Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Parang pinupunit ang loob ng dibdib ko. Sobrang sakit na halos hindi ako makahinga.

“Lola!” malakas na sambit ko kahit hirap na hirap.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mawawala na ba ako? Hindi ganito ang pakiramdam ko noong nakalabas ako ng libro. Bakit ngayon ay sobra sobra ang sakit sa dibdib ko?

“Nagsisimula na. Malapit na ang muli mong paglabas,” muling sabi ni Lola.

Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Parang kinukuha nito ang lakas ko. Parang pinunit ang sarili ko.

“Alam mo bang natatakot akong pumasok. Sigurado kasi akong babawian ako nila Dom. Alam nilang hindi ko sila papatulan sa pambubully nila.”

Nakarinig ako ng boses dahilan ng pagbalik ng malay ko. Maliwanag ang paligid. Sa itaas na bahagi ay nakita ko ang apo ni Lola. Kinakausap niya ba ang libro kung nasaan ako?

Bahagyang kumunot ang noo ko. Isang pahina lang ang kausap niya. Ibig sabihin nito ay napunit ang libro kaya gano’n na lang ang sakit na naramdaman ko kanina?

“Pero sana hindi na nila ulitin. Kung uulitin nila, mapipilitan talaga akong isumbong na sila para mapaalis na sila sa school,” dagdag niyang sabi.

Tumahimik siya saglit at tumitig sa akin. Nakatingala ako para makita siya. Pero ang tinitingnan niya talaga ay ang isang pahina na nawala sa librong tinitirahan ko.

“Kapag kaya nagbakasyon ako ulit kay Lola ay makikita ko na ang taong pinaggayahan sa ’yo?”

Iyon ang sinabi ni Lola sa kaniya. Na totoo ang Josaiah na nakakasama ni Lola at ginaya lang nito iyon kaya nabuo ang librong Ochinaide. Pero ang totoo, ako talaga ang nakakasama ni Lola noon pa man. Ako ang Josaiah na hinihintay niyang makita.

“Magkaiba ba kayo ng ugali nung totoong Josaiah? Hindi ko pa kasi nakikita o nakikilala ang totoong Josaiah, so hindi ko pa masasabi kung anong pinagkaiba ninyong dalawa. Pero ikaw, nababasa ko kung paano mo protektahan si Sol. Sana ako rin ’no? Sana may tulad mo rin na poprotekta sa akin.”

Unti-unting nagliwanag ang katawan ko. Hanggang sa buong katawan ko na ang lumiwanag.

“Pero kung bibigyan man ako ng pagkakataon na palabasin ka diyan sa libro na ’yan, gagawin ko. Ganiyang ugali mismo, ganiyang lalaki na poprotekta sa akin sa lahat ng bagay. Sana totoo ka na lang.”

Iyon ang huling narinig ko hanggang sa hindi ko na rin nalaman ang nangyari. Basta nagising na lang ako na nasa isang bahay na ako. Ako lang mag-isa. Hindi ito tulad ng nasa libro. Ibig sabihin ay nakalabas na ako?

“Nakalabas ka na muli, Josh. Pero hindi ka pwedeng magpakilala bilang Josaiah,” si Lola.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko at nakita ko si Lola na nakaupo sa sofa na nandito sa kwarto. Kaninong bahay ito?

“Lola, kaninong bahay ’to?” tanong ko.

May iilang gamit na sa paligid. Parang may nakatira na rito noon pa man. Kay Lola kaya ito? Nasaan kami?

“Ito ang magiging bahay mo. Mag-aaral ka kung saan nag-aaral si Solemn. Wala kang iisipin sa mga gastusin dahil lahat ay nakaayon na sa pangyayaring ito. Ikaw na si Ryo Tuazon, isang tao at hindi isang karakter na lumabas mula sa libro. Ikaw ang poprotekta sa apo ko,” paliwanag niya.

Indeed, wala na nga akong naging problema nang pumasok ako sa school. Pati ang kung anong grade si Solemn, gano’n din ako. Nakaayon lahat ng pangyayari.

Hindi ako pwedeng mahulog sa babaeng ito. Iyon ang palagi kong sinasabi sa isip ko sa tuwing magkasama kami. I am sure hindi ako mahuhulog sa kaniya, she’s too young for that.

Ochinaide (The New Version)Where stories live. Discover now