"Talaga ba?" Medyo tumaas ang boses ko dahil sa sinabi niya. Pareho lamang kami ng kinuhang kurso kaya naman ay may tiyansang maging mag-kaklase kami, hindi man lahat ng subject pero siguro naman kahit isa ay may mag-kapareho.

"Yep, I've decided na dito na mag aral, since nandito ka at malapit din iyong school mo ang condo ko" Na ka ngiti nitong wika saakin. Ang sweet din talaga ng boses niya kagaya ng kay ate. Pareho ring conyo.

Nagl-lakad na kami ng mag-kasabay papunta sa room at hawak din niya ang aking kamay habang nag lalakad kami, dahil nalaman ko na mag kaklase kami, nalaman din namin na mag kaklase kami sa lahat ng subject nung tinanong ko kung ano ang schedule na. Tama ako.

Tinawagan ko narin yung kambal kanina kung nasa'n sila at sinabi nilang nasa room na sila. Buti naman at hindi sila late kagaya ng nakasanayan.

Nasa tapat na kami nang pintuaan ng room, nakasarado na ito na siya namang pinagtaka ko.

"Are we late na ba, baby Vicky?"

"Wait, tingnan kolang kung anong oras na"

Tininan ko ang oras sa telepono ko para tingnan kung late na kami pero ten minutes pa pala bago magsimula ang klase namin kay sir Africa.

"Hindi, pa naman" Pag-katapos ko yun sabihin ay binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko ng makita na hindi si Sir Africa yung na saloob kundi ay si Miss Talia.

Bakit siya yung nasa loob?

Nakatingin lamang siya sa 'min ng diretso, bumaba ang kanyang paningin sa kamay namin ni Sylvia na mag kahawak parin pala hangang ngayon, napansin ko na tumalim ang kanyang tingin sa kamay namain na mag kahawak kaya naman aya agad kong binitawan ang kamay ni Sylvia kaya napatingin si Sylvia sa 'kin na nag-tataka.

"G-good morning po Miss---ma'am Guevara" Agad kong bawi nang mapag tanto na hindi lamang kami ang nasa loob ng classroom. Baka kasi magalit pag-tinawag kong miss eh may kasama pa naman kami.

Napansin ko na lalong sumama ang timpla ni ma'am nung marinig ako. Bumati rin si Sylvia kay miss pero hindi siya nito pinansin at hindi narin nag-bago nag-bago ang tingin ni miss.

"You. Introduce yourself" Tawag pansin niya kay Sylvia.

"Hello everyone, My name is Sylvia Ybañez from the family of Ybañez and Zhan I am 20 years old and I look forward to be part of this class" Magiliw na pagp-pakilala ni Sylvia sa harapan ng klase. Galing siya sa mayaman na pamilya ng mga Ybañez at Zhan. Meron silang ibat-ibang negosyo na pinatatakabo at tinatangkilik naman ng mga mamamayan ang kanilang mga produkto.

Nag-lakad na kami papunta sa upuan ko, sa tabi ko na lang pinaupo si Sylvia at pumayag naman Si Cris na siyang lagi kong katabi. Nag batian sila Sylvia at yung kambal, alam rin pala nila na umuwi na si Sylvia dito sa pilipinas. Mag-kakilala na kaming tatlo simula bata pa lamang dahil magk-kaibigan yung mga magulang namin noon pa. Sinarado na ni miss ang pinto at pumunta sa lamesa sa unahan. Bakit ba sinarado ka'gad kanina eh hindi pa naman time?

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell, nag papahiwatig na mag sisimula na ang unang klase.

"Your Professor Africa asked me to be the substitute teacher for this class" Malamig niyang saad. Grabe, hindi man lang sinabi kung ano ang rason. Hindi man lang din nag-goodmorning.

Tinanong ni Miss kung saan nag tapos si sir at ipinag-patuloy ang pagd-discuss. Pero bakit parang wala siya sa mood? Alam kong lagi siyang nakasimangot pero iba ngayon parang bawat salita niya ay may halong sama ng loob.

Kahit nakasimangot siya maganda parin.

Magaling si miss mag-turo, lahat ng estudyante ay nakikinig sa kanya. At talagang mai-intindihan mo yung lesson pag-siya na ang nag-turo
Isang salita niya lang ay kaya ka niyang pasunurin, kahit yung nga kaklase kong hindi nakikinig sa mga prof at natutulog lang sa klase ay himalang nak-kinig 'pag si Miss Talia yung nagt-turo.

Serendipity Where stories live. Discover now