Chapter 30

2.1K 49 1
                                    

PAGKATAPOS ng vacation namin sa Disneyland isang masamang balita ang nagpauwe sa amin dito sa bansa. Bumalik na kami rito sa Pilipinas dahil sa nagpaalam na sa mundo ang aking kaibigan na si AJ.

"Mommy?" malambing na tawag sa akin ni Angelo. Lumingon ako sa kaniya at pilit ang mga ngiti upang hindi siya maging malungkot. Masakit sa part ko na pumanaw na siya pero kailangan kong tanggapin dahil hanggang dito na lang talaga ang buhay niya.

"Angel na ba ang papa?" inosenteng tanong niya sa akin at lumuhod pa. Inalis niya ang mga dahon na naglaglagan sa puntod ni AJ at tumingin sa akin.

"Binabantayan pa ba tayo ulit katulad ng ginagawa niya dati sa amin?" inosenteng tanong niya ulit kaya tumango ako dahil malaking part sa buhay ko si Aarron Jacob and his promised remain too.

"Pwede akong maging papa kapag gusto mo?" rinig kung boses ni Mc Llishan kaya na pa tingin ako sa likod ko.

Hindi ko alam  kong anong ang mararamdaman ko because his here too. Nagtama ang mga mata namin tapos ngumiti siya sakin kaya nag-iwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Apat na taon? Apat na taon ko siyang sinubukan kontakin para sa kahilingan ng mga bata na makita siya pero walang nangyari dahil hindi siya nagparamdam sa akin.

"Sino ka po?" tanong ni Angelo.Na gulat pa ako dahil ganon ang tinanong niya. Buti na lang talaga si Angelo ang andito kung si Angel pa iwan ko na lang dahil excited iyon makita ang daddy niya.

"Kapatid ako ng papa mo," Ngiting sagot niya at umupo rin ito sa tabi ni Angelo nakita kong hinaplos ni Mc Llishan ang pangalan na naka ukit sa lapida ni AJ.

"E bakit ngayon lang po kita nakita?" inosenteng tanong pa niya at tumayo sa pagkaka upo galing sa damuhan upang magpantay sila ni Llishan.

"Malaki kasi ang kasalanan ko sa papa niyo kaya doon sa ibang bansa ako nagbayad ng kasalanan, "Sagot niya at tumingin sa akin kaya na pa lunok ako.

"Ganon po ba."

"Sayang hindi mo na nakita ang papa ko, malungkot na wika niya at pasimpleng umupo na sa kandungan ng daddy niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa pasimpleng ginagawa ni Angelo na ngayon naka upo na sa lap ng daddy niya.

"Si papa AJ ay inaalagahan kami. Ikaw po aalalagan rin po kami?" tanong niya pa. Umiling na lang ako sa dalawa dahil na tanong ng tanong ni Angelo parang nakalimotan na rin ako na kasama niya.

"Kung gusto ng mama mo na alagaan ko kayo," Sagot niya naman at tumingin sa akin.

"Wala naman po akong mama," magalang na sagot ni Angelo sa kaniya.

"Mommy ko po si mommy at hindi ko po siya mama, "katwiran niya at tinuro pa. ako parang true rin itong si Angelo, para siyang iwan.

Actually alam nila na daddy nila si Mc Llishan dahil never kong pinagkait ang identity ng daddy nila kasi pangarap nila ang daddy nila. Unang-una karapatan nilang malaman iyon bilang isang anak, pangalawa hindi sila involve sa issue namin ni Mc Llishan noon. Sila lang iyong blessings na dumating sa buhay ko sa buhay namin kaya hindi nila pwedeng maranasan ang masaktan na napagdaanan ko dahil lang sa failed ang Marriage namin ng daddy nila.

"Hi," sabi niya sa akin. Kanina pa siya andito ngayon lang siya mag hi? Anyways ngumiti lang rin ako sa kaniya dahil naka tingin si Angelo na may pakindat pa siyang nalalaman kaya pinanglakihan ko siya ng mata pero bumungis-ngis lang rin.

Ang apat na taon at parang casual na lang rin ngayon dahil wala na akong balita sa kanya simula noon. Hindi ko nga alam kung mayron na siyang may bahay na bago dahil matagal naman na kaming divorced. Huminga ako ng malalim at tumayo na ayaw ko magtagal dahil baka mamaya hanapin ako sa hospital.

A Painful Mistake (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon