Kabanata 17: bangungot ni Apa

Start from the beginning
                                    

Naranasan ko na ang napakaraming pasakit ngunit hindi pa rin ako namatay-matay. At ngayong nagkaroon na ako ng dahilan para mabuhay ng tahimik at masaya ay sinusundan pa rin ako ng mga taong aliw na aliw na makita akong dumadaing at nasasaktan!

Hindi na baleng ako na lang! Kaya kong tiisin ang impyerno sa lupa kung kasama ko ang kaibigan kong siya sanang makakaramay ko sa hirap at ginhawa.

Pero kung pati si Ada ay madadamay sa kamalasang dala ng pagiging inutil ko ay hindi na ako makakapayag pa!

Kung kailangang isakripisyo ko ang walang kwenta kong buhay upang magawa ko siyang protektahan at mapasaya ay buong puso kong ibibigay para sa kanya!"

Napangiti ang lalaking may dilaw na mata habang hinihintay ang pagdating ng lalaking naglalakad sa dilim.

''Magaling Rex, Tootchie, Jericho at Rudolf! Ang mga tulad ninyo ay napakalaking tulong sa akin. Wala kayong pinagkaiba sa mga biik na pinalalaki at pinatataba ng mga kasama kong dimonyo dito sa lupa upang pagdating ng sapat na panahon ay kakatayin upang gawing litson at pulutanin ng mga iniwanan naming dimonyo sa impyerno! Bwahahahaha....!", matunog na halakhak ni Alister.

Pinanonood nito ang pagpanik ni Apa sa patung-patong na nitso at pagkatapos ay nahiga sa ibabaw ng nitsong kanyang kinaroroonan.

Ginawang unan ang mga braso at hinintay ang pagtawag sa kanya ng lalaking pipi habang ang mga paa ay nakadikwatrong ikinu-kuyakoy.

Katatapos lamang niyang makipag inuman sa isang supulturero sa kabilang sementeryo at ngayon naman ay heto pa ang isa.

"Sadyang napakaraming tao ang naghahangad ng aking tulong. Kunsabagay, nakahanda naman akong ibigay sa kanila ang lahat ng kanilang nanaisin subalit kailangan ko ng napakagandang kapalit. Ang nais ko ay mga kaluluwang unti-unting pahihirapan sa impyerno kung saan ako ay nanggaling. Sumige ka, Apa. Matagal na kitang hinihintay!", nakangising sabi ni Alister habang patuloy sa pagkuyakoy ng paa.

Sa ibabaw ng patung-patong na nitso....

Inilabas ni Apa ang maliit na kutsilyo mula sa bulsa ng suot na salawal.

"Ang sabi ni Alister ay papatakan ko ng sarili kong dugo ang ibabaw ng nitso at darating agad siya."

Pagkaisip nang ganun ay agad niyang sinugatan ang sarili!

Pumatak ang kanyang dugo!

Sa ibaba naman ay agad na napangiti si Alister. Ang mainit-init na dugo ni Apa ay ramdam na ramdam niya!

Sinamyo pa nito ang hanging naghatid sa kanyang ilong ng napakabangong amoy!

"Isa..., dalawa...., tat.."

"Alister! Naririnig mo ba ako?! Hindi ba ang sabi mo ay agad kang darating kung papatakan ko ng sariling dugo ang ibabaw ng nitsong ito?! Nasaan ka?!"

"Masyado ka namang mainipin, Apa. May iba pang taong humiling sa akin at pinagbigyan ko na muna kaya ako naantala sa pagdating. Ano ang dahilan at ginambala mo ako sa aking gawain? Ano ang iyong nais?", pagmamaang-maangan ng lalaking ang dilaw na mata ay nagliliwanag sa pagkislap.

"Alam kong alam mo na ang gusto kong hilingin."

''Bwahahaha...! Wala mang maililihim sa akin ang isang tulad mo ay kailangan pa rin na manggaling sa iyo ang nais mong hilingin. Magsalita ka at ako ay makikinig.'', sabi ni Alister kasunod ng isang nakakalokong ngiti.

Bakanteng Nitso 3Where stories live. Discover now