Preggy 101.25

8.1K 118 1
                                    

Zara's P.O.V

Kakauwi lang namin, Gusto ni Tristan dun na kami sa bagong bahay tumira, pero di muna ko pumayag, siguro bukas nalang kami lilipat or pagkatapos ng kasal.

Buhat ko si Thalia, dahil nakatulog na, dinala ko naman sya sa kwarto nya.

Paakyat na ko ng may narinig ako.

"Oo naintindihan ko,I'll promise, Yes Sir, just give me time, let me be with my family.. Yes.. I know." Narinig ko si Tristan na parang may kausap sa phone, Sino yon? Sir? Wala akong idea.

"Z-zara?" gulat na sabi ni Tristan

"Sino..yung kausap mo?" mahinahong tanong ko.

"Ahh, isang kliyente, wag mo na intindihin, tara matulog na tayo." Pag aya nya sakin.

Nang nakapasok kami sa kwarto..

"Tristan?" tawag ko

"Oh?"

"Bat di mo ko binigyan ng singsing?"

"Ah, nakalimutan ko.. Sa mismong kasal nalang." sabi nya. Ano? Sa kasal nalang? Teka? May mali e. Di naman sya ganto kanina e.!

"Tristan? Whats wrong with you? Alam mo bang ang gusto lang ng babae ay bigyan sya ng sing sing? Tas nakalimutan mo?! Anong problema mo!"

"Okay..Im sorry, bibili nalang ako buka--"

"No! Wag ka ng mag abala. Kalimutan mo na yung sinabi ko." sabi ko sabay nahiga at natulog na.

--
Author's P.O.V

Matapos ang pag aaway nila Zara at Tristan, ay napagisipan ni Tristan bumaba at uminom dahil sa pinagdadaanan nya.

Kinuha nya sa bulsa nya ang isang maliit na kahon, binuksan nya at isang napakagandang singsing na puno ng dyamante ang laman. Iyon dapat ang ibibigay nya kay Zara, kung di lang sya nakatanggap ng isang hindi magandang balita.

Nakatingin lang sya sa singsing.

"Damn! Di kita maipaglaban." Bulong nya nalang.
Uminom sya hanggang sa malasing sya
Gusto nyang makalimot, makalimutan ang mga bagay na hindi dapat alalahanin at bagay kung saan dapat ay hiwalayan nya ang tanging gusto nya.

---

(Kinabukasan)

"Zara!!!" Sigaw ni Maddisson sabay yakap kay Zara.

"Maddi? Napansin mo ba ang kuya mo?"

"Hindi e? Why? Nawawala sya? Atsaka bat ba hinahanap mo yon? Ako kaya nandito! Tara shopping?! "

"Wala ako sa mood." sabi lang ni Zara dahil sa totoo lang ay wala syang alam sa nangyayare.

"Okay sige. aalis na ko. Kamusta mo ko kay Thalia.!" sabi ni Maddi sabay alis.

May nagpuntang organizer sa bahay nila pero wala si Tristan para tumulong sa pag arrange ng kasal nila.

Naisip nya nalang 'Gusto pa ba nyang magpakasal?'

---

2 Weeks passed..

Laging wala si Tristan sa bahay at tila umiiwas kay Zara, Nalungkot at nagtaka si Zara sa ikinikilos ni Tristan.

Naglalakad sya ngayon pauwi dahil nasiraan sya. Nagpasundo sya kay Tristan pero busy daw sya.

*Boogsh*
Nalaglag ang mga dala nya. Yumuko sya para kuhanin.

"Tulungan na kita." boses ng lalaki. Tinulungan sya at Nag angat sya ng tingin.

"A-ah. Hi! Im Justin and...You are?" sabi nya sabay abot ng kamay.

"Ah. Im Zara, Zara Britt Del-- Reyes." Naalala ni Zarang hindi pala sila Kasal ni Tristan.

"Hmm. Nice name."

"Ah sige mauna na ko." paalam nya pero hinila sya pabalik ng lalaki

"Ahhm Miss, Heres my Contact number, call me if you need a friend." nakangiting sabi nya.

Sa hindi kalayuan, ay gusto nang pumatay ng tao ni Tristan dahil sa mga nasaksihan nya. Wala syang magawa, Sa buong buhay nya, ngayon lang may nakatakot sakanya.

Malungkot na umuwi si Zara sa bahay nila, hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin sya, dahil sa pag iwas ni Tristan at pagiging Cold nito.

Ng makauwi sya nakita nyang naglalaro ang anak nya sa sala, kaya dumiretso sya sa kwarto, may kasama naman ang bata kaya parang nawalan sya ng gana,

Hindi na nya natututukan ang anak nya nitong mga nakaraan, apektado sya sa ginagawa ni Tristan.

Bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad ay tumayo sya para salubungin si Tristan

"Trist--"

"Im tired." sabi ni Tristan sabay hila sa necktie nya at diretso sa banyo.

Bumalik sya sa pagkakahiga, Tuluyan ngang lumalayo ang loob ng lalaki sa kanya, at wala man lang syang maisip na dahilan kung ano ba ang nangyayare.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Tristan at dumiretso lang sa paghiga at patalikod sa kanya.

Kusang tumulo ang luha nya. Wala syang maisip na dahilan para gawin ni Tristan yon.

"Tristan?" tawag nya, pero hindi na sumagot si Tristan, Ang akal nya ay tulog na ito.

"Bat ka ba nagkakaganyan? May nagawa ba ko?.... Ayaw mo na ba sakin? Galit ka ba o ano? ..... Sana naman sabihin mo... Kasi *Sniff* T-tristan nasasaktan nako sa inaakto mo ..." Pabulong na umiiyak ai Zara.

"Kung ayaw mo na? Bawiin mo nalang kasi habang tumatagal? *sniff* N-nasasaktan nako.. Okay lang naman kung di mo ko binigyan ng sing sing.. Okay lang..Tanggap kon--*sniff* N-nakalimutan mo.... Sana nga T-tristan nakalimutan mo lang...." sabi nya sabay yumakap sa nakatalikod na Tristan, sa kabilang banda naman ay gusto nang yakapin at halikan ni Tristan si Zara ngunit hindi nya magawa.

--

Tristan's P.O.V

Fuckingshit! I want to hug her tight, Kiss her damn lips. Fuck! That Fucking Stacey and her Father.

Damn! Pinagbantaan ako ng tatay nya na kung di ko pakakasalan ang anak nya ay pababagsakin nya ang Kompanya ko at kompanya nila Zara. Damn! Ayokong madamay si Zara. Lalo na ang pamilya nya.

Sinabihan pa nila ko na maraming nag oobserba sakin! Damn! At ako? Nagiging cold na kay Zara para naman mapalayo na sya sakin, alam ko kasing masasaktan sya.

Tangina! Para san ang yaman ko kung di ko maipagtatanggol ang mahal ko ? Ngayong may anak na ko? Damn! Kakausapin ko Ang tatay ni Stacey dahil hibang na sya. Tangna!

Nasa office ako ngayon ni Mr. Andrew ang tatay ni Stacey.

"Napadalaw ka hijo?" agad na bungad ng matanda. Sila ang pinakamalaking investor ko pero kaya ko naman sila pakawalan kaso lang amg pabagsakin ang kompanya nila Zara? No way!

"Mr.Andrew, gusto ko lang pong ipaalam na ikakasal na ko at may ana---"

"Alam ko." Kingina! Alam pala nya e. Gago ata to!

"So alam nyo na? Bakit ipinipilit nyo pang pakasalan ko ang anak nyo!?"

"Dahil yun ang gusto nya!"

"Thats Bullshit! Mr.Andrew!"

"Get out of my office! I want you to marry my daughter or else!"

Lumabas na ko. Para namang may laban ako!

Kingina! Gusto kong sapakin ang puta! Shit!

_____________________________________

Her  FatherWhere stories live. Discover now