Chapter 18

6.6K 139 8
                                    

HAYA'S POV

"Haya, wait!"

Mas binilisan ko ang paglalakad ko habang si Paolo naman ay hinahabol ako. Hindi ko alam na sa dinami-rami ng lugar na pupuntahan ko ay makikita ko pa siya dito sa labas ng convenience store.

When he reached my hand ay no choice ako kundi ang harapin siya. Hinihingal pa ito habang naghahabol ng hininga.

"Are you avoiding me?" he asked.

"H-Hindi. Nagmamadali lang kasi ako kaya kailangan ko nang umalis." I avoid to have an eye contact with him at aalis na sana ako nang pigilan niya ulit ako.

"I thought we were already friends? Haya, I'm not expecting any more na maging boyfriend mo ako. Gusto ko lang talagang maging kaibigan ka and seeing you right now avoiding me... all I can say is, you're hurting me." malungkot niyang sabi.

I feel bad for Paolo. He's a nice guy pero mas pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ni Yuie. Ayoko na mag-away pa kami nang dahil kay Paolo.

Huminga ako ng malalim. "Paolo, I know pero hangga't alam ko na gusto mo pa rin ako ay hindi ko maiwasang mailang sa'yo. It's better if we're not being friends anymore at layuan mo na ako." mariin kong sabi.

Wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sabihing lumayo na siya sa akin. I think it's better kaysa naman ang maging magkaibigan kami gayong alam kong may nararamdaman siya para sa akin.

Mas lalong lumungkot ang mukha ni Paolo at napabitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ko. "G-Gano'n nalang ba 'yon? Pagkatapos mong sabihin sa akin na pwede tayong maging magkaibigan ay babawiin mo 'yon kaagad?" he laughed sarcastically at umiling.

"I'm sorry..." I apologized.

"No. Alam ko namang mahirap kang abutin, e. Friendship na nga lang ang hinihingi ko sa'yo pero ayaw mo pa rin. Sa totoo lang Haya, nagagalit ako sa'yo. Galit na galit dahil kahit ganito itu-turn down mo pa rin ako! Am I not that good enough for you?" he said na mukha nang nasasaktan.

Oh no, I hurt him again.

"Marami pa naman sigurong mga babae diyan ang magkakagusto sa'yo. You're handsome and kind, Paolo. Madali lang na mahalin ka dahil kahit anong gawin ko ay hindi talaga kita magugustuhan at hindi na rin pwede na maging magkaibigan tayong dalawa."

This situation that I'm facing right now, sobra na akong nahihirapan at naguguluhan idagdag pa na hinalikan ako ni Kuya Kendrick at hindi ko alam ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Why this is happening to me?

Umiling ulit si Paolo at tumingala na parang pinipigilan ang pag-iyak niya. "You're the only one who can hurt me this way, Haya. Sana talaga hindi na lang ako nagkagusto sa'yo para hindi ko na nararamdaman 'to. Okay, I will set you free but don't expect me to be nice with you. Galit ako sa'yo at hangga't patuloy mo akong sinasaktan ay hinding-hindi na tayo magiging okay!" madiin niyang sabi hanggang sa naglakad na papaalis.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko pero kaagad ko rin pinunasan. Nakasakit na naman ako ng damdamin and I can't blame Paolo to be mad at me dahil pati ang offer niyang friendship nalang sa akin ay tinanggihan ko pa. He has a rights to be mad at me and I can't say anything bad about him.

Ayoko pang umuwi sa bahay at magmukmok lang sa loob ng kwarto ko dahil sa sakit nitong nararamdaman ko kaya dumiretso muna ako sa parke na malapit sa school namin para mapag-isa. Kuya Kendrick was texting and calling me kanina pa pero hindi ko ito sinasagot at in-off ang phone ko.

Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang dalawang batang lalake at babae na naghahabulan at naglalaro dito sa parke.

"Tonton, Habulin mo ako!"

You're Mine, Little GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon