Dinaanan ko 'yung higanteng fruit bouquet sa shop ng pinsan ko. Sandali lang akong nakipag-kwentuhan bago ko binitbit 'yung mga prutas sa kotse ko.

Parang nakahinga lang ako nang maluwag at gumanda ang mood nang marating ko ang bahay nila Meredith at sinalubong ako ng yakap at kiss sa pisngi ni Tita Marianne. Medyo napahigpit nga ang yakap ko sa kanya eh. Parang na-miss ko rin siya.

Giniya niya ako sa kusina at nakita kong nandoon si Tito Eman, naka-upo sa island, kumakain ng sandwich. Kumindat siya sa 'kin at inalok ako. "Kumakain na 'ko," sabi niya matapos kong tanggihan ang sandwich. "Baka kasi magka-aberya ang luto mo mamaya eh, magugutom ako," biro niya.

"Sakit mo namang magsalita, Tito."

Malakas siyang tumawa at inubos ang sandwich na kinakain habang naglalagay ng mga ingredients sa isang higanteng recyclable grocery bag si Tita Marianne.

Lumapit ako kay Tita at tinulungan siyang mag-empake.

"Naisip kong masarap na may side dish na salad ang pasta. Hindi mo naman 'to kailangang lutuin so sandali lang. And garlic bread," dagdag pa nito matapos maglagay ng isang baguette na nakabalot sa papel sa bag.

Nang masiguro ni Tita na kumpleto ang mga ingredients at naka-dalawa nang sandwich si Tito Eman (maniniwala na talaga akong natatakot siya sa luto ko), lumabas na kami at nagtungo sa kotse ko. Sa backseat ko na sila pinaupo kasi komportable na sa passenger seat ko 'yung mga prutas at 'yung mga bulaklak na padala ni Meredith.

Nahiya pa si Tita kasi ginawa naman daw nila akong driver. Tumawa lang ako at sinabing 'yun naman talaga ang role ko.

Dumerecho kami sa unit ni Kuya Lex nang marating namin ang building niya. Si Tito Eman ang nagdala ng mga prutas at naniningkit siyang pinanood ni Tita Marianne habang nasa elevator kami kasi sigurado raw siyang pupuslit ng grapes si Tito. May pagka-PG rin pala ang future biyenan ko. Ako ang nagdala ng bouquet na galing kay Mere at ng bag ng mga pagkain ni Tita Marianne.

"Ang ganda pala ng unit dito," sabi ni Tito Eman nang makapasok kami. "Sa kuya mo na ba ito or nirerentahan niya?"

"Binili na po niya, Tito," sabi ko habang ginigiya sila sa kusina. Naisip ko tuloy 'yung condo na gusto kong bilhin para kay Meredith.

Nakahanap na kasi ako. Maganda siya, nasa half-way point sa pagitan ng building namin sa BGC at sa bahay ng mga magulang niya, convenient... at mas mahal pa sa buhay ko. Pero libre namang mangarap di ba? Aayain ko na rin si Kuya Lex para tingnan kahit pa malabong mabili ko 'yun. Kakantahan ko lang ng pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa...

"Gusto po muna ninyong magpahinga? Or Tito, baka gusto mo ulit ng sandwich?" alok ko.

"Actually, gusto ko ng pinya-"

"Jose Emmanuel! 'Wag mo munang sirain 'yan. Mamaya na, pagkakain natin ng dinner," saway ni Tita Marianne.

"Kahit itong nasa gilid lang! Hindi naman mahahalata- Sabi ko nga, mamaya na," nakangising saad ni Tito nang pandilatan siya ni Tita Marianne.

"Okay na, hijo. Magluto na tayo," sabi ni Tita sa 'kin.

Sinabihan ko si Tito na manood muna siya ng TV kung gusto niya pero doon na lang daw siya sa kusina kasama namin. Babantayan daw niya 'yung mga prutas.

"'Yan naman lagi ang puwesto niyan habang nagluluto ako," natatawang sabi ni Tita Marianne.

"Baka kailangan mo ng tagatikim eh."

TINULUNGAN ako ni Tita Marianne sa pagpe-prepare ng mga ingredients pero nang oras na ng lutuan, ako na talaga ang pinagawa niya. Nerbyos na nerbyos ako na para bang sasabog 'yung kaldero kapag magkamali ako ng lagay ng ingredient.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Where stories live. Discover now