PAHINA 7 ;

402 6 0
                                    

- Diamond -

Makalipas ang ilang oras na pagde-decorate sa cafe ni ms. Darya ay natapos na rin ako.
Hindi naman mabigat dahil may mga katulong din ako.

"Ang ganda." manghang wika ni ms. Darya.

Nangiti ako "Nagustohan mo? Buti naman."

"Always naman, Dayam, wala ka atang decorate na hindi ko nagustohan," masaya niyang saad.

"Salamat."

"Oh siya. Mag meryenda ka na muna bago ka umalis." hinawakan ako nito sa braso saka iginaya sa loob ng kusina ng cafe.

"Puwedi bang take out na lang. Alam mo na, para sa mga bata." ngiti ko.

"Oh yes naman noh. Hayaan mo at magbabalot ako ng mga cookies at cake para sa triplets. Basta kainin mo muna ito bago ka umalis," inilapag niya ng isang slice ng strawberry cake at strawberry shake.

"Salamat ulit." wika ko. Nakangiti rin siya sa akin.

"Kamusta na pala si Rosario?" biglang nalungkot pariho ang ekspresyon naming dalawa.

Uminom muna ako bago magsalita "Okay lang. Sabi niya," kibit balikat kong sagot.

"Alam mo naman ang Ate," napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang hindi namin alam kung bakit naroon sa kulungan ang ate Rosario. Sabi nakapatay daw, sabi naman ng iba nahuli na nagtutulak, ang iba naman dahil gumagamit ito at bugaw.

Hindi malinaw ang naging kaso niya pero dahil nga sa mahirap kami wala kaming ibang nagawa kun'di ang dalawin na lang siya roon.

Hinawakan ako ni ms. Darya sa balikat "Hayaan mo kung kaya ko ng tumulong tutulong ako para makalabas na siya roon." napatingin ako sa kanya.

"Ano ka ba, Ms. Darya, malaking tulong na nga po itong pagkuha niyo sa akin para mag decorate pag may ganitong okasyon eh." komento ko.

"Alam ko naman pero alam ko rin namang hindi sumasapat. Nangangayayat ka na nga kakaraket mo, ewan ko ba naman kasi sayo ba't hanggang ngayon hindi ka pa maghanap ng katuwang mo. Malapit ka na mag trenta baka agiwin na 'yan diyan." pabiro niyang turo sa aking pagkababae.

"Ms. Darya naman. Kahit walang dilig 'yan fresh pa rin 'yan." natatawa kong sagot.

"Nako! Ireto na kasi kita sa pinsan kong Doctor."

"Ms. Darya, wala pa sa isip ko. Saka na siguro pag alam kung okay na sa mga anak ko. Baka ipukpok ko na naman sa ulo ko mahirap na." sagot ko na lang.

Umiling siya "Hoy! Grabi ka naman wala ka bang tiwala sa angkan namin," pabiro niyang hinampas ang balikat ko.

Natawa na lang ako sa pag-irap niya at pag nguso.
Matagal na kasi niyang inuungot ang pinsan niyang doctor. Ewan pero hindi ko talaga naiisip ang bagay na 'yun.
Sapat na sa akin ang tatlong prinsepe ko sa buhay.

Bago lumabas ng cafe ay tumawag sa akin si mamita Reese na nakuha na raw ni Troy ang schedule ko para ngayong araw.

"Sige po, Mamita," paalam ko sa tawag nito.

Dala ang tatlong box ng Darya's Cafe na naglalam ng mga pagkaen ay sumakay na ako sa tricycle pauwi sa amin.

Malayo pa lang ako ay kita ko na ang kotseng nakaparada sa labas ng aming bahay.
Yaman talaga. Paiba-iba ng kotseng dala.

"Taray ni Dayam, nakasungkit ng afam." sigaw ni Serena. Serio pag umaga Serena pag gabi.

Hindi ko na lang ito pinansin. Hahaba pa ang usapan. Basta ang alam ko sa sarili ko wala naman kaming relasyon ni Troy.

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondOù les histoires vivent. Découvrez maintenant