Prologue

169 6 0
                                    

This story may have several spoilers for the next series, so be vigilant =)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This story may have several spoilers for the next series, so be vigilant =).

TEARS were flowing down my chin and I couldn't stop crying. Those eyes of mine were like waterfalls at habang ipinipikit ko ang mga iyon ay mas lalong bumubuhos ang mga luha ko.

"Don't leave me, dad." pagmamakaawa ko sa kanya. "Please..."

But he never looked at me. Tuloy tuloy lang ang paglalakad niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Daddy..."

Marahas akong napabalikwas ng bangon. Pawisan akong iginala ang paningin sa loob ng aking kwarto. Madilim pa ang paligid kaya tumingin ako sa orasang nakapatong sa side table.

Ala-una palang ng madaling araw. Kaya naman napabuntong hininga akong naupo sa aking kama.

Hindi iyon ang unang beses na mapanaginipan ko si daddy. Halos gabi-gabi akong binabangungot ng dahil sa pag-abandona niya sa amin ni mommy noong 7 years old palang ako.

Dahil sa murang edad ay hindi ko naintindihan ang dahilan ng pag-alis niya. Maging sa paglaki ko ay hindi ko nalaman ang totoo dahil pati si mommy ay tikom ang bibig tungkol doon.

Nagpasya akong lumabas ng aking kwarto at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

Pero nadatnan ko si mommy sala na nasa mahabang sofa at halatang nakatulog sa paghihintay dahil ang mga paa niya'y nakababa sa sahig habang ang kalahati ng katawan ay nakasandal ng patagilid sa armrest ng sofa.

Napailing nalang ako at dumeretso sa kusina. Nang matapos akong uminom ay agad akong bumalik sa aking kwarto.

Bago pa man ako makapasok ay narinig ko ang pagbukas ng gate ng aming bahay. Hanggang sa gumawa ng ingay ang pagpasok ng taong iyon sa front door.

Malamang ay dumating na namang lasing ang hinihintay ni mommy.

Napabuntong hininga nalang akong isinara at ni-lock ang pinto.

Hindi na ako dinalaw ng antok kaya naisipan ko nalang mag-aral para sa quiz namin mamaya sa GenMath. Kahit walang sinabi ang teacher namin ay alam kung meron dahil ganoon ang ugali niya. Mahilig siya sa surprise quiz at recitation.

Hindi ako matalino, pero pinipilit kong mag-aral hanggang makatapos ako at makapagtrabaho para makaalis sa bahay na ito.

Pagkaraan ng alas-singko, agad akong nagprepare sa pagpasok. Palagi akong maagang umaalis ng bahay para hindi ko makita ang step-father ko.

Pangatlong asawa siya ng mommy ko. Ang una ay ang daddy ko, pangalawa ay isang babaero kaya hindi rin sila nagtagal, at ang pangatlo ay si Rico. Hindi ko siya magawang tawaging daddy o kahit na tito dahil sa ugali niya. Hindi lingid sa kaalaman kong sinasaktan niya palagi si mommy, sabagay kahit sa harap ko ay ginagawa niya iyon. At kahit ako ay napagbuhatan niya narin ng kamay noong dalagita pa ako.

Waiting for Summer (HIGH SCHOOL SERIES 1)Where stories live. Discover now