PAHINA 1 :

1.1K 12 0
                                    

Alas sais pa lang ng umaga, nasa kabilang kanto pa lang ako pero rinig ko na ang ingay ng boses ni mama.

"Hay nakoo, Choling, wag ang anak ko ang pag aksayahan mo ng oras 'yang anak mo nga buntis na kay Jeffrey nakita ko pang may katagpuang iba sa palingke," anas ni mama kay aling Choling na kapitbahay namin.

Nag salubong ang tingin namin ni Erika pero agad din akong inirapan ng bruha.
Tss. Kala mo naman maganda mukha namang ewan.

"Ma, mano po," saad ko sabay kuha ng kamay nito para mag mano.

Pumasok na si mama sa loob kasabay ko. Naupo muna ako sa sofa at si mama naman sa kusina dumiretso.

"Kala mo naman may ambag sa buhay natin 'yang babae na iyan," inis na saad ni mama.

Lumabas siya ng kusina habang may hawak hawak na sandok.

"Ipag kalat ba namang mangkukulam ka dahil sa gabi ka lamang lumalabas," inis na saad nito.

Napasapo ako sa aking nuo.

"Ingit lang siya dahil maputi ka, eh 'yong anak kasi niya mukhang ulaga. Kanal ata kasi lotion nila," kinukumpas pa ni mama ang sandok na hawak.

"What was that noise?" rinig kong saad ng isang bata.

"Mama, you're here na," lumapit sa akin si Sky sabay kalong.

"Good morning, Mama and Mamala," bati nito sa akin at kay mama.

"Good morning din, Apo ko," ngiti naman ni mama sabay halik sa pisnge ni Sky.

Bumaling sa akin si Sky saka yumakap sa aking leeg. Hay nakakawala ng pagod.

"Mama, I dreamed on you po," saad nito saka dinantay ang ulo sa dibdib ko.

"Tapos na gising na po ako," saad niya.

Bigla akong natawa, intiresado pa naman sana akong malaman.

"Maammaaaaaa," mabilis akong napatayo habang buhat buhat si Sky at napatakbo sa kuwatro nila.

"Rain," yugyog ko "Anak, gising na," umiiyak kasi ito. Masama na naman ata ang kanyang panaginip.

Nitong mga nakalipas na araw lagi siyang ganito, wala namang naikukuwento ang dalawa tungkol sa kapatid nila kaya hindi ko alam kung bakit lagi na lang siyang nanaginip ng hindi maganda.

"Mama," lumapit naman sa akin ang isa pang bata at humalik sa pisnge ko.

"Good morning, Moon," ngiti ko sa anak.

"Good morning too, Mama," ngiti niya habang sinusuot ang salamin.

"Mama, nandito ka na po," pupungas-pungas na saad ni Rain.

Tumango ako sa anak sabay halik sa pisnge nito.
Sabay sabay silang yumakap sa akin at gano'n din ako.

"Oy! Oy! Labas na," putol sa amin ni mama.

"Lunes ngayon, baka malate kayo sa school," saad pa nito.

Nginitiaan ko ang triplets saka inakay na palabas ng kuwarto.

Habang naliligo ang tatlo ay inayos ko na rin ang mga isusuot nilang uniforms na plantsa na rin naman ang mga ito kahapon.
Nang matapos binihisan ko na ang dalawa, pero si Moon ay independent na.

Anim na taong gulang na sila at kasalukuyang nasa unang baitang.
Moon was my first born, second si Sky, at ang aking bunso si Rain.

Naihatid na sila ni mama at ako kasalukuyang nag lilinis ng bahay.

"Ma, gisingin mo po ako ng alas tres may raket daw kami nila Sapphire," saad ko sa ina nang dumating ito galing sa paghatid ng mga anak ko.

"Oo," tango naman nito "Lalabas muna ako at mag lalako ng biko," paalam niya sa akin.

Alas otso pa lang ng umaga kaya naligo na ako at pinatuyo sa harap ng electricfan ang buhok.

May alarm naman ako pero mas malakas pa rin ang dating kung 'yung alarm na bunganga ni mama ang gigising sa akin.

"Diam," malakas na sigaw ni mama ang nagpagising sa akin.

"Hoy!" yugyog nito sa akin "Gumising ka na riyan, kanina pa nag a-alarm 'yang cellphone mo oh," halata ang inis sa boses ni mama.

Naupo ako sa kama saka ininat pataas ang mga kamay kasabay ng paghihikab.

"Susunduin ko na muna ang mga bata, mag asikaso ka na riyan. May pag kain na rin sa mesa," saad ni mama habang nag susuklay ng buhok.

Dumiretso ako sa kusina saka tinignan ang natakpan sa lamesa.
Adubong atay ng manok ang ulam, bigla akong nakaramdam ng gutom dahil paborito ko ito.

Uminom na muna ako ng tubig bago nag sandok ng kanin at umupo sa hapag, naligo ako ulit saka nag-asikaso na four thirty kasi ay dapat nasa boarding na 'ko nila Emerald at Sapphire.

Nag iwan na lang ako ng note sa pintoan ng kuwarto ng mga bata saka umalis na.
Naglakad na 'ko papunta sa kanto para sumakay ng trycicle patungong bayan malapit lang kasi roon ang boarding ng aking mga kaybigan.

"Oh," abot sa akin ni Emerald ng isang black gown.

"Saan ang venue?" tanong ko.

"Monroe hotel," sagot naman ni Sapphire.

"Nakay Mamita Reese na rin ang payment," dagdag pa nito habang sinusukat ang isang maroon dress.

Tumango tango na lang ako.
Habang nag aayos ay hindi ko maiwasang kabahan.
Hindi ko alam pero parang ayuko pumunta sa nasabing lugar.

"Diam, paki abot naman 'yung lipstck ko," turo ni Sapphire sa cannon ball lipstick na nasa harap ko.

"Bakit namumutla ka?" takang tanong ni Emerald.

"Huh? A-ah hindi naman," sagot ko na lang.

Nag tataka man ay tumango tango na lang rin siya.
Kinakabahan talaga ako sa hindi mawaring dahilan.
Napahinga ako ng malalim saka humarap na ulit sa salamin, mula rito ay nakita ko naman ang pag iwas ng tingin ni Emerald.

Mag aalas sais na ng mag bihis kaming tatlo, nag make up muna kasi kami at nag ayos ng buhok.
I wear an elegant sheat v-neck straps black satin slit evening gown na pinarisan ko ng black din na stilleto, Sapphire wearing a mermaid marron backless burgundy lace  gown with sequins na pinarisan niya ng silver stilleto, and Emerald wearing a dark green one shoulder strap cross at back with a high slit na pinarisan niya ng white with a silver beads stilleto.

Sumakay na kami sa kotse ni Emerald, at nag tungo sa Reese Academy kong saan doon na kami susundoin ng mga ii-scort-an namin.

Hindi naman kami matagal nag hintay dahil halos sabay sabay lang din na dumating ang mga makakasama para sa party.










----

Vote and Comment, Babi's 💦💙

TRIP TO HEAVEN S#2 : Finding our  DiamondWhere stories live. Discover now