PAHINA 15 ;

202 4 0
                                    

- Diamond Pov -

Nasa kusina kami ni mama habang nag luluto siya. Wala akong raket ngayon dahil hindi muna ako tumanggap.

Umuungot kasi ng gala sa akin ang mga bata at hindi ko 'yun natatanggihan. Minsan lang sila mag-aya, gusto ko naman silang pagbigyan.

"May problema ba?" untag sa akin ni mama.

Tumingin ako sa kanya "Ang lalim ng iniisip mo." saad pa niya.

"Ma." lumunok muna ako ng ilang beses.

"Ma." tawag ko ulit sa inang nag hahalo ng sinangag.

"Hmm?" she hummed.

"Ma."

"Oh, bakit?"

"Ma?" hindi ko talaga alam kung pa'no mag uumpisa.

"Ano ba, Diyam, dedede ka ba?" padabog nitong ibinaba ang sandok sa kawali.

"Eh, Mama, naman."

Umirap siya sa akin 'tsaka umiling "Huwag mong sabihing buntis ka na naman, Diyam, huh! Itatakwil na talaga kita." irita niyang saad habang dinuduro sa akin ang sandok.

Napairap din ako sa ina "Ma, naman." hawi ko sa sandok na naka turo sa akin.

"Hindi ako buntis! Hindi ako pumapayag kay Mamita kahit mataas ang bayad."

"Eh, ano nga kasi. Para kang hindi maihi." balik nito sa pagluluto.

Ilang beses akong lumunok para tanggalin ang bikig na nasa lalamunan ko "Ma, may gusto kasi akong sabihin sa'yo. Pero... pero 'wag kang magagalit huh,"

Kunot nuong tumingin sa akin si mama 'tsaka unti-unting tumango.

"Ma, ano kasi," halos lumabas na ang puso ko sa ribcage nito dahil sa sobrang kaba.

Ramdam ko na rin ang pamamawis ng aking nuo at mga kamay.
Tunog ng sandok sa kawali, dugudog ng puso ko at ang marahas na paghinga ko lang ang naririnig ko.

"MamamaygustoakokayTyron." mabilis kong saad, pumikit ako para hindi ko makita ang reaksyon ni mama.

"Gaga! Hindi ko maintindihan." sigaw niya sa akin.

Inhale. Hooo!
Exhale. Hooo!

Umayos ako ng upo saka tumingin sa kanya ng mariin "Mama, gusto ko na po ata si Tyron." alanganin kong saad, ang ngiti kung nauwi sa ngiwi.

"Ata?" taas kilay niyang

Alanganin akong tumango.

"Gaga. Anong ata?" tanong niya sabay lagay na ng sinangag sa topper wear.

"Hindi ata! Halata namang gustong-gusto mo." tila ba nahulog siya sa kinauupoan sa narinig mula sa ina.

Inililihim pa niya gayong halatang-halata naman na pala.

"Mabait si Tyron, Anak." humarap si mama sa lababo at kinuha ang itlog.

"Pero sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?" tanong niya sa akin habang binabatil ang itlog sa mangkok.

"Ma, hindi na ako bata. Alam ko naman na po ibig sabihin ng nararamdaman ko." ungot ko.

"Oo alam ko, Diyam, hindi ka na bata pero bago pa rin sayo ang nararamdaman mo. Kaylan ka ba nagkaroon ng kasintahan?" baling niya sa akin.

"Ma."

"Diamond, alam nating parihas na hindi mo pa nararanasan 'yon. Oo nga't nagka anak ka na pero neh, hindi mo nga man lang kilala ang mga tatay nila."

Tama nga naman pero pitong taon na ang nakakalipas.
Patay na ang pag-asa kong maalala o makilala man lang sila.

Napahawak ako sa aking sintido ng mag simulang pumintig ang aking ulo.
I gripped the edge of the table when my sight became blurry.

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondWhere stories live. Discover now