Pagkaabot ko ng bayad ay inalalayan ko ulit si Nadia na lumabas ng taxi. Para na siyang naparalisa dahil halos hindi na niya magawang kumilos para maglakad dahil nakatulala na siya. Kailangan lang kaladkarin para kumilos.





Habang hawak si Nadia sa braso ay lumapit ako sa nurses station.




"Good morning, miss," bati ko rito.




"Good morning, ma'am,"




"Nasaan ang kwarto ni Selene Camacho Vergara?"




"Nasa ICU po. Diretsuhin niyo lang po yang hallway na yan tapos kaliwa po kayo, nandoon na po," ani ng babaeng nurse na tinanguan at pinasalamatan ko na lang.




Muli kong hinila si Nadia at tahimik naman na nagpapatianod. Pagkatapos lakarin ang napakahabang hallway ay kumaliwa ako tulad ng sabi nung nurse at mula roon ay natanaw kk ang pamilyar na pigura ng pamilya ni Selene.





Nasa labas ang mga ito ng ICU at nakaupo sa mga upuan na magkakarugtong. Maglalakad na sana siya ako papalapit nang maramdaman ang pagtigil ni Nadia. Nilingon ko siya.




"Bakit?"





Nag angat siya ng tingin at umiling. "H-hindi ko ata kaya, ate Niña.





Binitawan ko ang braso niya at pumihit paharap sa kanya. "Anong hindi mo kaya? Nadia, nandito na tayo,"





Umiling ulit siya. Ang mga mata ay nagsisimula na namang mamasa. "H-hindi ko talaga k-kaya. Ate,"




"Nads, kailangan tayo ni Selene."





"Pero nandyan naman sina Tita Janice at Tito Hernando,"





"Makikibalita at mangangamusta lang tayo. Ito 'yong mga pagkakataon na kailangan tayo ni Selene,"





Hindi kaagad siya sumagot at lumingon pa sa likuran ko. "Pero hindi ko talaga kaya. Ganitong ganito 'yong nangyari noon. Ang kaibahan lang, ako nagkasakit, si Selene nadisgrasya,"




"At pareho kayong umabot sa bingit ng kamatayan," dugtong ko sa sinabi niya. Napahinga ako ng malalim at hinawakan sa kamay si Nadia. "Wala ako rito at hindi pa kita kilala noong nangyari ang ganitong tagpo sa inyong dalawa. Pero alam ko at nakakasiguro ako na nahirapan at nasaktan din siya noong malamang nakikipaglaban ka sa sakit mo. Sigurado rin ako na hindi niya kayang makita ka sa ganoong kalagayan pero lumaban pa rin siya para sayo."





"Pero iniwan niya rin ako sa huli."





"Kaya iiwan mo rin siya?" Bwelta ko. Natahimik si Nadia at napatungo ng ulo. "Nadia, kaibigan mo si Selene. Kaibigan natin. Para na nga siyang nakababata kong kapatid e. Kailangan niya tayo. Iniwan ka niya noon, oo, pero hindi ibig sabihin niyon iiwan mo na rin siya. Bago ka niya iniwan, lumaban siya at nanatili sa tabi mo, hindi ba?"





Hindi siya nakapagsalita at mas intinungo pa ang ulo. Bumuntong hininga ako.





"Tara na."






Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinalikuran na. Si Tito Hernando ang unang nakakita sa akin bago si Tita Janice.






"Tito, Tita," aniko.






"Niña, hija." Ani Tita Janice.




"Kumusta po si Selene? Ano pong sabi ng doktor?"





Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now