Pahina 17 ;

188 4 0
                                    

- Diamond Pov -

Dalawang raket ang natapos ko sa araw na ito bago pumasok sa bagong high class bar na pinapasukan ko.

Isang linggo na rin akong nag ta-trabaho dito. Hindi na rin kasi ako nag reniew ng kontrata sa HP kahit na pinipilit ako ni Mamita Reese.

"VIP, Dayam, room four," saad sa akin ni Jake ang bartender.

Tumango na lang ako at ngumiti.
Kanina pa ako pabalik-balik sa palapag na ito wala na bang ibang mautusan.

Sabagay halos lahat ay busy, sabado ng gabi ngayon kaya maraming tao.
The night was wild, kahit saan ako tumingin ay may mga nag me-make out. Kabataan nga naman.

Kumatok muna ako bago pumasok sa VIP room. Bahagya pa akong nagulat ng makita ang isang lalaki at babae.
The girl was sitting at the man's lap, grinding.

Shocks! Live.

Napatikhim muna ako kaya nag tama ang mata namin ng lalaki.

Biglang nanlaki ang mata niya at naitulak ang babaeng naka upo sa kanyang kandungan.

Aray!

Dali-dali itong lumapit sa akin at humawak sa kamay ko "Are you for real?" manghang tanong nito.

"Ghad! Am I dreaming?" yumakap siya sa akin.

Naawa naman ako roon sa babaeng hawak ang balakang at napangiwi.
Ibinaba ko muna ang alak sa lamesa bago tinulungan ang babae na naka salampak, para kasing walang balak ang lalaki at nakatingin lang sa akin.

"Get out!" maawturidad na saad ng lalaki, kaya dali-dali akong nagtungo sa pintoan para lumabas.

Tengene! Hindi ba ako nag-iisip? Mukhang naistorbo ko pa sila at nabitin pa siya.

"No, not you," biglang agap niyang saad at hinawakan ako sa siko ng mahawakan ko na ang serandura ng pintoan.

Biglang naging malambing ang boses niya.

"What?!" gigil na saad ng babae.

"Ibinagsak mo na nga ako yet ayaw mo pang paalisin 'yang babae na iyan," duro sa akin ng babae.

"Shut the fvck up!" asik nitong lalaki sa tabi ko.

"Whos that bitch ba?" irap nito sa akin.

"Oh! Well, I don't think na ganyan na pala kababa ang taste mo. What a cheap waitress," angil pa rin nito.

Napayuko na lang ako.
The boy suddenly strangled the woman up.
Sabay kaming napasinghap ng babae na mukhang natakot din. Napaatras ako ng dalawang beses dahil sa kabang nararamdaman.

"Don't you dare out of this room, Dayam," saad niya ng bubuksan ko na sana ang pintoan para makatakbo.

Pero wait? He called me at my nickname 'Dayam'.

"Don't you dare insult her," nagtatagis ang mga pangang saad niya.

"H-help," nagmamakaawang saad ng babae habang nakatingin sa akin.

Halos mamutla na siya habang hawak ng mamang ito.

"T-thom... I-I... I can't breath," utal-utal na bigkas nito.

"Thomas," isang dumadagundong na boses ang biglang umalingawngaw sa loob ng silid.

Marahas na ibinaba noong nag ngangalang Thomas ang babae saka bumaling sa akin at akmang hahawakan ako pero umatras lang ako.

Fvck! Mahal ko pa buhay ko.
Narito ako upang magtrabaho, at nag ta-trabaho ako ng marangal.

"Did I scare you?" nag-aalangang tanong niya sa akin.

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon