Kabanata 11

1.6K 38 1
                                    

MC Llishan Pov

FLASHBACK

"Uncle...Uncle Jaxon!" masiglang tawag ko sa daddy ni Psalm at pumasok sa loob ng bahay nila. Welcome ako parati rito simula no'ng nahanap kami ng daddy ko at nakauwe kami rito sa Bachelor Homes.

"Ang ingay Mc Llishan, bakit?" tanong naman ni uncle sa akin.

"Ops. I'm sorry," hingi ko ng paumanhin at nagbow pa bago yumakap sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko dahil hingal na hingal ako sa pagtakbo.

"Asan po ang Prinsesa?" tanong ko.

"Uminom ka muna ng tubig doon,"utos niya sa akin kaya tumakbo naman ako kung saan ang dining area nila at kumuha ako ng baso at pinuno ko ito ng tubig galing sa despenser bago ko ininom at bumalik ulit sa sala.

"Asan po ang Prinsesa, uncle ?" tanong ko ulit.

"Nasa music room, " sagot niya kaya mabilis kong tinungo ang music room.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang Prinsesa na tumutugtog ng piano habang nakapikit pa. Ngumiti ako because she's beautiful. Ang ulo nito ay sumusunod sa melody ng tugtog. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Kantahan mo naman ako?" malambing kong request.

"Hindi naman kita mahal bakit kita ka kantahan?"tawang sagot niya rin kaya hindi ako naka pagsalita. Bata pa lang ako pero ramdam ko na ang rejection sa sinabi niya. Buti mabilis akong mag isip ng maisasagot.

"Kapag hindi pala mahal hindi kana kakanta?" tanong ko.

"Masiyadong mahal ang boses ko. Ang mommy ko at ang daddy ko lang ang dapat makarinig, "sagot niya naman. Hinawi ko ang buhok niya na natatakpan na sa kalahati ng mukha niya.

"Ang arte naman," sagot ko rin at kinawet ang buhok niya sa may taynga nito.

"Bakit ka pala andito?"ngiting tanong niya sa akin at humarap na siya. Tumigil na rin siya sa pagpiapiano.

"Ibibigay ko lang ito dahil uuwe na kami sa America raw sabi ni Daddy, " Imporma ko sa kaniya.

"Hindi na kayo babalik?" malungkot na tanong niya sa akin at yumuko. Huminga ako ng malalim at tinaas ang baba niya para tumingin lang siya sa akin.

"Babalik ako syempre, " sagot ko rin at inabot ang gift ko sa kaniya na pinabili ko pa kay daddy ko.

"Ano 'to?" tanong niya at kinuha ang gift ko sa kaniya.

"Buksan mo, dali!" utos ko kaya agad naman niya binuksan.

"Wow!" bulaslas niya.

"Ang ganda naman nito baby," tuwang wika niya at tumingin pa sa akin.

"Tumalikod ka at isusuot ko sa iyo, " utos ko ulit at kinuha ang necklace na may pendant na Prinsesa. Tumalikod naman siya at sinuot ko na sa kaniya.

"Salamat baby Mc, " pasalamat niya saakin at hinawakan niya pa ang pendant.

"Wag mo nga akong tawagin baby Mc! "sita ko.

"Baby pa naman tayo pareho eh, " sagot naman niya at humalik sa pisngi ko. Feeling ko namula ako sa halik niya.

"Baby lang kasi baby bakit may Mc pa? " reklamo ko sa kaniya at kumamot pa sa aking ulo.

"Edi Babz na lang para unique? " sabi niya rin habang nilalaro ang pendant ng kwentas.

"Pwede na rin iyon Babz pero kapag malaki na tayo papalitan ko ng baby," sabi ko pero kumunot ang noo niya.

A Painful Mistake (BOOK 1)Where stories live. Discover now