PAHINA 3 :

596 11 0
                                    

- Diamond -

"ARAY," inda ko na ng halos pigain na niya ang kamay ko.

Nagulat ata siya at biglang nataohan kaya agad niyang nabitawan ang aking kamay.

"I'm so sorry," hinge niya ng paumanhin, kaya tumango na lang ako.

The girl smiled but the man stood like he don't care.
Dumako ang tingin sa amin ng babae at bigla namang ikinawit ni Troy ang kamay sa bewang ko dahilan para sundan iyon ng babae ng tingin.

Nakangiti si Tyron sa akin at hindi inalintana ang mga matang nakatingin sa amin.
Ngumiti rin ako sa babae pero ng mag tagpo ang mata namin ng lalaking katabi nito ay nakaramdam ako ng ibayong kaba. Takot at kaba.

Cacaphony screaming at my mind. I don't know why but I feel uncomfortable, nervous, painful, and irritated. Anong nangyayari?

Naramdaman ko ang pag patak ng luha sa aking kanang mata kaya agad kong pinahid iyon.

"Masakit pa ba?" tanong ni Troy.

"Sorry. Hindi ko sinasadya," kinuha niya ang kamay ko, saka ito dinampian ng halik.

Electricity heat my body pero pandalian lang iyon. Awkwardness na ang naramdaman ko.
Nasa'min na kasi ang atensyon ng dalawang tao na dapat ay nasa kanila ang aming tingin.

"Okay na ba?" ngiti niya sa akin.

Wooohhh! Alam ko namang acting lang to pero. Pero... Pero bakit hayst! Ang intense, Accla.

Naupo na kami ni Troy at nag umpisa ng mag speech ang dalawa sa stage.
Troy start drinking alcohol, nakita ko na rin ang dalawa kong kaybigan na kasama ang mga ini-scort-an nila.

Pero si Emeral ay si Mr. Zaqueo ang laging kasama.
Ilang oras na kaming nakaupo at nanatiling umiinom si Troy, tahimik lang ako at tinitignan siya.

Ngumingiti lang naman siya sa akin pag nag kakatinginan kami. Kaya nailing na lang ako.
I know he's broken-hearted, kaya ganyan ang kanyang asta.

Napatingin ako sa hawak kong black pouch ng mag vibrate roon ang cellphone ko.

       Mama ;
Dayam, uwi ka muna, Anak. Si Rain at Sky nilalagnat.

Basa ko sa mensahe ni mama.
Napatingin ako sa kasamang halos nakakailang baso na ata ng hard wine.

"Ahm, Troy," agaw ko sa pansin nito. Naka tingin lang kasi ito sa lamesa habang tuloy tuloy ang pag inom.

Nag-angat siya ng tingin sa akin "I'm sorry. Gutom ka na ba?" may pag aalala sa tanong niya.

Umiling ako "Okay lang ba kong mauna na ako sayo? May emergency lang kasi sa bahay," I bit my lower lips.

Bigla naman siyang tumayo at humawak sa kamay ko.
Nag lakad kami patungo sa table ng parents niya.

"Dad," tawag pansin niya sa amang kumakaen.

Tumingin ito kay Troy at sa akin, saka tumayo.
Ganun din si ma'am Shantal na naka ngiti sa akin.

"Dad meet my girlfriend Ysabell Devera. Baby, si Dad," pag papakilala ni Troy sa akin sa kanyang ama.

"It's pleasure to met you, Sir," ngiti ko sabay lahad ng kamay.

Nakipag kamay naman siya pero nanatiling seryuso ang kanyang mukha.
Bumaling siya kay Troy saka ngumisi.

"You already moved on?" hindi ko alam kong nang-aasar ba siya.

"Why not? Ysabell is beautiful and sexy," ngisi rin ni Troy sa ama.

"Mayaman ba?" sounds sarcastic.

"I don't care if she's not, Dad. Mommy is not rich at all," kibit balikat na sagot ni Troy.

Mr. Tyrus glared at Tyron. Nag susukatan sila ng tingin na animo'y may mga kidlat na nag lalabasan sa kanilang mga mata.
Mararamdaman mo ang tensyon kaya malakas na natawa si ma'am Shantal.

Napatingin ako sa ginang kaya tumigil siya at humawak sa braso ng kanyang asawa.

"Stop making a scene. Nasa labas kayo ng bahay," saad niya sa mababang boses pero mahahalata mo ang awtoridad dito.

Humawak ako sa braso ni Troy "Mauna na rin po kami," paalam ko.

"At least say hello to your brother and her fiance," nakakalukong ngisi na naman ang namutawi sa labi ni Mr. Tyrus.

Lumapit sa amin ang dalawang taong kanina pa ikinakasakit ng damdamin ni Troy.

"Congrats," Troy cracked his voice.

Humawak ulit siya sa kamay ko saka hinila na ako paalis sa harap ng kanyang pamilya.
Narinig ko pa ang pag tawag ng ama ni Troy pero hindi na siya huminto at nag patuloy lang kami sa pag lalakad.

"I'm sorry about that," saad niya ng makalabas kami sa loob ng nasabing hotel.

"Wala 'yun," sagot ko na lang.

"Hatid na kita," he smiled.

"Sabi ko sayo wag mo kong ngitian ng peke," ismid ko sa kanya.

Sumakay na ako sa kanyang sasakyan papahatid na lang ako hanggang kanto.

Isang oras at kalahati ang itinagal namin sa byahe dahil sa traffic.

"Saan dito?" tanong niya ng makapasok kami sa aming baranggay.

Alas nuwebe na ng gabi pero nasa labas pa rin ang karamihan sa mga marites kaya tuloy pinagtitinginan ang kotse ni Troy.

"Doon," turo ko sa gate naming kinukupas na ng panahon ang pintura.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang nuo saka inihinto ang kotse sa tapat ng aming bahay.
Bababa na sana ako pero pinigil niya ang braso ko saka lumabas na siya ng kotse.

Madali siyang umikot saka at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman 'yarn?

"Is this your house?" parang hindi makapaniwalang saad.

"Is there any problem?" may maliit na boses ang sumagot sa kanya.

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Moon na nakatingin ng seryuso kay Troy.

"Is he--"

"Moon, anong ginagawa mo sa labas?" putol na tanong ko sa anak.

"Sabi ni Mamila po dadating ka kaya hinintay po kita. Lumabas din po kasi siya nagpunta sa botika bumili ng gamot nila Sky at Rain," mahabang litanya nito saka inayos ang salamin.

He's holding a book again.

Napatingin ako kay Troy ng tumawa siya.

"Kapatid mo?" tanong ng binata habang nakatitig kay Moon.

"Siguro may lahi kayo no," dagdag pa nito.

Kumunot ang nuo ni Moon "She's my mother," walang gana nitong saad.

Nagtatakang napatingin sa akin si Troy kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Dayam," rinig kong tawag sa akin.

"Ma," nagmano ako sa ina.

"Hindi ba kayo papasok? Gusto niyo bang pagchismisan dito sa labas?" wika ni mama saka madali ng pumasok sa loob ng bahay.

Naglakad na rin ako papasok at gano'n din sila Troy at Moon. Pero ng akmang hahawakan ako ni Troy sa braso upang alalayan pinalo iyon ni Moon ng libro.

"Anak," saway ko sa bata.

"Tsk," saad lang nito saka umirap kay Troy at pumasok na sa kuwarto nila.

Humingi ako ng paumanhin kay Troy dahil sa inasta ng anak. Ngayon ko lang nakitaan ng ganoong side si Moon. Oo nga't tahimik ito at laging seryuso pero ang ugaling ipinakita niya kanina sa akin ay kakaiba.























A/N : Vote and Comment are appreciated, Babiss 💙💦

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondWhere stories live. Discover now