CHAPTER 12 ~ Code ~

Start from the beginning
                                    

"Magkaiba tayo." ulit ng binata sa kabilang linya. "Kasama mo na ang pamilya mo, ang mga taong mahal mo...ang anak mo. Pero ako hindi pa ako maaaring tumigil. Dahil may isa pa akong bagay na hindi nababawi sa kapatid ko."

Binalot ako ng kilabot sa narinig kong galit sa boses niya. Galit na halos pantayan ang poot na nasa puso ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Namalagi ka sa bahay ng mga Hunt. Alam mo na may mali, alam mo na may tinatago sila tungkol sa pagkatao mo. Ni minsan ba ay hindi mo naisip na kung hindi talaga ikaw si Serenity ay kung nasaan ang totoong Serenity Hunt?"

"What are you talking about?" I whispered. "Serenity Hunt is a fake identity to keep me safe. It's a life you made for me."

"It's a life I let you borrowed. Dahil kapag napabagsak ko ang kapatid ko at nakuha ko na si Serenity maaari ka ng bumalik sa totoo mong buhay o magkaroon ng pagkakataon na magsimula muli."

Naguguluhang umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Hindi kita maintindihan Waine. There's no Serenity other than me."

"Hindi mo ba nakita ang mga litrato ni Serenity sa bahay ng mga Hunt? Mga larawan kung saan nakatakip ang buong mukha niya?"

"I realized when I started to have my memories back that maybe you altered those pictures. I thought it was me in the beginning."

"I didn't." he said. "She had a huge scar on her face that's why she always covered it up. Bata pa lang siya ng makuha niya ang marka na iyon. But she still looks beautiful to me. She always has."

Rinig ko ang kaseryosohan sa boses ng lalaki. Serenity Hunt is not a fake identity. Kaya ako nagawang protektahan ng pagkatao na iyon dahil sa kung anong dahilan ay hindi na hinahanap ng Claw si Serenity. Dahil sa isang dahilan. Dahil nasa mga kamay nila ang totoong Serenity Hunt.

"Sino siya sa buhay mo?" bulong ko.

"Ang nag-iisang babaeng mahal ko."

NAKANGITING pinunasan ko ang bibig ni Ale na mayroong kalat-kalat na spaghetti sauce. Nandito kami ngayon sa likod ng BHOCAMP headquarters kung saan nakasalampak kami sa damuhan na pinatungan lang namin ng malaking picnic blanket.

Nakahain sa harapan namin ang iba't-ibang putahe. Iilan lang ang maaaring kainin ni Ale at hindi rin naman niya maaubos ang napakaraming pagkain.

"Ang dami mo namang niluto." baling ko kay Hermes na matamang nakatingin sa akin.

"Okay lang. Matagal na rin naman akong hindi nakakapagluto para sa Craige's."

Kumuha ako ng clubhouse sandwich at inabot ko sa kaniya iyon. Sandaling nagtama ang mga mata namin bago tahimik na kinuha niya sa akin iyon at kumagat roon. Kumuha na rin ako ng sa akin at nagsimulang kumain.

Walang imik na kumain kami habang ako ay pinagmamasdan lang ang anak ko na nakangiting nakasandal sa teddy bear at nakaangat sa langit ang mga kamay. Nagpapasag siya at muntik ng matumba patagilid ng kaagad na maalalayan siya ni Hermes na para bang sanay na sanay na kay Ale.

"Hermes..."

"Hmm?" he said and looked at me.

"Noong kapit-bahay pa kita bakit bilang ama ni Ale ang pakilala mo sa akin? Bakit kasama mo si Ale na nagbakasyon?"

Kagabi pa binabagabag ng mga tanong na iyon ang utak ko. Dalawang araw na ako naririto. Natawagan ko na rin ang mag-asawang Hunt pero walang sumasagot sa bahay. Ayon kay Waine ay nasa ligtas na lugar daw ang mag-asawa at ang mga kasama nila sa bahay. Inilipat lang sila ni Waine sa ligtas na lugar.

Habang iniisip ang mga tumayong magulang ko sa maikling durasyon na pananatili ko sa kanila ay hindi ko na napansin ang takot na bumalatay sa mga mata ni Hermes na kaagad din na naglaho nang mapatingin ako sa kaniya.

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now