Prologue

34 0 0
                                    

"Mary Leilani, ako ang tita Aura mo at ito namang kasama ko ay ang anak kong si Juju. Kami na ang makakasama mo dito sa mansion kasi nga wala na ang mga magulang mo"  napatingin naman ako sa isang babae na may malaking ngiti na nakatayo sa aking harapan. Makapal ang kolorete sa kaniyang mukha at magarbo ang damit----wait, familiar sa akin ang suot niya.

"That's my mom's dress, right?" I asked. Nawala naman ang malawak niyang ngiti. Hindi naman nakawala sa mata ko ang pagkuyom niya ng kamao. Galit din ba siya sa akin?

"Ayh oo iha. Sa katunayan ay nasa akin na ang mga gamit ng mommy mo. Sa ayaw at sa gusto mo" saad niya na may kasamang pilit na ngiti. Sasagot pa sana ako ng mag sign siya na dapat akong tumahimik.

"Sumunod ka lang sa mga payo ko at magiging maayos ang pagsasama natin bilang bagong pamilya. Remember, kami lang ang naglakas loob na kupkopin ka. Lahat ng relatives mo ay umayaw sayo. So ako lang ang dapat mong pakinggan, okay?" Kahit nalilito at kinakabahan ay tumango ako sa isang kasunduan na hindi ko inaakala na magdadala sa akin ng kapahamakan.

At doon na nga nagsimula ang impyernong buhay ko...




"Miss, ano ang gusto mong bilhin? Kanina ka pa nakatulala sa harap ng tindahan ko" nabalik naman ako sa reyalidad sa pagsita sa akin ng isang may katandaan ng babae. May pag-aalala sa kaniyang mukha pero hindi ko na yun pinansin pa.

Hindi na ako umimik pa at dinampot na ang paninda niyang isang bilao ng sari-saring gulay bago binigay ang isang sapot ng ginto. Makatapos na dun ay tumalikod na ako para umuwi.

Wala na naman akong ibang sadya maliban nalang sa pagmanman sa paligid kaya uuwi na ako. May uulamin naman na ako.

"Subra ang bayad mo Miss! Pero salamat!" Rinig ko pang sigaw ng matanda na binilhan ko ng gulay. Hindi na ako lumingon pa pabalik at nagpatuloy na sa paglalakad.

Maraming napapalingon sakin kesyo daw ang weird ko kasi nakasuot ako ng balabal na nakakatakip ng mukha ko. Tanging mata ko lang ang makikita pag tumunghay ako kasi nakayuko lang ako naglalakad.

Malakas ang paggalaw at reaksyon ng katawan ko kaya nakakaiwas ako kaagad sa makakabang ko sana. May iba pang mudo ng tapunan sana ako ng kung ano-ano pero hindi natutuloy sa pag iwas ko.

Andito ako ngayon sa isang pamilihan, pumapangalawa to sa pinakamalaking pamilihan sa kaharian na ito kaya marami-rami ding tao. Makikita mo din ang iba't ibang uri ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang kasuotan at galaw.

Sana all mayaman diba, paano naman ang iba na dugo't pawis ang puhunan para lang makakain? Hayst, hindi talaga mawawala ang problemang iyan. Mabuti nalang talaga at may mga tao pa ding nangangalaga sa mga taong walang kayamanan, at yung ang nangangalaga sa kaharian.

Ang mga taong maharlika.

Hindi man gaano kasigla ng paligid ay napapamahala naman to ng maayos ng hari't reyna. Ang dating kinakamuhian na kaharian sa lupain ng WINTEROUS, na ngayon ay pinakamasayang kaharian. Ang Dark Kingdom.

"Tulungan niyo ang prinsipe!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang malakas na sigaw ng isang babae at napalingon sa gitna ng mga taong nagkukumpulan. Papasok na sana ako gubat kung saan ang aking tahanan.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko at tumakbo sa kinakaroonan ng kaguluhan. Nakipagsiksikan ako sa maraming tao at hindi inalintana ang mga bulyaw nila sa akin.

"Diyos ko po ang batang prinsipe naaksidente! Buhatin niyo!" Sigaw pa ng isa pang babae pero hindi ko na yun pinansin pa at agad na lumuhod sa harap ng isang batang lalaki na naka higa at walang malay.

Base sa nakikita ko ay bumangga ang sinasakyan niya na kalesa sa isang coffee shop at sa lakas ng impact na iyun ay nabagok ang ulo ng bata kaya nawalan siya ng malay. Stupid guards.

"Hoi saan mo dadalhin ang prinsipe!" Hindi ko na nilingon pa ang babae na sumisigaw kanina at dali-daling dinala sa malayo sa mga tao ang bata habang buhat-buhat.

Sa isang pikit ko lang ay naramdaman ko nalang ang malamig na hangin at pagtigil nito. Pag dilat ko ng mata ay nakita kong andito na kami sa isang malaking puno ng mangga.

Agad kong pinahiga sa damo ang bata at pinaunan sa kanya ang aking balabal na suot. Baka naman kasi sumakit pa ang ulo nito at sapakin ako. Mahirap na, ako na naman ang masama.

Kinuha ko ang nakatago sa aking boots na maliit na kutsilyo at agad hinanda ang sarili. Napatitig naman ako sa maamong mukha ng bata. Matangos ang ilong, mapupulang labi at pisnge. Lalaki ba talaga ito? Mukhang babae eh. Kulay abong buhok na nababagay sa maputi niyang balat. Sigurado ako na paglaki nito ay gwapo to, pwede na.

Tinaas ko na ang aking dalawang kamay kasama na ang may hawak na kutsilyo. Don't get me wrong,  hindi ko siya sasaksakin. Hindi ko kayang pumatay ng bata ano kaya kalma lang.

Walang pagdadalawang isip kong sinugatan ang aking isang kamay hanggang sa makita ang mapula kong dugo. Napakagat naman ako sa aking labi, amoy na amoy ko ang aking dugo at nagbibigay sakin yun ng lakas.

Bago pa ako makagawa ng hindi maganda ay agad ko ng pinatakan ng dugo ang bibig ng bata. Ilang segundo palang ay nawala na ang sugat ko, it's one of my ability at sa susunod ko na sasabihin kung anong klaseng nilalang ako.

Naramdaman ko naman ang paggalaw ng bata at parang ilang saglit nalang ay gigising na siya. Tama kayo, nakakagamot ang dugo ko pero hindi sa lahat ng panahon. Kasi maaari din itong makapatay kung gugustuhin ko.

At hindi nga ako nagkakamali kasi dumilat na ang kanyang mga mata at nagkatitigan kami. Ang ganda ng mata niyang may halong kulay abo.

Magsasalita pa sana siya ng kinumpas ko na ang aking mga daliri na agad niyang ikinawala. Wala na siya sa harap ko, tanging ang bakas na niya nalang ang andoon at pati ang balabal ko ay nawala.

Pina teleport ko siya sa lugar kung saan ko siya nakita, kung saan siya nadisgrasya. Tumayo na ako at inayos ang shoulder bag kong may laman ng bilao ng gulay. Tutuloy na ako sa pag uwi ko.

"Sa susunod nating pagkikita, Mahal kong Prinsipe"

📍📍📍

This story is a work of fiction.

Names, characters, places, and events are made by yours truly.
Any resemblance to real persons, living or deads, and actual events is purely coincidence.

All rights reserved.
Plagiarism is a crime.

Please support and vote my story.
Love lotsssss❤️

📍📍📍


Before you read this story, basahin mo muna ang Book 1 & 2 para hindi ka masyado malito. Check my works,
Book 1: WINTEROUS KINGDOM : The Long Lost Powerful Goddess
Book 2: WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love

Side story of Dark Mages, makatapos ang kaguluhan sa buong kaharian ng WINTEROUS KINGDOM ay naging kaisa na ulit ng light mages ang dark mages. Again, WINTEROUS KINGDOM ay ang mundo ng mga taong may mahika na may maraming kaharian at isa na dun ang Dark Kingdom. This story is all about Dark Mages.

'New Generation' of Mages in WINTEROUS KINGDOM after decades.

( Pero it's your choice din naman lalo na at hindi pa EDITED ang mga yun🤭 masyadong excited kasi lola niyo at hindi makapaghintay gumawa na naman ng side story ang mababait na nating Dark Mages. Why not diba? Ipagalalaban ko din sila noh hahaha btw basta na sa inyo na yun kung tatapusin niyo pa ang two books na nauna nito or gusto niyo pang mas lalong magulo at dederitso na kayo dito hahaha. God bless mwuah 😚)

___

Leilani thought she was just lost to an unknown world that is actually existed. Kahit naguguluhan ay pilit niyang maging kalmado ang sarili sa kanyang madidiskubre na katotohanan.

"Am I really belong here?"





🤭💓

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost Mortal : Dark KingdomWhere stories live. Discover now