"Ano na? Look closer. Anong meron?"

"Eeew, ayoko nga. M-Meron k-ka kaya."

Kinabahan ako. Ito na kaya yun? Naku wag naman sana. Nung isang araw lang namin pinag-uusapan nila Tita to eh.

"Anong meron?" tanong ko.

"M-meron. As in dalaw."

"Dalaw? Visit? Where?" luminga-linga pa ako. Nakita ko ang pag-ikot ng mata ng batang babae. Nainis tuloy ako.

"Hoy kanina pa yang mata mo ah. Tutusukin ko yan. ANO NA NGA?!"

Napaatras ito sa boses ko kaya pasigaw ding sumagot sa gulat.

"MAY TAGOS KA! S-sorry for shouting. K-kasi naman eh!"

Miss AstigWhere stories live. Discover now