Chapter 50

7.3K 157 10
                                    

KENDRICK'S POV

I'm so happy when I found out that Haya is pregnant to our first child. In my 30 years of existence ay ngayon lang ako sumaya nang higit sa inaasahan ko. Magkakaanak na ako sa babaeng mahal na mahal ko. Am I dreaming?

Sa likod ng pagiging masaya ko ay iyon naman ang kasalungat ng reaksyon ni Haya. She wants to show me that she's happy and for our child but I know she's not okay at kasalanan ko iyon. Nakita niya ang mga pagbabago ko na hindi ko na makontrol at ginagawa ko lang iyon para hindi na siya makawala pa sa akin at iwanan ako. Natatakot lang ako na baka mawala na naman si Haya sa akin at kunin ng mga lalake na nagkakainteres sa kanya kaya hindi ko siya pinapayagang lumabas.

Himalang nabuhay at nagising na si Duke mula sa pagkakacomatose sa car accident na nangyari rito. Ang akala ko ay hindi na siya makakaligtas sa kamatayan niya pero nagkamali ako. Masama man pero hiniling ko na sana'y natuluyan na siya dahil may kaunting galit pa ako sa kanya dahil sa pakikisabwatan niya kay Jace maitago lang nila si Haya sa akin.

"Kapag masamang damo talaga ay hindi madaling mamatay, no? Kaya nabuhay ka pa!" nakangisi kong sabi kay Duke na nilalantakan ang mga prutas na dinala ko para sa kanya. Nandito ako sa ospital at dinalaw ko si Duke.

"Katulad mo na binalak ko nang patayin pero nabuhay pa rin?" sabi ni Duke habang kinakain ang mansanas na ako pa mismo ang naghiwa para sa kanya.

Ang sweet kong bestfriend, 'di ba?

Kahit papaano ay hindi ko maiwasang hindi maawa sa kalagayan niya. Ang daming mga nakakabit na suwero sa katawan niya. Nakacast ang isang paa at kaliwang kamay niya at may benda ang ulo niya. Ang laki ng damage na nangyari sa gagong ito.

"Wala e, hindi mo mapapatay ang isang katulad ko na may siyam na buhay." sabi ko.

Umiling si Duke sa sinabi ko. "May pasend-send ka pa ng video n'yo ni Haya sa 'kin? Hindi ka ba nag-iisip na baka masaktan ako sa mapapanood kong punyeta ka?" madiin niyang sabi na ikinatawa ko.

"Gusto kong masaktan ka nang sobra katulad ng naramdaman ko ng dalawang taon. Hindi biro 'yung ginawa mong pakikisabwatan kay Jace para lang ilayo n'yo sa akin si Haya. Pasalamat ka at 'yon lang ang ginawa ko sa'yo at hindi kita pinuruhan." I sighed at napatiim-bagang.

Dinelete ko rin kaagad 'yung video matapos na mapanood iyon ni Duke. I was mad and frustrated the time I send that video. Oo, gago ako at ipinakita ko pa kay Duke ang sweet moments namin ni Haya para lang masaktan siya pero alam ko namang gagalangin na ni Duke ang relasyon namin at hindi na niya ako reresbakan.

"Nagsorry na nga ako, 'di ba? Tapos gagantihan mo pa ako ng gano'n? Bumabalik na yata ang ugali ng Kendrick na nakilala ko noon." sabi niya ng sarkastiko.

"Kailangan kong ibalik 'yon dahil gusto kong masigurado na hindi na makakawala sa 'kin si Haya. Binuntis ko rin siya para sa ganoong paraan ay hindi na niya ako iwanan." seryoso kong sabi.

Selfish man pero mahal na mahal ko si Haya. Sang-ayon sa plano ko ang pamilya niya at pamilya ko dahil tanggap nila ang relasyon naming dalawa. Umiinom na rin ako ng mga gamot ko lately. Bumabalik na naman kasi ang psychotic behavior ko kaya may hindi ako magandang nagawa kina Jace at Duke nang dahil sa galit ko sa kanila. Pareho naming nakuha ni Kenneth ang sakit na iyon kay Dad. Nakakagawa kami ng mga bagay na masama kapag sumagad na ang pasensya namin.

"You're crazy, Kends. Talagang sinulot mo siya sa 'kin at magkakaanak pa kayo." Duke said and I see the sadness in his eyes.

I feel bad for him because he really loves Haya but I love Haya more than in my life and I will fight for her until the end.

"Maghanap ka na lang ng iba diyan. Si Pamela, gusto mo?" I tease him.

He glared at me. "What? Ibibigay mo 'yang ex-fuck buddy mo? No way!" sabi niya. Natawa lang ako.

You're Mine, Little GirlWhere stories live. Discover now