Kabanata 1

13 2 0
                                    

Taon 2009...

     NAGLALAKAD ako ngayon sa gilid ng kalsada kasabay ang iba pang mga estudyante. Ang totoo ay sinusundan ko lang ang mga estudyante na mayroong I.D ng School na papasukan ko. Dahil hindi ko pa masyado kabisado ang daan, bagong lipat lang kami mula Laguna. Fourth year high school na ako ngayon at dito ko tatapusin ang high school life ko. Nagkaroon kasi kami ng problema kaya nilipat ako rito. Sana ay huling lipat na ito, nakakapagod, at sana maganda rin ang huling taon ko sa high school, para memorable.

     Napapikit ako sa ingay ng mga motor na sunod-sunod na dumaraan. Madami sila, puro kalalakihan. Bilang isang babae, nakakatakot sila. Mabagal ang takbo nila pero busina sila ng busina habang nagtatawanan.  Anong problema nila? Ang aga-aga nanggugulo sila. Mga kalalakihan talaga.

     Napalingon naman ako sa isang pang parating na motor. Mabilis ang pagmamaneho nito at mas maingay pa kumpara sa mga nauna. Sinundan ko ito ng tingin.

     "Oh my god!" sigaw ng ibang babae.

      Habang ako ay napatakip ako ng bibig dahil sa babaeng na sa unahan ko, natalsikan ito ng tubig dahil sa motor na dumaan. Huminto ang lalaking nakamotor, nilingon ang babaeng nabasa. Nakahelmet ito dahilan para hindi ko makita ang mukha niya. Tumango lang ito at pinaandar muli ang motor. Nilayasan lang ng loko!

     Lumapit ako sa babae, "ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ko. Pilit na ngumiti siya sa akin, "oo." sagot niya. Pinagpagan niya ang kanyang katawan at lumingon sa gawi ng lalaki na masyado nang malayo.

      "Karmahain ka sana," mahinahon na wika niya sabay hinga ng malalim.

     "Ang mabuti pa ay mabihis ka muna," kinuha ko ang bag sa likod at binuksan, may kinuha kao, "eto," abot ko sa kanya ng white t-shirt, "gamitin mo muna."

     "H-hindi na. Salamat na lang-"

     "Pero basa ka. Hindi ka pwedeng matuyuan," hindi siya nakapagsalita.

     "Halika, sasamahan kita magbihis." pag-aya ko. Kinuha ko ang kamay niya at sabay na naglakad papasok sa eskwela namin dito sa Las Piñas City.

     Dito nagtatrabaho ang tatay ko, kamakailan lang kami lumipat. Una kaming nangungupahan sa Laguna, palipat-lipat kami hanggang sa tumira kami kina lola't lolo, magulang ni papa. Umalis lang kami roon ng dumating yung tito ko at mga anak niya, nakakahiya naman kasi. Masyado silang marami kaya kami na ang nag-adjust. Mabuti na nga lang at may nahanap na malaking paupahan si papa rito at naisipang dito na muna manirahan.

     Nandito kami ngayon sa cr, kitang kita ko ang repleksiyon ko sa malaking salamin. Nakita ko rin ang paglapit niya mula sa salamin, nakabihis na ito, suot niya ang puting damit na ibinigay ko. Ngumiti siya, "salamat ulit sa'yo." Ngiting wika niya habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

     "Walang anuman. Ano nga palang pangalan mo? Nakalimutan kong tanungin ka kanina," tanong ko habang nag-aayos ng buhok ko, hawi-hawi lang ng buhok.

     "Ako si Kayla." Sagot niya at humarap sa akin. "Ikaw?" Tanong naman niya sa'kin.

     "Chelsie ang pangalan ko." Pagpapakilala ko.

     "Nice to meet you, Chelsie." abot niya ng kamay niya. Nakangiting inabot ko ito at nagshake hands.

     "Nice to meet you too."

     Pagkabitaw namin sa isa't isa ay lumapit siya sa lababo, binuksan ang gripo at naghilamos.

     "Anong year mo na?" panimulang tanong ko para hindi maging awkward ang hangin. Huminto siya sadlit sa paghihilamos.

Our Best Memories Where stories live. Discover now