Chapter 21

1.6K 34 0
                                    

"Lie!"

"Lie!"masayang tawag ko kay Liesha at mabilis na tumakbo upang makalapit sa kaniya. Kararating lang din nila dito sa Philippines ngumiti siya sa akin at binaba ang hawak-hawak niyang drawing book at masayang yumakap ng mahigpit.

"Kumusta?" tanong niya sa akin at pina upo ako sa tabi niya bago kinuha ang drawing book niya at nagsimulang gumuhit.

"Ito na miss na kita, "masayang sagot ko kaya tumawa siya.

"Ang kuya ang miss mo eh, "simangot niyang wika  sa akin at kinurot ang magkabilangan pisngi ko.

"Aray naman, "tawang sabi ko at hinimas-mas ang magkabilang pisngi ko.

"Eh! asan ba kasi si Mc Llishan?" tanong ko dahil hindi naman siya mahagilap ng mata ko.

"Wala nasa Siargao, "sagot naman niya kaya malungkot akong tumango.

"Kailan pala siya uuwe?"

"Hindi ko alam Psalm, hindi naman nagpaalam sa akin. Kay daddy ka magtanong."utos niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Mamaya na lang Lie. Ano pala ang ginuguhit mo?" tanong ko at tumingin sa ginawa niya.

"Bahay lang naman, "maikling sagot niya.

"Gusto mo tulungan kita?" tanong ko.

"Pwede ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman, " sagot ko kaya binigay niya sa akin ang drawing book niya kaya ako naman mabilis na gumuhit.

Ang kapatid ni Mommy ang artist. Magaling magdrawing at magpainting. Basta tungkol sa mundo ng ART magaling ang auntie ko pero hindi ko siya na abotan. Pasalamat nga ako natutunan ko rin dahil focus ang mommy sa akin noong bata pa ako instruments, voice lesson, and arts. Naglaan ako ng oras para mapaganda ang drawing ni Liesha, dahil hindi siya masiyado sa mundo ng art though marunong siya.

"Wow,"Mangha niyang wika at na pa talon pa nong binigay ko ang drawing book niya.

"Ang galing mo talaga, Psalm. TALENTED!" Sabi niya pa.

"Sa genes na namin yan," sagot ko rin.

"Salamat Psalm!" pa salamat niya sa akin at nakikita ko ang malawak niyang ngiti.

"Walang anuman basta sa kakambal ng minamahal ko!" Sabi ko rin at tumayo.

"Sige, Lie. Alis na ako balik na lang ako bukas baka uuwe na si Llishan, "pa alam ko at iniwan na siya doon sa may garden. Nakasalubong ko si Uncle Mc kaya lumapit ako.

"Hello, uncle? " magalang na bati ko at yumuko pa.

"Kumusta po kayo?" tanong ko at binigyan pa siya ng halik sa pisngi bago niya ako binuhat at pina upo sa kandungan niya.

"Okey lang naman Psalm. Kayo kumusta?" tanong niya rin sa akin.

"Okey lang naman po uncle, saan po si Llishan?"  magalang na tanong ko habang nilalaro ang wedding ring nila ni auntie Faith.

"Hay naku! ang batang yun. Dinalaw ang mapapangasawa niya raw sa Siargao," sagot niya sa akin kaya na tahimik ako.

"Ganon po ba uncle," malungkot na sabi ko at bumaba na sa kandungan niya

"Kaylan raw po uuwe?" tanong ko ulit.

"Kapag bumalik na ulit kami sa America, "sagot naman ni uncle kaya malungkot akong tumango ulit.

A Painful Mistake (BOOK 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora