"Talaga po, ma'am? Nanggaling pa po kasi ako ng school kasi hinatid ko 'yong anak ko."





"It's okay, Niña. I heard that there was a three-car accident this morning that caused some traffic. It's understandable."




Napangiti ako. "Salamat po, ma'am."




"You're welcome, Niña."





Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ako saka ibinaba ang tawag.




"Tangina naman talaga, oh! Ano na?! Bakit ang babagal kumilos ng mga pulis na yan?! Aba! May trabaho pa kami!" Nanggagalaiti na bulalas ng isang lalaki mula sa katabing sasakyan ng sinasakyan kong jeep.





Napahinga ng hangin ang lahat nang makita namin sa harapan ang sunod sunod ng pag usad ng mga sasakyan. Hindi nga nagtagal at nagkanya kanya na ng alis ang mga sasakyan. Ang iba'y hindi na napigilan na pahururutin ang mga sariling sasakyan, marahil ay talagang nagmamadali sa trabaho.





"Para po!" Usal ko nang tumapat na sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko ang jeep. "Makikiraan po."





Nang makababa ako ng tuluyan ay kaagad na umusad ulit ang jeep. Mabibilis ang lakad na nagtungo na ako sa loob ng shop. Naagaw ko ang pansin ni Ainsley na nagse-serve sa isang customer. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang kakaunti lamang ang customer.





"Oh. Buti narito ka na," nilingon ko si Nadia nang marinig ang boses niya.





Tinanguan ko ito at napapagod na naglakad palapit sa counter. "Tagal ng traffic e."





"Oo nga. May nadisgrasya raw kasi kaninang madaling araw at kaninang umaga lang nai-report kaya kaninang umaga lang din na-aksyunan. Buti na lang malapit na 'yong taxi na sinasakyan ko rito sa shop kaya nilakad ko na lang."





"Paano ba kasi nagkaroon ng disgrasya? Diyos ko naman! Hindi na talaga nag iingat ang mga tao ngayon porke may mga sasakyan na." Hindi ko mapigilan ang mag-asik.





"Ang dinig ko ginagawang race track 'yong kalsada dahil nagkakarera raw 'yong dalawang kotse. 'Yong isa naman, dadaan lang daw sana kaso biglang nabangga nu'ng dalawang sasakyan na nagkakarera. Malakas daw ang pagkakasalpok dahil nagpa ikot ikot pa raw 'yong tatlong sasakyan, sabi nu'ng mga nakakita. Ang ending, 'yong tatlong driver, malaki ang sugat na natamo. 'Yong driver nu'ng papadaang sasakyan yata ang pinaka napuruhan kasi sumalpok pa raw 'yon sa poste."






"At ang dinig ko rin ay tumama 'yong ulo nu'ng driver sa manibela," napatingin kami ni Nadia nang biglang sumingit si Ainsley. "Grabe, di ba? For sure, magkakaroon ng head injury, 'yon. Kawawa naman."





"Eh ano naman ang nangyari roon sa dalawang driver na nagkakarera?" Usisa ko. Hindi ko akalain na makikipag tsismisan ako sa dalawang 'to, umagang umaga ah?






"Napuruhan din malamang, sa lakas ba naman ng impact nu'ng pagkakadumbo," si Nadia ang sumagot. "Kung bakit naman kasi ginawang race track ang high way?"






"Ate!" Sabay sabay kaming tatlo na napalingon doon sa tumawag. "Isang order po ng caramel macchiato and butter croissant."





"Coming up!" Sigaw ni Nadia.





"Papalit muna ako," paalam ko sa kanila na tinanguan lamang nila at bumalik na ulit sa pagtatrabaho.






Ako naman ay nagtungo sa staff room at nilapitan ang locker room ko para ilagay doon ang mga gamit ko at saka para kunin na rin ang uniform ko.





Owned By A Cold-hearted Man (Vergara Brothers #2)Where stories live. Discover now