"Hmm, ka-kain na lang ulit ako para naman ay may kasabay ka po" Nakita ko naman ang pag-liwanag ng muka ni ate matapos kong sabihin 'yon.

Kumain na kami at nag-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin nitong mga nag daang araw, sinabi sa akin ni ate na talagang naging busy siya kaya hindi ako na dalaw, may akidente raw kasing nanyari at marami ang nasuganatan kaya naman halos wala silang pahinga nitong lingong ito. Buti na lang at may oras siya ngayon na mag-pahinga.

Ngayon ay nasa banyo si ate sa labas ng kuwarto ko naliligo habang ako naman ay nakaupo sa aking kama. Hihiga na sana ako nang may mahagip ang aking mga mata, ilang piraso ng white tulip croshet na nakalagay sa vase sa study table ko. Tumayo ako at hinawakan ang mga iyon na nag-hatid sa 'kin ng k-kaibang pakiramdam. Habang hawak ko ito ay muli kong nadarama ang pakiramdam na aking kinalimutan noon paman, ang pakiramdam na siya lamang ang kayang ipadama sa 'kin, biglang pumasok sa aking isip ang mga mata nang taong nag-bigay nitong ng bulalalak na ito sa akin. Ang taong hindi ko kailanman mak-kalimutan.

Nasaan kaya siya ngayon? Ayos lang ba siya? Nakakain kaya siya ng maayos? Madalas parin ba siyang inaatake ng sakit niya? Ang daming tanong na nag-lalaro sa aking isipan at i-isang tao lamang ang dahilan. Ang taong matagal ko nang kinalimutan.

Ano bato? Bakit ba naiisip ko na naman siya? Matagal ko na siyang kinalimutan matapos ang ginawa niya. Umiling ako at binitawan ang mga bulakalak.

Gusto ko siyang kalimutan pero hindi ko kayang itapon ang mga bagay na bigay niya sa akin, ang mga alalang ibinigay niya sa 'kin. Hindi ko pa kaya.

Bumalik na ako sa kama at humiga kasabay naman 'non ang pag-bukas ng pintuan sa aking kuwarto at pumasok si ate habang pinapatuyo ang kanyang mahabang buhok. Naka-suot siya ng isang manipis na kulay puting oversized shirt at mikling pambaba na kulay itim. Mahahalata rin na wala siyang soot na kahit ano sa ilalim ng kanyang damit. Sanay na naman ako kay ate dahil lagi siyang ganyan pag sabay kaming natutulog. Minsan nga wala siyang suot na kahit ano, ang sabi niya sa akin ay mas komportable daw siyang walang suot o manipis lang pag natutulog.

"Lets sleep" Mahinag bigkas ni ate at papiki-pikit siya sabay yakap sa akin pahiga, halatang ina-antok na siya dahil sa pagod. Madami nanaman siguro itong ginamot at ngayon lang ulit mak-kapag pahinga.

Tumango nalang ako sabay yakap sa kan'ya at sumiksik sa kanyang leeg. Ilang sandali pa ay nararamdaman ko ang antok at ang pag-bigat ng talukap ng aking mata. Bago paman ako makatulog ay narandaman ko ang pag-dampi ng isang halik sa aking noo. Ang sweet talaga ni ate.

"Goodnight, sweetheart"

LUNES na naman at nasa school ako ngayon papunta na sa room. Si ate ang nag-hatid sa' kin bago siya pumasok sa kanyang trabaho, tumangi pa nga ako dahil baka ma-late pa siya pero ang kulit din ni ate eh, nag-pumilit na ihahatid ako. Pumayag na lang ako dahil hindi naman 'yon magp-patalo.

Buti na lang at tuwing martes lang maaga ang first class ko at bago mag lunch yung first subject ko ngayon kaya naman sapat na ang naging tulog ko. Pero mamaya, siguradong puyat nanaman dahil sa trabaho.

Ngayon ay hindi si miss Talia ang first class ko, pang mamaya pa siyang hapon.

Nasisipan ko na ipag-luto kanina si miss ng tanghaliaan bilang pasasalamat sa pag-hatid niya sa'kin kagabi.

"Baby, Vicky!"

Habang nag-lalakad ako ay may biglang tumawag sa 'king pangalan dahilan upang mapalingon ako sa kanyang direksyon. Teka, Sylvia? Anong ginagawa nito rito? Tumakbo sya papalapit saakin, pinag titinginan na kami dahil medyo malakas ang kanyang boses nung tinawag ako.

"Sylvia? Anong ginagawa mo dito?" Nag-tataka kong tanong sankanya ng maka-lapit na siya sa 'king pwesto.

"I've transferred here, Vicky"

Serendipity Where stories live. Discover now